Jean's POV
Huling araw ko sa pinas...... aalis na rin ako bukas.... mabuti pang ifile ko na papers ko ngayon sa school.... papasok ako ngayon.... para hindi nila mahalata ang mga mangyayari.........
Dinala ko na ang bag ko at umalis na ako. ......
Pagkapasok ko sa classroom ... sinalubong ako lahat ng kaklase ko dahil umabsent ako kahapon.... nagtanongtanong sila kung anong nangyari sa akin. Sinabi ko ay nagkasakit lang ako......
Maya maya pagkatapos ng 1st period ay nilapitan ako ni Ella....
Namula agad ang mga pisngi ko nang makita ko siya..... hindi pa rin nawawala ang mga nararamdaman ko para sa kanya.........
Tinanong niya sa akin kung ano ang nangyari sa akin. Sinagot ko naman siya na nagkasakit lang ako at wag na siyang mamroblema. Sinalubong naman niya ako ng isang napakaliwanag at napakatamis na ngiti.
Sana maalis na itong nadarama ko. Ayaw ko itong dalin paalis.......
Hindi nagtagal ay natapos na rin ang klase..... Nagvolunteer ako na susunduin ko pabalik ng bahay si Ella ng sa ganun ay hindi niya ako sundin . Baka malaman niyang aalis na ako bukas. Hindi naman niya ito tinanggihan at sinundo ko na siya.
Bago ako umalis ay hinila ako ni Ella. Bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa damit ko at sinabing hindi maganda ang pakiramdam niya. Napanaginipan daw niya na papalayo ako ng papalayo. Hinahabol daw niya ako ng hinahabol pero bigla na lang akong naglaho.
Tinawanan ko ang sinabo niya at sinabing wag siyang magalala dahil walang mangyayaring masama...... at hindi niya ako hahabulin....
Bumalik naman ang tuwa sa mga mukha niya ng sinabi ko iyon at nagpaalam na sa akin...
Pero bago siya umalis sinigaw niya and mga katagang
See you tomorrow
Umalis na lang ako ng tahimik......
.......
...
Bumalik na ako ng eskwela para iayos ang aking mga student records . Aalis na ako sa lugar na ito.......
Pumasok ako sa office para kausapin ang mga naghahawak ng mga student records at sinabi ko na aalis na ako ng bansa at hindi na ako magaaral sa kolehiyong ito. Halata sa mga mukha nila ang lungkot na gayundin naman ang nangyari nung nag file ako sa school of medicine na aking pinapasukan.
Hay sa wakas...... tapos na rin.... wala na akong dapat problemahin ......
Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papauwi. Ayaw ko nang magbulakbol sa huling araw ko dito. Gusto ko lamang ng tahimik at maaliwalas na lugar na pwedeng pagpahingahan.....
.....
...
Ella's POV
.......
....
Matutulog na nga ako! Kung ano ano pa kasi pumapasok sa ulo ko eh......
....
...
6:00 AM
Nagising ako ng 6 am at nakatanggap na lamang bigla ng isang message.........
From Jean
Farewell.
Anong ibig sabihin nito?
Maya maya ay may tumawag sa akin. Blockmate ko.
....
..
Sinagot ko ang tawag niya ... pero hindi nagtagal.... natulala ako ng napakatagal na panahon sa narinig ko.........
Nasa airport pala lahat ng mga kaklase ko ngayon...... ako lang daw ang wala..... anong ibig sabihin nito? Bakit?
.....
....
Jean.........
BINABASA MO ANG
Mr. Gentleman and I
Teen FictionIto ay tungkol sa istorya ni ella na malaprinsesa joke:-) sya ay isang babaeng galit sa mga lalaki. pano na pag na meet na nya si mr. gentleman ? Will her hatred last forever?