YUJU'S POV
Walang schedule ngayon kaya naman feel free kaming gawin ang gusto naming gawin. Eh ako naman walang maisip na gawin.
Lumabas muna ako ng kwarto ko para kumuha ng tubig. Naabutan kong umiinom din si Yerin. Nakaharang sya sa daan kaya naman sinanggi ko talaga sya.
"What's wrong with you?" Inis na sabi ni Yerin
I just smiled at her "What do you think?" Mataray na sabi ko dito.
Tiningnan ako nito ng pagkasama sama. Hindi ako nagpatinag at nakipaglaban sakanya ng masamang titigan.
Wala ni isa sa amin ang nagbababa ng tingin. Kung nakamamatay nga lang ang titig, baka parehas na kaming nakahandusay dito.
Naputol yun ng sumigaw si Eunha. "KINGINA SINONG GUMAMIT NG MEDYAS KO!"
"YUNG PUTI! SINONG NAKAKITA! LETSE MGA DEPUTA PATI BA NAMAN MEDYAS? WALANG WALA NA GA!"
Ooopppss. I think sakanya pala yung ginamit kong medyas nung isang araw. Hahaha.
"Kita ko nung isang araw may suot tong si Yerin na puting medyas."
Kaswal na sabi ko. Masama namang tiningnan ni Eunha si Yerin at mukhang nasindak dun si Yerin pero hindi nya ipinahalata.
"What? Like duh! Hindi ako nagmemedyas ng puti noh." Depensa nya. Pero hindi naniwala si Eunha kaya naman dirediretso sya sa kwarto ni Yerin na mabilis namang sinundan ni Yerin.
Dali dali akong nagpunta sa kwarto ko para kunin yung medyas at pasimpleng pumasok sa kwarto ni Yerin. Hindi nila ako napansin at tuloy tuloy lang silang nagbabangayan. Pasimple kong nilagay sa may bedside table nya at dali daling lumabas.
GOODLUCK YERIN! HAHAHAHAHAH
Umakyat nalang muna ako sa rooftop ng dorm. Gusto kong magpractice kumanta.
Saglit ko munang dinama ang sariwang hangin.
Nabaling nalang ang tingin ko sa may bulsa ng maramdaman ko itong nagvibrate.
0972******* Calling...
Oh? Sino to. Dali dali ko namang sinagot.
"Hello"
Ilang minuto pa ang nakalipas wala paring sumagot. Para lang akong tangang hello ng hello.
Nung balak ko na sanang ibaba kaya lang bigla na itong nagsalita. Which is sana hindi nalang nya ginawa. Kasi boses palang nya alam na alam ko na.
(H-hi)
His husky voice.
"S-sino t-to?" Pagkukunware ko.
(Baby? Ikaw yan diba? Im glad to finally hear your voice again. Ghad I miss you so much!)
All these years? May gana pa syang tawagan ako? At ano tawagin din ako sa dati naming endearment? Duhhh!
May bahagyang namumuong luha sa mata ko pero pinigilan ko iyun. Lumunok muna ako ng laway ako at tumindig ng ayos.
BINABASA MO ANG
OTP
FanfictionThis is a Fan fiction. Kathang isip. Fan na fan ako ng GFriend kaya ko to ginawa. Wag pakakaseryosohin and wag gagayahin. Charot! Hahahaha Inuulit ko ang mga pangyayari sa mga darating na chapters ay gawa gawa ko lang. Hindi ko na iniba ang pangala...