Alexa Monique's POV
Kakapagod naman, kakapagod umupo. Kala ko naman matatapos na ang sakit na dinadanas ko, pero-
Itigal mo na ang drama Alexa Monique wag ka ng magiinaso, kalma ka lang nasa probinsya ka na at malayo ka naman sa kanila. So, everything is gonna be okay...
Nandito na ako sa pagbabakasyunan ko. Kakapagod! pitong oras kaming nakasakay sa Van pamula Maynila papunta dito sa tinutukoy na probinsya ni Mom. Kaynis ang traffic ay! Usad pagong kami bago makarating dito. Iyan tuloy, di mapigilang magmura ng driver namin sa mga nagmamanahero, dahil daw nagcocounterflow na lang palagi, kaya nagkakabuhol buhol na ang mga sasakyan, buti na lang napipigilan ni Mom si Manong Driver namin hihihi. Masama kasing pakinggan lalo na't maya't maya ka makakarinig. Hayy, kinuha ko na lang earphones ko at pinatugtog ang paboritong kanta, tamang tama sawi ako ngayon.
Dagdag pa yung lubak na daan. Maya't maya na akong nagtitinalon sa upuan ko, nakalimutan ko nga palang magseat belt ayan tuloy nahuhulog ako ng wala sa oras. Laptrip mga bess!
Pagbaba ko, nilibot ko muna ng aking mga mata sa aking nakikita. As I can see, malaki ang pinagkaiba ng probinsya na tinutukoy ni Mommy sa Maynila. Pulos puno pala dine. Pero ang sarap nung simoy ng hangin, ibang iba talaga ang nasisinghot mo. Parang dinadala ka nung hangin palipad sa ire at isa pa napakafresh. Naninibago pa ako sa aking nakita kaya nagpa ikot ikot ako kasabay ng masarap at sariwang hangin.
Nilabas ko ang cellphone ko at pmbinuhay ang camera. Makapagselfie nga muna dito at maipost sa facebook at mailagay din sa My Day sa Messenger, tsak na magigitla ang mga friends ko, at baka umabot pa ng thousand likes 😍😍
Eto na,... 3, 2, 1...
Nang biglang....
Bogsh...
"Aray naman hindi ka ba maalam mag ing-"naputol ang sinasabi ko dahil paglingon ko ay nakita ko itong gwapong nasa harap ko.
Nagkatitigan kami nung lalaking nakasagi sa akin. Nagkatamaan pa kami ng aming paningin. Hindi ko mapigil na manigas ang katawan ko sa sobrang pagkakilig ko. Ang gwapo niya talaga, kahit di hamak na maputi ako sa kaniya. Kung hindi ko lang naipigil sarili ko, nakatili na ko kanina pa.
"Pasensya ka na, ikaw naman ang hindi nag iingat eh. Nasaktan ka ba?" nakangiting sabi niya.
"Pasensya na... Ayos lang ako. By the way I'm Alexa Monique but you can call me Monique"kinikilig kong tugon.
"I'm Lucas."sabay ngiti.
Grabe pamatay talaga yung mga ngiti niya.
Para kasi akong kinukuryente.
Sa tingin ko madali akong makaka move on dito eh. Tama si Mommy, mga bes, bigyan natin ng masibagong palakpakan!"Tutal magkakilala na tayo, pwede bang humingi ng favor?"pabebe kong tanong.
"Ano ba yun ?" Dali-dali kong sagot, at lumapad ang aking ngiti...
"Bago kasi ako dito at hindi ko kabisado ang mga lugar......kung pwede sana pakituro kung saan yung Sitio Bondoc Peninsula?" ngali ngali kong tanong.
Lucas' POV
2 hours 32 minutes and 52 seconds earlier...
*Tat-taraok*
"Uuuugggh! Umagang Kay Sarap naman..." Sabay unat ng braso. " Gusto ko pa namang matulog, ay hala, nadadala nanaman ako ng hangin para patulugin, ay!
Ay ganyan talaga ang buhay, hindi dapat pasarap sarap, kailangan mong magbanat ng buto para mabuhay ay.
Pagbangon ko, agad na akong nagexercise at ang sarap makiti sa mga kalalakihan na matipuno, at maskuladong katawan na tulad ko. Saan pa nila hahanapin yun kung ako na nga na full package pa. Wala man lang nagkakagusto sa kin, ay ano ba yan, ang lalabo naman ng mga mata nila, d man lang nila akong napansing gwapong tulad ko. Hayyy! Mas maigi na lang na mag-aral mabuti kesa sa love life na yan, kelangan ko pang buhayin ang pamilya ko, kasi nga ako ung breadwinner ng pamilya namin. Nakapagenglish nanaman ako ng wala sa oras, ay!
BINABASA MO ANG
Tour Guide for You
Teen FictionBabaeng may perpektong buhay... At hindi maikakailang nagtataglay ng maganda at mala anghel na mukha... Mabait siya lalo na sa kaibigan niya na itinuturing na niyang kapatid... - - - _ _ _ _ _ _ _ _ _ Pero paano kung lahat ng kabutihan sa puso niya...