Chapter 3

24 10 0
                                    

Candice Monteamo's POV

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Monique ang katotohanan.

Ang katotohanang mag-uudyok sa kanya upang itakwil ako bilang bestfriend.

At natitiyak kong masasaktan siya ng sobra sobra.

"Babe, tara sa garden gusto ko sanang makalanghap ng mabangong bulaklak"Boy

"Sige babe,tara na,"Candice

Pagdating namin sa garden ay umupo kami sa isa sa mga bench doon.

Tumayo siya at pumitas ng bulaklak at iniabot sa akin.

Kinilig naman ako ng konti.

Nagulat ako ng halikan niya ako sa forehead.

"Bakit mo ginawa yun?"Sarkastikong sabi ko. Kahit alam ko namang ginawa niya yan dahil mahal nya talaga.

"Pinatunayan ko lang na mahal na mahal kita," Boy.

Sabi na ay... Tama nga kutob ko, binigyan nya kong flowers. Halos nanigas ako sa sobra kong kilig at the same time, lumakas din ang tibok ng aking puso

"Mahal din naman kita eh," paggalak kong sinabi

Sabay halik sa pisngi niya...

Pagkalingon ko sa kanan, biglang nagulat ako dahil di kalayuan ay may nakita akong babaeng umiiyak sa harapan namin. Hindi ba iyon si Monique?

Alexa Monique's POV

Grabeng pagka mangha ang idinulot sa akin ng mga nakita ko...

I saw Jobert kissing Candice's forehead and in return, Candice kissed Jobert's cheeks.

Lalong bumuhos ang mga luha ko kasabay ng paghagulhol ko.

Pero bakit ko pa siya iniisip, kung break up na kami, pero mukha namang nakahalata si Candice na nandoon ako at umiiyak kaya siya'y napatigil at tumayo siya agad.

Lalong kumirot puso ko at ko'y mas malala pa kaysa noong mga nakaraang araw. Durog na durog na talaga ito at wala ng makakahilom nito dahil sobra sobra ng sakit. Pati din kaisa isa kong kaibigan, itinakwil niya ako. Wala na kong nagawa kundi ibuhos ang lahat na kaya ko pang iluha.

Pero bago pa siya makatayo ay agad na akong tumalikod at tumakbo palayo sa kanila at pumunta kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Wala akong pakialam kung may nadadagasan na ako at isa pa blurred na ang paningin ko dahil punong puno na ang mga mata ko ng mga luha. Kahit natatalapid ako at minsan pa ay nadadapa, pilit kong ibinabagon ang sarili ko, hangga't kaya ko pa.

Tumakbo ako hanggang kaya ko at pumihit pa ang mga paa ko papunta sa direksyon ng classroom na nag udyok sa akin upang umuwi na sa bahay.

Dali dali kong kinuha ang bag ko at umuwi na.

[Sa Bahay]

Pagkapasok ko pa lang sa bahay, dumiretso na ako agad sa kwarto. Isinarado ko ang pintuan ng padabog. Napasandal pa ko sa pintuan dahil hingal na hingal ako sa katatakbo. Kakapagod ay! Pero at least, alam ko na, alam ko na ang kanilang tinatago, kaya wala na silang takas dahil nakita na ito mismo ng dalawa kong mata.

At akin nang itinapon ang sarili ko sa kama.

Buti na lang wala si Mom nung dumating ako sa bahay.

Kasi kung makita niya akong umiiyak,tiyak na kung ano ano pa ang sasabihin nun sa akin. Maigi na lang na naunahan ko siyang umuwi. May kagandahan naman pala ang katatakbo ko, kahit nakakapagod na.
 
Kaylangan ko ng peace of mind,kaylangan ko ng meditation para maging payapa ang isip ko.

Tour Guide for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon