SINB'S
Pagkatapos ng dinner ay dumiretso ako sa gilid ng dagat. Pinili ko yung pwestong wala masyadong tao dahil ayoko ng maingay o magulo.
Ilang araw na din ako binabagabag ng aking damdamin. Simula kasi nung sa naging issue namin ni Jhope ay may kakaiba na akong nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ba to, wala akong ideya.
FLASHBACK.
"7PM DINO'S DINNER." basa ko sa message na nareceived ko mula kay Jhope. Sa ayaw ko man o hindi pero wala akong magagawa dahil kailangan namin panindigan kung ano man ang ginawa ko o namin. Yun nga, ang magpanggap na nagdidate kami. Haysss.
Pagsapit ng 6pm ay nag ayos na ako ng sarili ko. Casual lang ang suot ko. Simpleng jeans at tank top na pinatungan ko ng manipis na cardigan.
Pagdating ko sa Dino's Dinner ay nandoon na sya. Nakita ko agad sya dahil nakakaagaw pansin yung suot nyang makulay.
Panaka nakang nag uusap lang kami. Still hindi parin ako kumportable sa pakulong ganito. Imagine kailangan namin magpanggap na ughh!
"Smile a little, nakakahiya sa media." puna nito. Nag angat naman ako ng tingin sakanya at inirapan lang ito.
"Tsk. Taray. I wonder kung may naging boyfriend ka na, o kaya nakadate man lang."
Masamang tingin ng pinukol ko dito. "Tumahimik ka nga, hinihingian ba kita ng opinyon?" iritang sabi ko dito.
Tumawa naman sya bago pasimpleng hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa table at lumapit ng konte.
"Para may pagpiyestahan man lang media." nakangising sabi nya sabay kindat.
ARGH!
Mabilis ko ng tinapos ang pagkain ganun din sya. Sabay na kaming lumabas ng resto. Kapansin pansin din yung ibang mga tao na pasimple pang kinukuhanan kami ng litrato.
"Hoy!" tawag ko dito. Lumapit naman ito. Ang oa lang sa sobrang lapit. Naamoy ko tuloy yung pabango nyang sobrang tapang. Tinulak ko naman ito palayo sakin.
"Lumayo ka nga, ang baho mo." kumunot yung noo nya sa sinabi ko.
"Arte mo naman. Ang bango ko kaya." sabay amoy nya sa sarili niya. Actually sobrang bango nga nya ayoko lang kasi sobrang tapang. Ang sakit sa ilong.
Inirapan ko ito. "O eh ano bang balak mo? May pupuntahan pa ba tayo? Gusto ko ng umuwi."
"Bili lang tayo don ng ice cream bago pwede ka ng umuwi." sabay hila nya sa kamay ko. May kung ano naman ang nagwala sa tiyan ko. Manghihila lang kailangan nakahawak sa kamay? Interwined pa.
"T..teka nga." tumigil sya sa paghila. Tiningnan ako. Parang nagaantay sya kung anong sasabihin ko.
"Bata ka ba para samahan pa kitang bumili ng ice cream?" akmang mag wowalk out na ako kaya lang pinigilan nya ako at hinawakan ulit sa kamay. Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa hila nya. Alam ko namang ginagawa nya to for the sake of our company and theirs. And also for the sake of our tandem. Pero bakit sakin parang nagiging iba na ang dating?
Umayos ka SinB. Nagpapanggap lang kayo at hanggang dun lang. Kumbinse ko sa aking sarili. To be honest kasi, never ko pa naramdaman yung ganito. I mean yung tipong nakikipagdate. Yes, NBSB ako dahil na rin sa maaga kong pinasok ang showbusiness kaya hindi ko na naranasan pumasok sa mga relationship at ngayon ko lang naranasan ang makipagdate.
BINABASA MO ANG
OTP
FanfictionThis is a Fan fiction. Kathang isip. Fan na fan ako ng GFriend kaya ko to ginawa. Wag pakakaseryosohin and wag gagayahin. Charot! Hahahaha Inuulit ko ang mga pangyayari sa mga darating na chapters ay gawa gawa ko lang. Hindi ko na iniba ang pangala...