UMJI'S
Naalimpungatan ako sa biglang pagbilis ng takbo ng sasakyan namin. Sinilip ko yung dalawa sa unahan na mukhang tense na tense ngayon. Walang ano anuy biglang nagpreno ng malakas si Sinb dahilan para masubsob kaming lahat.
"Shit. Yuko." rinig naming sigaw ni Sowon. With just a second, inulan na kami ng bala sa loobng sasakyan. Omg. Parang pelikula ang eksena.
Nagsimula na kami magpanic, pano kung mamatay kaming lahat dito.
"Guys calm down. Try to make a call kahit sino. We really need help." sigaw ni Sowon na halata mong natataranta na din pero hindi lang nya pinapahalata.
Kinuha naman namin agad ang phone to make a call. Hindi na ako nag alinlangang idial ang number ni Suga.
Pero hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana o ano kasi walang signal ngayon. Kung kelan kailangan kong tumawag. Jusko naiiyak na ako sa sobrang frustations at ganon din itong mga katabi ko.
"Jeez, SinB unlock the door. At the backseat, lumabas na kayo. Bilisan nyo. Humanap agad kayo ng tulong." maawtoridad na pahayag ni Sowon sa amin kaya naman sinunod nalang namin ito.
Dahan dahan kaming bumaba sa sasakyan at dali daling tumakbo palayo dito. Ginamit na namin lahat ng lakas namin para makatakbo. Kaya lang hindi pa kami nakakalayo ay biglang may nagpaputok na naman sa may likuran namin. Nang lingunin ko ito, may grupo ng mga lalaki ang humahabol sa amin. Tangina.
Agad nila kaming naabutan at isa isa pinaglalagyan ng tali. Wala na kaming nagawa, hindi na kami nakapanlaban dahil masyado silang marami at malalakas. Piniringan na din nila kami sa mga mata. Pagkapasok nila samin sa van, unti unti akong nawalan ng malay.
*********
SINB'S
Nagising ako na at halos atakihin ako sa nakita ko. Nasa isang madilim akong kwarto. Nakaupo sa isang silya, nakatali ng patalikod dito. Sinubukan kong igalaw ito, ngunit nakaramdam lang ako ng sakit sa ginawa ko. Iginala ko pa ang aking paningin, pero ni isa hindi ko makita ang aking mga kasamahan.
Naiiyak na ako. Bakit ba kami humantong sa ganito?
******
YUJU'SMarahan kong iminulat ang aking mga mata at ganon nalang ako napangiwi ng maramdaman ko ang hapdi sa aking kamay na may mahigpit na nakatali dito.
Iginala ko ang mga mata ko at ni bahid ng ilaw wala akong makita. Nakakatakot. Tapos mag isa pa ako dito. Pinilit kong tanggalin ang nasa kamay ko, pero nabigo lang ako.
Kumusta na kaya yung mga kasamahan ko? Do we end up like this?
*****
EUNHA'SNagising ako nang makaramdam ako ng gutom. Nagulat ako ng makita ang dilim na silid na kinaroroonan ko. Doon ko lang napagtanto na kinidnap nga pala kami.
Sino kaya ang mga walang puso gagawa ng ganon samin?
Sobra siguro yung galit nila kaya umabot sila sa ganitong gawain.
Agad na may pumasok sa aking utak na magandang idea. Agad kong kinapa ang bahagi nga aking hita at napangiti ako ng maramdaman kong nandito pa iyon.
Mabuti nalang naabot ito ng kamay ko na nakatali. Marahan kong binuksan ang maliit na kutsilyo ko. Yep, I always bring this small knife. For safety purposes. I didn't know that I would be needing it someday and that day is today.
Dahan dahan kong kiniskis ito sa tali, mabuti nalang lubid nalang yung nakalagay samin.
Sa kasamaang palad nagpatak ito na nagawa ng malakas na ingay. Bumukas ang pinto at halos nataranta ako dahil sa pumasok na isang lalaki at nakatutok agad sa akin ang kanyang baril. Agad kong hinagis sakanya ang upuan, tinamaan ito sa ulo dahilan para mapabagsak ko. Nabitawan nya din yung baril nya na agad kong kinuha. Tatayo pa sana sya kaya naman mariin ko syang sinipa sa ano nya dahilan para mamilipit at makatulog sya. Sorry kuya.
Dahan dahan akong lumabas sa kwartong iyon. Nakasipit sa bewang ang baril at marahan kong kinikiskis ang kutsilyo sa kamay ko para tuluyang matanggal ang tali.
Halos atakihin ako sa puso nang biglang sumulpot sa harapan ko si Sowon unnie. Gulat na gulat din sya at bahagya syang napatingin sa likuran ko na. Agad nya akong hinila sa isang silid. Marahan nyang nilock iyon.
"Nasan ang iba?" tanong nya
"I don't know. Kakalabas ko lang."
Nanlaki ang mata nya nang makita ang baril na nakasabit sa bewang ko. "How did you get that?"
"Dun sa nagbabantay sakin."
Nagulat ako dahil sa biglang pagyakap nya sakin. Yumakap na din ako pabalik.
"Gosh I dont know what to do kung may mangyayaring masama sainyong lahat. I promise, we will escape here and pay them for what they did."
"Chika pa more, tama na ang yakapan baka gusto nyo akong tanggalan ng tali dito no?"
Halos atakihin ako nang magsalita sa gilid namin ang boses ni SinB.
Agad akong lumapit at tinanggal ang tali nya. "Good thing, sa lahat ng kwartong mapupuntahan natin sayo kami napunta."
"So what are we going to do now?" tanong ko.
Naglakad paparoon at paparito si Sowon. Tila nag iisip.
"By any minute, malalaman na nilang wala tayong tatlo. Kailangan bago mangyari yun, mahanap na muna natin yung tatlo pa. Mas maganda kung makakaalis na tayo."
Sumangayon lang kami ni Sinb. I was about to open the door knob nang biglang may tumunog na malakas.
"Ano yun?" tanong ni Sinb. Magsasalita pa sana ako ng tumunog na naman ulit ito.
At kasunod noon ang isang boses ng lalaki. "Hello. Kumusta kayo? Natuwa ba kayo sa aking sorpresa?"
"Tila ang tatlo sainyo ay mukhang manganganib ang buhay kung hindi kayo susuko ng matiwasay sa amin Sowon, Sinb and Eunha. Bwahaha"
Nagkatinginan kaming tatlo. Alam na agad nila.
Lumabas parin kami ng kwarto, at maingat na lumabas.
"Kung hindi pa kayo susuko sa amin ngayon, mamatay agad itong sina Yerin, Yuju at Umji. Gusto nyo ba iyon? Nasa sainyo na yan kung tatakas kayo at hahayaang mamatay ang tatlong ito."
Lumakad kami sa parang hallway at natanaw ko agad kung nasaan sila Yerin, Yuju at Umji na nakatayo habang nakatali ang mga kamay sa poste. Tinuro ko yun sa kanilang dalawa.
Katabi din nila ang nasa apat na lalaking may mga armas at yung isang lalaki na may hawak ng mic.
Pinagmasdan ko ang paligid. And then I came up with an idea.
*******
AN: thank you so much talaga sa ilang sumusubaybay parin nito kahit na sobrang bagal ko mag update hehe. love you all!
BINABASA MO ANG
OTP
FanficThis is a Fan fiction. Kathang isip. Fan na fan ako ng GFriend kaya ko to ginawa. Wag pakakaseryosohin and wag gagayahin. Charot! Hahahaha Inuulit ko ang mga pangyayari sa mga darating na chapters ay gawa gawa ko lang. Hindi ko na iniba ang pangala...