Candice Monteamo's POV
Naiiyak na lang ako sa mga nangyayari ngayon. Ako ang nagiging dahilan kung bakit nagdurusa ang kaibigan ko nang dahil sa kasakiman namin ni Jobert.
Paano ko na maibabalik ang dating pakikitungo niya sa akin at ang sigla ng pagsasamahan naming dalawa?
Siguro kailangan ko nang hiwalayan si Jobert kahit na mahirap sa akin. Nasira ko na ang relasyon ng aming pagiging bff ni Monique, kaya kelangan ko ng ayusin muli...
_
_
_
_
_
_Matapos ang mahaba kong pag-iisip napagtanto ko na hindi ko pag-aari si si Jobert, kay Monique na siya sa simula pa lamang.
Ako na ang walang kwentang kaibigan na mang-aagaw kaya napapunta na sa ganitong sitwasyon.
Wala akong balak na saktan si Monique bilang kaibigan ko siya. Kaya ngayon dahil sa plano ko si Jobert naman ang masasaktan ko.
Pareho ko silang nasaktan nang dahil sa ginawa ko. :(
Hindi ko namalayang uminit na pala ang pisngi ko at sa pagkakaalam ko yun ay dahil sa aking mga luha na kanina pa pala tumutulo.
Bago pa ako madala ng emosyon ko ay tinawagan ko na si Jobert.
Jobert Cruz' POV
*Krring*
Tumutunog nanaman ang cellphone ko, sino kaya ung tumatawag? Nakita kong umiilaw sa screen ng cellphone ko na si Candice na pala ang tumatawag kaya dali dali ko itong sinagot dahil nakakasabik ko na siyang makausap...
*toot*
"Hello, Candice." sagot ko agad nang mabilisan.
"Jobert, pwede ba tayong magkita?" Parang sinagot niya na parang hindi siya masaya na kausapin niya ako ngayon.
Anong nangyayari at ngayon ko lang siyang nakitang ganito kapag kinakausap ko siya cellphone.
"Sure, saan naman tayo magkikita?" saad ko.
"Iti text ko na lang yung lugar kung saan tayo magkikita."
"Ok, bye." Pamamaalam niya.
"Bye." Sabay binabaan ko na ang tawag.
Napansin ko na parang kakaiba ang tono ng boses niya ngayon.
Parang may kung anong mabigat na problema ang dala dala niya. Ramdam ko na siya rin ay umiiyak dahil sa tono ng boses niya.
Binura ko na ang lahat ng iniisip kong negatibo at dapat nagsimula na akong ihanda ang aking sarili ko para sa aming pagkikita. Kailangan kong maging happy dahil masusulyapan ko muli siya. Think positive!
_
_
_
_
_
Paglabas ko sa bahay, dumaan muna ako sa Floral Shop para bumili ng bulaklak. Para may maibigay din ako sa kaniya para sa aming pagkikita...Bumili ako ng bouquet ng pink roses dahil yun ang paborito ni Candice.
Ewan ko ba kung bakit yun ang paborito niyang kulay samantala red roses naman ang paborito ni Monique.
Mag bestfriend naman sila.
Madami nga silang parehong gusto pero sa kulay ng paboritong bulaklak sila nagkakatalo. Iyon ang taste nila, bakit ko ba sila pinapakailaman?Hindi ko maikakailang mas may class si Monique pag dating sa pagpili ng kulay.
Napansin ko yun nung kami pa.
Ang natatawa kong mukha ay napalitan ng seryosong mukha.
Nag flashback nanaman sa utak ko ang pagbrebreak up namin ni Monique.
BINABASA MO ANG
Tour Guide for You
Teen FictionBabaeng may perpektong buhay... At hindi maikakailang nagtataglay ng maganda at mala anghel na mukha... Mabait siya lalo na sa kaibigan niya na itinuturing na niyang kapatid... - - - _ _ _ _ _ _ _ _ _ Pero paano kung lahat ng kabutihan sa puso niya...