Chapter 9

76 7 1
                                    

UMJI'S

Pagkagising ko palang ay nagready na agad kami sa aming photoshoot. Sabay sabay naman kaming nagpunta sa buffet ng hotel para magbreakfast.

Nakareceived ako ng text kay Suga.


Goodmorning my princess.



Bahagya akong napangiti bago ito nireplayan din. "Goodmorning din :)"



"Ganda ng ngiti natin, anong meron?" Sabi ni Eunha unni. Tiningnan naman ako ng nakakaloko ni Yerin unni.




Ayan na naman ang mga bully ng taon. Hayss.



"Wala yun."



"Sus namumula ka e. Ang lamig naman dito. So sino yun?" Malokong sabi naman ulit ni Eunha.




"Truth. Goodmorning my princess pala ha." Ginatungan pa ni Yerin.




Hindi ko alam pero feeling ko ay lalo akong namula dahil sobrang nag init ang aking pisngi. Ano bang trip ng dalawang to? Bat ako. Aga aga.




"Magtigil nga kayo. Wala lang yun." Sabay walk out ko. Nagtungo ako sa assigned table namin.




Narinig ko namang nagtawanan yung dalawa. At mamaya lang ay kasunod ko na sa likod. Magkakatabi kaming kumakain. Sila Yerin at Eunha ay masiglang kumakain habang nagkukwentuhan.





Ngayon ko lang napansin na parang biglang naging close sila Yerin at Eunha? Paano? Eh sa twing nasa dorm kami palagi silang nagbabangayan tapos bigla nalang naging close?





"Respeto sa pagkain." Napatingin ako sa sinabi ni Sowon unni. Nakatingin ito kay SinB at pinaparinggan. Nang marinig yun ni SinB ay bahagya nyang inilagay ang phone nya sa gilid ng table atsaka pinagpatuloy ang pagkain.




"Kumain muna bago magkwentuhan." Parinig ulit ni Sowon unni kila Yerin. Natigil naman ang dalawa sa pag uusap. Natapos kaming kumain ng tahimik.



Pag talaga si Sowon unni ang nagsasaway ay nasusunod. I mean kahit sino naman siguro ang sabihan nya ay automatic na susunod. Para kasing maririnig mo yun sa boses nya, yung maawtoridad. Yung kahit ayaw mong sundin pero mapipilitan ka na ding sundin kasi kailangan. Nagegets nyo ba? Hahahah.









Kinuhanan kami ng tig iisang solo pictures bago may dalawahan. Tapos maraming shots na magkakasama kaming lahat. Nakatatlo pa kaming palit ng mga outfits. May pang summer, pang casual lang at medyo formal.



"Okay. That's all. Thank you sainyo girls. Ang gaganda nyo pala talaga sa personal." Puri ng photographer sa amin. Ngumiti naman kaming lahat atsaka sabay sabay na nagpasalamat.



Naglalakad ako mag isa papuntang hotel ng may makasalubong akong grupo ng mga babae, mga nasa lima sila. Tiningnan ako ng isa sa mga ito from head to toe. Automatic naman napataas ang kilay ko. Trip ata ako ng mga to e.




"Look who's here? The idol wanna be!" sabi ng isang girl at nagtawanan naman yung mga kasama nya.




I was about to pass by at wag nalang silang patulan pero hinawakan ako ng isa sakanila sa braso ko. Medyo nag init ang bait ko dahil don. No one dares to touch me like that.




Masamang tingin ang pinukol ko dito at malakas kong binawi ang braso ko. Mukhang nagulat sya sa ginawa ko pero nagbawi din at nag smirk sya. Isa sa mga kanila ay may hawak na cellphone at halatang nagvivideo. Alam ko na. Nakikilala ko na sila. Sila yung mga haters namin na laging nagcocomment at nagpopost ng masasama tungkol sa grupo namin.



OTPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon