Ang saya-saya ni Gian, habang pinagmamasdan ang anak, na nilalaro nito ang remote car sa loob ng bahay nila, na kabibili lang nya.
dalawang taon pa lamang ang anak niyang si Junior, at siya naman ay 20 anyos pa lang, ganoon din ang asawa niyang si Helen.
Sa edad ni Gian na 17 ay nabuntis niya ang kasintahang si Helen, na kabarkada niya sa kanilang school. magkaklasi ang dalawa sa firstyear college sa Kursong HRM.
Sa batang edad na 18 ay naging ama na siya. hindi naman niya tinalikuran ang responsibility niya, at hinarap niya ito.
"P*ta Ka! Gian!, hanggang kailan ba titino ang utak mo!, wala nang ibang laman yan kundi kalokohan!," habang nagpupumigil si Roel na mabugbug ang sariling anak dahil sa pagkakabuntis kay Helen.
"Dad, pananagutan ko siya. alam kong hindi madali maging ama sa edad kong ito, pero mahal ko si Helen," sagot niya habang ka-akbay pa ang babae na iniharap niya sa ama.
"Sa tingin mo ba! Kaya mong itaguyod ang babaeng yan! may trabaho ka na ba! May maipapakain ka na ba sa kanila!" habang itinuturo si Helen.
"Dad, alam kong, kaya kayo galit masyado ay dahil sa lahat ng kasalanan ko, pero dad, mahal ko si Helen, siya lamang ang naging tama sa buhay ko, alam kong hindi ko ito pagsisisihan balang araw." sagot niya sa ama, habang pigil pigil naman ni Lourdes ang asawa na 'wag saktan si Gian.
"Sigey!, tingnan ko lang kung hindi ka gumapang sa lupa, lumayas kayong dalawa sa paningin ko, at 'wag na 'wag kayong magpapakita sa akin!, ibinuhos namin lahat ng mommy mo sayo, upang mapabuti ka lang, pero inubos mo lahat ng kabutihang binigay namin sayo,! Sa lahat ng walang kuwentang bagay!" at binugaw ang dalawa, habang pigil pigil ni Lourdes ang asawa.
"Sige!, Kung jan kayo masaya!, 'wag na kayong umasang may makikita pa kayong anak at apo!." At pumasok ito sa kwarto, nag-impake at tuluyang lumayas sa kanila.
Sa totoo lang, naging mabuting ama si Roel kay Gian, Nagtatrabaho sa opisina ang mga magulang ni Gian, hindi man sila gaano kayaman, pero kahit papaano ay kumikita at nakakaipon, mula sa kanilang sinasahod sa isang Government Office.
Sinikap nilang mapasa ayos ang buhay ni Gian, pero lumaking pasaway ito. nakadalawang ulit na siyang bugbugin ng ama dahil sa nagawa nitong kasalanan.
Una, sumama sa barkada, at nahulian sila ng Shabu na ginagamet nila sa pagdadrugs, at kinailangan pa ni Roel na pyensahan ito ng malaki para mapalaya.
Pangalawa, sa unang dalawang buwan pa lang nito sa kolehiyo ay napasama sa mga suspek ng isang namatay na membro ng fraternity, 'buti na lang, at napatunayang wala siyang kasalanan, samantalang ang ibang kasamahan ay nahatulan ng mahabang pagkakulong.
Kaya ganoon na lang ang galit ni Roel sa tuwing gumagawa ng kalokohan si Gian. sa kabela ng lahat, ay isinasalba pa rin niya ito, dahil 'di niya matiis ang kaisa isahang anak.
BINABASA MO ANG
ALEX SHORT STORIES
Krótkie OpowiadaniaMY SHORT STORIES in KMAK pages. Bank Robbery Facebook love Vampires band Sa mundo ng mga engkanto Textmet Totoy Siga Pambihira Paghihigante Peking Maligno Mga batang namamasko Puno ng Mangga Pangarap lang kita Dati na po akong nagsusulat sa Kmak Pag...