Chapter 11

67 6 2
                                    

YUJU'S

10pm palang at tulugan na ang mga kasamahan ko. Yung dalawa, sina Eunha at Yerin ay umuwi kaninang mga lasing. Sila Sowon at SinB naman ang nag asikaso. Himala nga e, yung dalawa medyo close na din kasi sila Yerin at Eunha naman nakikita kong close na sa isa't isa last week pa ano kayang nakain nung dalawa? At teka ano din kayang nakain ko para magkaroon ako ng pake sakanila?




Si Umji. Naalala ko yung eksena kanina sa mga haters. Muntik na mapaaway kung hindi siguro ako dumating nun baka kung ano na nagawa ni Umji, knowing her hindi sya magaling sa putakan, pero sa pisikalan hah! Don sya magaling. Kawawa yung mga babaeng yun kunsakali. At kawawa din ang image namin.






Speaking of Umji, sinilip ko sya na tulog na tulog sa kama. Napakapeaceful ng mukha nya. Akala mo hindi gagawa ng masama. Kidding aside.



Napabuntong hininga naman ako, naisip ko lang. Look si Eunha may Yerin at close na close sila sa isat isa. Si SinB naman mukhang nagiging close na sila ni Sowon. Eh ako? I mean wala ni isa sakanila ang kaclose ko. Nasa akin yata talaga ang problema. Ano bang dapat kong gawin?



Napapitlag ako ng maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa may bedside table. Kinuha ko ito at ng makita ko ang caller ay walang iba kung hindi si Jimin. Naalala ko tuloy yung huling beses naming pagkikita.








FLASHBACK


Kahit mahirap nagawa ko parin syang buhatin hanggang sa loob ng kotse ko. Pati ako nabasa narin.


Kinuha ko sa compartment yung extra clothes ko goodthing kasi palagi akong may dala. May dala din akong towel kaya naman agad ko itong pinunasan.



Natigilan ako sa pagpupunas sakanya dahil sa ginawa nyang paghawak sa aking kamay. Unti unti syang nagmulat ng mata. I can see the pain in his eyes. Diko alam pero bigla akong nanghina. Sa tinagal tagal na ng panahon nung huli ko syang nakita bakit hanggang ngayon may epekto parin sya?


Nagulat ako ng bigla nyang inilapat ang kanyang mga labi sa aking labi. Halos lumukso ang puso ko at ang mga lamang loob ko ay nabuhay. Unti unti syang gumalaw. I tried my very best para hindi magpadala sa mga halik nya pero tila may kung anong nagtutulak sa akin na magresponse. It feels like....home?



Mabilis ko syang naitulak, nakita ko na naman yung mata nyang mapungay na tila may hipnotismo.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" medyo inis kong sabi sa kanya. Sinubukan nyang abutin ang kamay ko pero mabilis ko itong binawi.




"I missed you."

"Hindi kita namiss."

"I want you back, Yuna."


The way he called me by my name... God really knows how much I loved it. Fvcking shit! Bakit ang bilis kong bumigay sa lalaking to? Remember sinaktan nya ako noon! Ano ba Yuju. Pigilan mo sarili mo.

"Get out of my car. I don't want to see you again." malamig kong sabi at hindi na sya pinansin.





Ilang saglit syang natigilan. Huminto na din ang ulan. Walang ano ano'y lumabas sya. Pero bago sya makalabas may iniwan syang mga salita.






"Seryoso ako Yuna. I want you back. Kilala mo ko, basta gusto ko nakukuha ko. Handa akong maghirap bumalik ka lang. Iloveyou parin."



****

"AaarrGgghhh" nagising ako sa malakas na ungol. Nanggaling pa talaga iyon sa pinakamaliit dito?




"Inom pa kasi, ano hang over" sermon ni Sowon kay Eunha. Bigla naman itong umaktong nasusuka kaya inalalayan syang makatayo ni Sowon papunta sa cr.





"Ready na kayo girls. Aalis tayo by 9am."




Mabuti nalang nakapagpacked nako ng gamit ko kagabi, konti  nalang aayusin ko. Nang makalabas si Eunha sa cr agad akong pumasok para maligo. Pagkatapos naming mag ayos sabay sabay na kaming bumaba para magbreakfast sa buffet.



May ilan lang na mga fans na binigyan ng chance para makapagpapicture sa amin.




"Hello po. Pwede po magpasign?" Sabi ng isang babaeng lumapit sa side ko. Agad ko namang kinuha yung notebook nya at ballpen.




"Anong pangalan mo?"



"Krista po." Malaking ngiting bigkas nito.



Pagkatapos nung girl may sumunod pang isa. This time lalaki. Medyo kinabahan ako sa presensya nya. Nakangiti lang ito sakin pero hindi ko mawari kung anong ngiti iyon.







Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa braso. Mahigpit at nakakasindak. Tinitigan ako nito sa mata bago nagsalita.





"Mag ingat ka, kayo. Hindi sa lahat ng oras ay magkakasama kayo. Kung nasa rurok kayo ng tagumpay ngayon, pangalagaan nyo yan kung hindi baka isang araw magising nalang kayo sa biglang pagbagsak nyo. Nasasa inyo ito kung pano nyo ito tatanggapin." Hindi ako matatakutin pero nagtayuan lahat ng balahibo ko. Hindi ko namalayang nakaalis na pala yung lalaki at natulala lang ako. Nagtaka kong ni isa sa kanila walang nakapansin sa fan na iyon.







Hanggang sa makarating kami ng dorm hindi mawala sa isip ko yung sinabi nya. Baka naman nanggogoodtime lang yun. Pero bakit ako?








"AAAAAHHHHHHH" nabuhay ang diwa ko ng marinig ang malakas na sigaw ni Eunha. Dali dali ko itong pinuntahan kung nasaan siya.





"Anong nangyari?" Nakita ko sa mukha nya ang gulat. Siguro dahil sa bigla kong pagsulpot.


"Ha? Ah- eh napaso kasi ako."


Nakahinga ako ng maluwag bago tinanguan ito. Kumuha muna ako ng pang first aid kit para sakanya. Kahit medyo naguguluhan ang itsura nya tinanggap parin nya yun. Nag offer na din akong maggamot sa kanya. Medyo malaki din kasi yung paso at sa kanang braso pa naisip ko right handed sya baka mahirapan sya gumamit ng kaliwang kamay.









Hindi ko alam pero lately naging paranoid ako sa mga bagay bagay. Ramdam kong naguguluhan na sila sa akin pero ewan ko ba.






OTPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon