YERIN'S
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko ngayon. Wala namang magawa. Nakakabagot lang. Ayoko namang lumabas kasi panigurado kung sino man ang makita ko sa kanila ay makakaaway ko lang.
Hays. Minsan gusto ko ding kausapin sila ng maayos. Yung hindi nagsisigawan pero wala e sinisimulan nila ako. Ako naman di papatalo. Aba? I didn't call Yerin for nothing.
Pero maalala ko lang yung ginawa sakin kagabi ni Eunha. Totoo kaya yun? O baka naman nananaginip lang ako? Pero imposibleng panaginip lang yun e malinaw na malinaw na kita kong inasikaso nya ako kagabi. At etong cool fever na nasa noo ko. Hindi naman ako naglagay nito. So malamang totoo nga yun.
Hindi pa ako nakakapagpasalamat sakanya. Siguro mamaya nalang.
Naglakad ako papunta sa may study table ko at kinuha yung album.
Sa harap nito ay ang picture namin ni Taehyung. V kung tawagin sya sa grupo ng BTS.
Actually magkababata kami ni Taehyung. Simula kinder hanggang grade 3 siya na ang naging bestfriend ko. Namimiss ko na nga sya. Noong magpapasukan ng grade 4 ay hindi ko na sya kasama. Lumipat kasi sila ng Mama nya ng bahay.
Simula nun wala na akong naging kahit anong komunikasyon sa kanya. Tapos nabalitaan ko nalang na artista na din pala sya.
Naalala pa kaya nya ako?
*toktok*
Pinagbuksan ko ng pinto and to surprise me, si Eunha may dalang tray na may bowl at tubig at mga gamot.
"Uhmm. Okay ka na ba? Heto kainin mo daw sabi ni Manager. May photoshoot pa tayo bukas. Kailangan mo daw gumaling na agad." pokerface lang na sabi nya. Kinuha ko sa kanya yung tray at paalis na sana sya ng tinawag ko uli sya.
"Wae?"
"Gusto ko lang magpasalamat. Dahil kagabi inasikaso mo ako. Thankyou."
Napangiti naman ito pero agad ding binawi. Kumunot tuloy ang noo nya.
"Inutusan lang ako nun ni Manager. Wag kang masyadong matuwa. Utang mo sakin yun." sabi nya at nagwalk out na. Napakabipolar talaga nun.
Napangiti ako ng palihim. Akala nya siguro hindi ko narinig yung sinabi nya sakin kagabi bago sya umalis.
Kinain ko nalang yung binigay nya at uminom ng gamot. Nilabas ko yung pinagkainan ko para hugasan.
"Ako na maghuhugas nyan. Lagot ako kay Manager kapag nalaman nyang gumagawa ka na agad ng mga gawaing bahay." sabay kuha ni Eunha ng tray.
"No. Kaya ko naman na to." pigil ko. Pero makulit sya at kinuha kuha parin nya yung tray. Ang ending tuloy nag agawan kami at nahulog yung bowl at baso.
"Ano na naman ba yan?" nagulat kami parehas sa biglaang pagsasalita ni Manager. Nandito pala sya.
Nagwalk out lang si Eunha kaya naman ako nalang ang magpapaliwanag kay Manager.
BINABASA MO ANG
OTP
FanfictionThis is a Fan fiction. Kathang isip. Fan na fan ako ng GFriend kaya ko to ginawa. Wag pakakaseryosohin and wag gagayahin. Charot! Hahahaha Inuulit ko ang mga pangyayari sa mga darating na chapters ay gawa gawa ko lang. Hindi ko na iniba ang pangala...