Chapter 1

77 13 2
                                    

Alexa Monique's POV

"Please dont leave me, hindi ko kaya ng wala ka"

"Pero... hindi na kita mahal Monique"

"San ba ako nagkulang? Hindi pa ba sapat na binigay ko na ang lahat?"

Hinawakan ko ang kamay niya habang umiiyak, hindi siya makatingin sa akin ng diretso, kumbaga ang mga mata niya ay umiiwas sa kin na parang may sore eyes ako, na hindi dapat tingnan.

"Please huwag mo namang gawin sakin toh, hindi ko kaya eh... Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko."

Unti-unting pumatak ang aking mga luha at napaluhod na ako sa harapan niya pero di man lang niya ako pinansin sa halip tinalikuran pa niya ako at naglakad palayo, wala akong nagawa kundi umiyak na lang.

Ang sakit eh, 'yong pakiramdam na binigay ko naman lahat pero bakit parang kulang parin sa kaniya, mahal ko naman siya ng sobra pero bakit nagawa niya parin akong iwan, hindi pa ba sapat yung pagsasama namin ng halos dalawang taon?bakit niya toh ginawa sakin....

Pumikit ako saglit...

Naalala ko pa yung sinabi niya sa akin nung una kaming nagkita,naging magkaibigan kami at sabi niya sa akin ayaw niya sa mayayaman kasi mukha daw matapobre, kaya hindi ko agad sinabi na mayaman ako dahil gustong-gusto ko na siya nung time na yun kaya kailangan kong itago ang katotohanan. Hanggang sa naging kami at hindi nagtagal nalaman niya na mayaman talaga ako, nag-away kami nun dahil lang sa pagsisinungaling ko sa kaniya kasi nga akala ko maiintindihan niya kung bakit tinago ko yung ganung klase ng sikreto. Ang lahat ng iyon ay dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Nagmakaawa rin ako sa kaniya at hanggang sa nakumbinse ko siya at tinanggap niya naman ako pero sa isang kondisyon:

Tuturuan niya daw ako mamuhay ng simple kaya ginawa ko naman kasi nga ayaw ko rin sa buhay ko kasi ang feeling ko kapag mayaman ka, lolokohin ka lang ng mga tao sa paligid, at tsaka mahal ko siya eh. Basta't masaya sya, gagawin ko ang gusto nya.

Handa kong gawin ang lahat para sa kaniya kasi nga mahal ko siya, ganun naman talaga eh pag mahal mo ang isang tao handa mong isakripisyo lahat para sa taong yun para maipakita mo ang tunay na pagmamahal ko sa kaniya.

Pero.... bakit ba ganun? Ginawa ko naman ang lahat, binigay ko naman ang lahat pero kulang pa rin?

Napatawa na lang ako ng mapakla at hinayaan ko na lang umagos ang mga luha ko sa aking mga mata.

Bakit ba kasi ganito ang buhay namin? Bakit ba di na lang ako naging mahirap... pero para rin akong ewan ano, kasi nasa kin naman ang lahat,nabibili ko lahat ng gusto ko pero yun lang hindi ang lalaking mahal na mahal ko.

Bakit ba ang pagtingin nya sa aming mga mayayaman ay mga mapangmata sa kapwa, hindi ba pwedeng ibahin nya naman ang paniniwala niya, at ang pagtingin nya sa kin, mula nung nakilala nya ako. Di naman akong sakim. Katunayan nga eh, nagdodonate ako sa mga charities para makatulong sa mga kapwa kong naiipit sa kahirapan at nangangailan ng kalinga ng iba.

Bakit ba nangyayari sa akin ito anong bang nagawa kong kasalanan at pinarusahan ako nang ganito?

Ano pa bang pagkukulang ko?

May nagawa ba akong pagkakamali?

"Aaaah ano bang pagkukulang ko ha?"

Para na ako ditong baliw na sumisigaw at nag-iisa pa.Ang lakas talaga ng trip ko.Sino bang nagkaroon ng break up na hindi man lang umiyak?Pitiw lang yata ang gumagawa nun.

Aus lang maging pitiw at least dama ko ang aking sariling emosyon. Sino bang broken hearted ang hindi umiiyak? Siguro yung mga taong manhid lang ang gumagawa nun.

Author's Note: Sorry po readers bitin eh! Wala na kac po ako maisip baka masaktan ko na sarili ko. 😭😭

Tour Guide for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon