PAGHIHIGANTI - Horror

220 8 0
                                    

Sunod-sunod ang alulong ng mga aso sa baryo ng San Antonio, walang tigil ito sa kakaiyak at kakaikot sa magkakabilang bahay roon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunod-sunod ang alulong ng mga aso sa baryo ng San Antonio, walang tigil ito sa kakaiyak at kakaikot sa magkakabilang bahay roon.

Madilim ang gabi ng mga sandaling iyon, at dahil bukid ang lugar at puno pa ng iba't ibang malalaking punong kahoy ay halos tahimik na ang buong mamayan na nagpapahinga sa kani-kanilang tahanan.

Pero, binabalot ang bawat isa ng takot at kaba, alam kasi nila na 'pag ganito ang pangyayari ay may nagpapakitang multo sa paligid nila, at 'yun nga, nakikita ng mga aso roon, at walang tigil sa kaka alolung.

Pero nagtataka sila, sino kaya ang namatay? bated kasi nilang, nangyayari lamang ang ganitong pagkakataon, 'pag may masamang taong pumanaw.

at pagkalipas ng isang linggo ay mag-uumpisa na ang bawat asong uma-alolong habang walang tigil na umiikot, hudyat 'yun na nagmumulto ang taong namatay pagkat siya ay pinaparusahan sa kaniyang libingan, dahil sa kaniyang mga kasalanang nagawa.

Lalong kinilabutan ang mga taga roon ng isa isang may kumakatok sa pintuan ng bawat bahay, samantalang sunod-sunod naman ang mga aso rito.

Isa si Tonyo, at si Edna, sa binabagabag ng takot ng mga gabing iyon, habang nagtabun sila ng kanilang kumot, na nanginginig.

Takot na takot ang dalawa habang magkatabi sa kanilang kama, samantalang tulog na tulog naman ang tatlong maliliit nilang anak.

maya-maya pa'y biglang bumukas ng malakas ang maliit na bintana na nasa harapan lang ng kanilang kama, kasunod na naramdaman nila ang wari malakas na hanging pumasok sa loob ng bahay nila.

Hindi nila malaman kung sisilipin nila iyon o 'wag na at hayaan na lang nakabukas ang bintana, dahil 'di nila magawang hawiin ang kumot na nakabalabal sa kanilang ulo't katawan, kasabay na naririnig nila ang alulung ng mga aso sa dako ng bintanang iyon.

maya-maya'y natigil ang alulung na iyon, habang kinikilabutan ang dalawa, dahil batid nilang maaaring pumasok ang multong iyon sa loob ng kanilang k'warto.

Hindi na napigilan ni Tonyo na 'di silipin ang paligid ng kanilang k'warto, unti-unting hinawi ang kumot at napasigaw siya bigla ng makita ang isang lalaking kaluluwa na nakatayo sa harapan nila.

ahhhhhh....!!! Pero bigla na lang itong naglaho na parang bola.

KINABUKASAN naging usap-usapan sa buong baryo kung kaninong multo ang gumimbal sa lahat ng gabing iyon.

wala naman kasing kamamatay lamang sa baryong iyon. hanggang sa muling sumapit ang gabing iyon, na ganoon pa din ang nangyayari sa baryong iyon.

Kinabukasan ay nagtaka na si Manang Elsa kung bakit nakakadalawang araw nang 'di umuuwi ang binatang anak na si Sani, gayung wala naman itong pinuntahan na lugar.

Kapag may lakad kasing malayo itong si Sani ay nagpapa-alam kay Manang Elsa.

Hanggang sa kumalat ang isang usap-usapan, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa dulo ng may ilog at nakakadalawang araw na iyon sa may ilog, at nang tingnan kung sino ay si Sani nga ito, nagtaka ang buong baryo kung sino ang pumaslang sa binatang ito, gayung wala naman itong kaaway.

nag-imbestiga naman ang mga pulis kung sino ang gumawa ng krimen na iyon.

Hanggang sa sumapit ang pangatlong araw na tuluyan nang lumayo si Tonyo dala-dala ang kaniyang malaking bag.

Edna: Tonyo, saan ka pupunta?! ba't mo kami iiwan?! Taranta niyang tanong.

Tonyo: hindi ko na matiis edna! Hindi ko na matiis ang ginagawang pagmumulto sa atin ni Sani.

at tuluyan ngang nilisan ang lugar na iyon, pumunta sa 'di kalayuang bayan sa ilan niyang kaibigan.

Muli'y naalala ni Tonyo ang nangyari ng mga gabing iyon.

Tatlong araw isyang nawala'y sa pamilya niya noong siya'y pumunta sa kaniyang kapated para sa sariling pakay.

at nang umuwi nga ng gabing iyon ay nadatnan niyang nakikipagtalik ang asawa nito sa kapitbahay nilang si Sani.

Nanlumo siya at kumulo bigla ang dugo sa mga nakita niya, pero nakatunog ang lalaki dahilan para tumakbo ng mabilis palabas.

Inabot ni Tonyo ang malaking kutsilyo at hinabol ito sa labas ng kanilang bahay.

hanggang sa maabot nito't pinagsasaksak ang binata, walang tigil ang sunod-sunod niyang pagsaksak sa lalaking ito, hanggang mawalan na nga ng hininga, at mabilis na hinila sa may ilog at inanod naman ito ng tubig.

Ang tirahan nila ay malapit lamang sa may ilog, at malayo sila sa bawat kabahayan roon, kaya walang nakarinig ng ingay ng mga sandaling mangyari ang krimen.

Gabi na habang umiidlip na si Tonyo at umaasam na tuluyan na itong makatulog at mawala sa loob ng puso ang takot at kaba sa pinatay niyang si Sani, pero bigla niyang naramdaman ang kaunting ingay sa ilalim ng kanyang kama.

Nang silipin niya ito ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya.

Ahhhhhh!!!!

Ang Multo ni Sani, nandoon sa ilalim ng kanoyang kama.

At nagsisitakbo siyang lumabas ng bahay, 'di alam kung saan tutungo, basta't ang nais niya'y makalayo sa multong iyon, hanggang 'di niya napansing nandoon na siya sa may kakahuyan.

Mas lalo siyang nasindak at kinilabutan ng makasalubong niya bigla ang multo, at bawat pinupuntahan niya ay sinasalubong siya ng galit na galit na kaluluwa nito.

Hingal na hingal, at naliligo na si Tonyo ng kaniyang sariling pawis, at wala nga itong tigil sa kakatakbo, at bawat tinutungo ay sinasalubong siya ng multo, dahilan para siya ay magawi sa may malaking ilog.

palapit nang palapit ang kaluluwa ni Sani sa kaniya, habang 'di na niya alam kung saan pa tatakbo, kaya't nagdesisyun na lang siyang tumalon sa malaking ilog na iyon.

Kinabukasan, natagpuan ang bangkay niya sa may ilog na malapit sa kaniyang bahay.

Dahil magkadugtong lang ang ilog ng dalawang bayan ay inanod siya pabalik sa kaniyang tahanan, upang maisiwalat na siya ang may kagagawan ng krimen at inamin nga ito ng asawa niya sa Pulisya.

Wakas.

ALEX SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon