Lucas' POV
Gwapo, Matipuno, maskulado, san ka pa? Sa kin ka na, Single Since Birth po ako... Choss, Aral muna!
-
-
-
-
-Let's back to serious business, shall we?
Eto na...
Dito sa Sitio namin, uso pa rin ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga tao. Kumbaga, kapit lang, walang iwanan. Buhay pa rin yuon hanggang ngayon at iyon ang maipapagmalaki namin na tiga dito sa buong probinsya...
Kung natatandaan nyo, Mahal na Araw ngayon, kaya abala pa rin ang mga tao dito sa pagaayos para sa daan ng krus. At kung natatandaan nyo rin, nakalimutan kong bumili ng kandila, at sure na mapapalo nanaman ako sa pwet. Huhuhu!
Pero matapos akong ilibre ng kaibigan ko ng vigil candle, pagbalik ko sa bahay, laking gulat ko, may mga kandila na pala dun... Paano nagkakandila dito?
Nang makita kong may tag sa ribbon, may nakasulat dun...
_________________
from:
Ester
God Bless You!Galing pala ito kay Ma'am Ester God Bless You...Unique naman ng last name nya, hehehe!
But anyways, buti may mababait pang tao dito sa mundo... Oh diba sabi ko sa inyo ay! Buhay pa rin dito ang pagtutulungan, because in unity there is strength...
Sandali lang, nanay ba to ni Monique? Edi ang buong pangalan nya ay Monique God Bless You? Pwede, pero alamin muna natin, baka sa sobra mong umasa na "God Bless You" sya ay baka magkamali ka pa ng hula.
Napansin ko rin, ang ganda nung klase ng kurtinang puti, dahil may mga burda ito na nakakapaggawa ng iba't ibang mga korte. Mukhang pinaghandaan pala ito ng mga tao,dito sa tulong pa rn ata ni Maam Ester, syempre.
Bukod pa dito, may mga halaman sa paligid, ginawa na itong garden na walang bulaklak, baka naman allergic si Ma'am Ester. Maregaluhan pala ng boquet at pagiipunan ko talaga yun para next year, tutal pang April Fools. Maawardan pa ko nito, ay! Paborito ko pa naman magkaaward. Yung Best in Masasayang, with matching maga ang pwetan. Sayang! Tapos na April Fools! Wala tuloy ako nabiktima. See you Ma'am Ester next year. Mwahahahaha!
...
Dahil may kandila na, at mukhang mas malaki, at mahaba (baka masmatigas), ibabackout ko na tong akin, uwi uwi. Nahiya na eh, maliit kasi tong akin... hehehe!
Di bale, ipaparefund ko uli ito sa mga kaibigan ko, hindi naman ito magagamit ay! Tutal napilitan ko lang sila, dahil ginising ko sila sa magagandang tulog nila... Oh ayan, isaksak nila yan sa mga baga nila. Haha!
My dear friends, here I come!!!
Magsisimula na sana akong maglakbo, biglang may tumawag ng pangalan ko, at ito'y umangilawlaw galing sa bahay...
"Lucas!"
Eto nanaman? Baka utusan nanaman ako ng Ina ko... Not again!
Kala ko ba ako ang breadwinner ng pamilya namin, eh bakit parang ako na ang pinakanglazy na ngayon sa min? Dami mong arts, talaga Lucas!
"Papunta na po!"
(Pagpasok ko sa bahay...)
"Oh, anak. Nabalitaan mo na bag umuwi na dito sa sitio si-" napatigil siyang magsalita, dahil nandito na yung mga nagdadaan ng krus, maya maya ako ang pinagbasa ng Ina ko, hayss utal utal pa naman ko magbasa. Kakahiya naman! Baka sabihin nilang sayang kagwapuhan ko, eh... Pano na to?
Sabi nga ng kanta, "Don't stop believing," ika nga, kaya kapit lang Lucas, push mo yan! Kaya mo yan!
Nang magsisimula na akong magbasa, naghinga muna akong malal at saka nagsimula.
Here goes nothing...
Pagbasa (1 Cor 11: 23-26)
Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.” Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.”
Oh, diba, think positive lang yan.
Tapos ayun, ako na rin pinaghawak ng krus at napansin kong ako pa lang ang merong hawak, kaya napaghinala kong station I pala kami, huhuhu! Malayo pa ang lalakbayan namin!
One hour and seven minutes later...
And then, matapos ang Station 13, lalakad na sana kami ng biglang umulan ng malakas. Well, parang ayaw pa ko atang paalisin ngayon ah? Pano na ba tong kandila na to? Sayang naman. Sayang din pera ko, irerefund ko pa to...
Umabot kami ng halos isa't kalahating oras na pagaantay... Pero pinakain na kami nung pinuntahing naming stasyon at ngaun na natigilan namin dahil sa mapagmalupet na panahon...
Ang sarap naman ng mga pagkain! Syempre paborito ko letchon! Yum! Yum! Buti na lang hindi biyernes ngayon...
Napansin ko ring magdadapit hapon na, at tumila na din ang ulan, tinuloy na naman ang daang krus, dahil last na naman ito. Habang naglalakad, este nagpuprusiyon kami, syempre may kanta kanta pa. Hindi ko alam lyrics kaya nakikikanta na lang ako, para kunyare alam ko rin. hehehe...
As I can see, papalapit kami sa magandang bahay dito sa sitio, baka dito kami pumunta sa dream house, namin, este bahay ni Ma'am Ester. Sana dito kami pumunta...
At iyon, tama ang hinala ko, sabi ko na ay, BASIC! Positibong pagiisip lang yan!
Pagpasok namin sa gate, may mga nakabantay pa dito at may kasamang nakataling aso. At ito'y nanahol sa min, parang matatapang sila't nangangagat... I hate dogs! Dahil sa kanila, nalubog kami dati sa utang para lang maturukan. Pero thanks to Ma'am Ester again, siya na nagakong bayarin ang mga utang namin. Bait nya talaga. Sana makabawi ako sa kanya...
Papunta na kmi sa bakuran ng kanilang bahay nang may nakita akong babaeng nakadungaw sa bintana na nakatingin sa min. Tila nagslow mo nanaman sya sa paningin ko. Nakinig ko ring tinatawag nya nanay nya, kac "Mom" daw eh, taray! Pero ayos lang yun, maganda naman sya, perfect match talaga kami eh, hahaha.
Sa totoo lang, ngayon pa lang akong nakapasok dito sa bahay nila at napakalawak ng bakuran nila. Nakita ko na rin in reality ang hitsura ng parking lot. Nakikita ko lang ito sa mga palabas at sa internet. Isa pa din itong malawak, parang yung kasinglawak din ng iniisip ko ngayon, hahaha! Parang ang parking lot nila, pinagpaparkingan ng lahat ng sasakyan dito sa sitio, ang lawak naman!
Tapos biglang may nagkulbit sa akin...
"Iho, nahuhuli ka na" sabi ng isang manang.
Hindi ko na alam na magsisimula na sila, inaantay na lang nila ako, ayan! Pahiya nanaman ako nito. Mamaya na nga ulit kita usapin, Me Myself and I!
Sa stasyon namang ito, si Monika ang nagbasa nung pagbasa, ang sweet talaga ng boses nya, ang sarap pakinggan. Di tulad nung akin, napatakip sila ng tenga, akala naman nila, mapasok ang bubuyog sa kanilang tainga.
Pagkatapos naming magdaang krus, inimbita kami ni Ma'am Ester na pakainin at sumalo sa kanila sa hapag-kaininan.
Busog nanaman ako nito. Mamaya hindi nanaman ako makauwi dahil ang bigat nanaman ng tiyan ko.
Bola nanaman kung tingnan ang tiyan ko ngayon, hayss sarap kasing papakin yung shanghai nila tapos sarap ubusin yung baked mac nila.
Oh, pano ba yan? Sulit naman pala ang pagsama ko ngayon eh. Nagiinarte pa ko, ay! I can't again nest year hahaha!
Kahit madilim na ang paligid, dahil kumagat na ang dilim, may isa pa kong misyon ngayon na makakalimutan ko pa...
This is so serious now and it's getting late now... My dear friends, hear I come!
-
-
-
-
-
-
-
Author's Note:
Gusto nyo bang malaman full name ni Lucas Grayner? Abangan sa darating pang chapter ng story!Comment po kung ano ang inyong napansin sa ugali ni Lucas.
by: SymMinN
BINABASA MO ANG
Tour Guide for You
Teen FictionBabaeng may perpektong buhay... At hindi maikakailang nagtataglay ng maganda at mala anghel na mukha... Mabait siya lalo na sa kaibigan niya na itinuturing na niyang kapatid... - - - _ _ _ _ _ _ _ _ _ Pero paano kung lahat ng kabutihan sa puso niya...