Chapter 7: Prelude

12 9 0
                                    

Alexa Monique's POV

Matapos yung mga masasaya at nakakakilig na nangyari sa akin kahapon, pahinga na muna ako ngayong araw na ito dahil bukas Biyernes Santo na. Syempre change for the better. 1st time ko lang matulong sa pagaayos sa mga karosa para sa gaganaping prusisyon pagktapos ng misa. At sinabi na din sa kin ni Mom na mapupuyat ang mga tao bukas, kaya pahinga ko muna ngayon. Hehehe, Beauty Rest?

Nasa kwarto pa rin ako, kahit maliwanag na ang paligid. Ayun, nakalock pa rin pintuan ko, para no trespassing. Pero alam mo, hindi naman lahat ng trespassing ay masama. Pag nakakuha ka ng tres na grades, passing grade pa rin yuon.

Ganito pa rin, hindi pa nakain ng breakfast at wala pa kong ganang makaharap si plato, kutsara at tinidor.

Dahil nabobored ako, at wala naman akong magawa, dahil lahat ng apps ko need ng internet. Alangan namang umakyat nanaman ako sa puno tas mahuhulog nanaman ako. Tas sasambutin ni Lucas? Enebe, sawa na ko dun, pero deep inside, nakikiliti ako sa maskulado niyang katawan. Pampadagdag points pa sa kilig ko yun. Pero kakausapin ko na lang sarili ko at magto- #ThrowbackThursday muna ako. Alam kong hindi ko pa naikwento sa journal ko, my friend yung mga nangyari sa amin bago kami dito nagbakasyon.

Sa totoo lang ako pa lang ay nasa highschool level pa lang, pero napasok na sa mga university school para dire diretso na hanggang college. Grade 9 na ko sa pasukan, pero hindi ko pa rin malilimutan yung mga masasayang nangyari noong Grade 8 pa kami.

Pag tuwing wala si teacher, magsisilabasan nanaman kaming magkaklase ng cellphone. Ang mga lalaki magtitipon tipon at naglalaro ng SF, samantala kaming mga babae, may mga sariling mundo. Yung iba nagsasama sama at nagchichikahan, yung iba nanonood ng performance ng mga EXO, at yung iba naman #MeTime. Ganun talaga kami umeksana pag walang guro. Kahit may rules na bawal gumamit ng kahit anumang mga gadyet during class hour, maski yung president hindi nanaway dahil sya mismo, nakatitig sa kanyang cp. Pero beware, guwag na huwag niyong pagagalitin si president namin, baka kayo makain na nyam. Hahaha choss!

Pero, dahil makukulit kami, mga pasaway din kami sa aming titser. Mwahahaha.

You know that pag may inuutusan si Ma'am sa amin at kakaunti lang ang nagawa at kasama na ko dun. Hehehe. I'm proud to be masunurin, pero slight lang. Hihihi!

But anyway, sabi ko nga pag kakaunti lang ang nagawa, nagsisimula na yung magsamsam ng cellphone. Para maibalik yung cellphone, kailangan mo munang gawin yung pinapautos sa yo ni Ma'am. Too bad, so sad. Tsk tsk.

Minsan naman, nasa harap ko na si Ma'am, hindi pa niya rin maisamsam cellphone ko bwahaha. Nakasalamin na nga sya at lahat, ultimong nasa harap ko na siya, hindi pa rin niyang tinangkang kunin yung aqin. Baka napepretihan sa kin si Ms. Beautiful. Hihihi.

At may isa pa kong ipagyayabang... Out of 50 students, Kakaunti na lang matitibay dahil naksurvive sila na hindi masamsam ang mga cellphone, at isa na ko dun sa mga last Man, este Woman Standing.

Isa pa, alam kong mga seloso't selosa mga teacher natin. Pag pinagtutuunan natin yung subject na yun, sasabihin naman ng ibang subj. teachers na, hindi na pinaprioritize.

Tulad na nga nung english namin. Enebe kinikilig ako nun dahil katambalan ko si Joebert sa isang movie na nagshoot kami... Si Joebert yung laging nandiyan kapag ko'y nasa kapahamakan at ako naman ay nandiyan para sa kaniya. Enebe, Movie lang yan, hindi naman totoo kaya wag mo na syang pansinin...

Ayun nagalit adviser namin dahil puro shooting shooting daw kami, papangit na daw ang mga sinusubmit naming project. Paano naman kasi papanget kung pinagsasabay ng mga teachers namin na gawin ang mga project at dapat isusubmit sa kaorasan din. Hmmmp! Bakasyon, Christmas Break nga diba! Naku! Naku!

Tour Guide for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon