Tinawag siya sa pangalang ito ng mga batang Palaboy.
Si Totoy, 15-anyos, sa murang edad ay napariwara ang buhay, naligaw ang landas, at isa rin sa mga batang pakalat-kalat noon sa lungsod na ito.
Ngunit hindi na siya maituturing na batang kalye, dahil lagi itong nakabihis ng maayos tulad ng mga ordinaryong tao.
dito na lumaki si Totoy, noong nasa edad sampo pa lang siya ay naglayas siya mula sa mga magulang, binubogbog kasi siya lage ng kaniyang amain at ang ina namang lasenggera ay walang paki-alam kaya't nagdesisyon siyang lisanin ang pamilya.
Nagpakalat-kalat siya sa mga kalye noon, nanlimos, at namumulot ng
itinapong pagkain, para lamang magsilibing pantawid niya sa gutom.Sa murang edad sa kalye ay marami na siyang naranasan, kung paano pandirian ng tao, kung paano libak-libakin, at kung paano bugbugin ng ibang bata.
Ngunit tiniis niya lahat 'yun, dahil nasa paniniwala niya, na ganoon siya nilikha ng Panginoon, iniluwal siya ng inang iresponsable, at iniwan ng tunay na ama, dulot narin ng kanilang kahirapan, kaya ganoon ang ina.
Sumapit ang edad niya sa kinse anyos at natotong umayos, 'di tulad dati na para siyang taong grasa, ngunit saan nga ba niya kinukuha ang pangangailangan niya sa edad niyang ito?
Holdaper, Snatcher, ang katayuan niya ngayon sa buhay.
"bahala na ganito, anong magagawa ko, ito na ang buhay ko eh, kaya't kahit panganib sige lang," ganito siya mag-isip at wala na rin siyang paki-alam sa maaaring sapitin ng buhay niya.
Sa isang Eskinita sa isang sikat na pamilihan siya pumupuwesto, may kadiliman kasi ang eskinitang iyon paggabi, mahaba, at hindi pa matao, ngunit ang mga dumadaan doo'y pawang mga dayo na namimili rito, dadaan doon ang tao, upang bumungad sa isa sa mga kalsada, at dito na nga niya ginagawa ang mga masamang balak.
Tuwing may dumadaan dito na tao, kaniyang sinasabayan ng kaunti, maya-maya'y didikit ng malapitan at ilalabas ang patalim sabay tutuk sa tagiliran ng tao, at hingi sa cellphone, wallet o bag ng nabibiktima.
wala siyang pinipili at dahil din sa takot ng tao ay nailalabas nila ito, tapos mabilis na tatakbo sa magkakabilang masisikip na Eskinita at tuluyang nakakatakas ng walang kapagod-pagod.
Ganito si Totoy, ilang beses din siyang nais agawan ng p'westo ng ibang kaedad niya, ngunit walang panalo sa kaniya ang mga 'to pagdating sa suntukan.
kaya nga tinawag ng mga batang kalye na Totoy siga, ayaw niyang may umagaw sa p'westo niya, gusto niya sa kaniya lang iyon paghating gabi.
Ngunit sa gawaing ito ni Totoy ay may kakaiba sa kaniya, tuwing kumikita siya ay dinadala niya sa mga maliliit na mga batang palaboy, binibili niya ng makakain at ilang damit pampalit ng mga 'to, naaalala kasi niya sa kanila ang mga maliliit na sunod-sunod niyang kapatid sa Nanay at Amain niya.
Hanggang isang gabi, naganap ang 'di inaasahan, Asawa ng isa sa mga biktima niya ang nagpanggap at dumaan doon, sinundan niya ito, at binilisan ang lakad, matipuno ang lalaki, at 'di nman gaano kalakihan, pero mahahalata mong hindi ordinaryong sibilian na basta-basta mo na lang mabibiktima.
"ilabas mo ang Wallet at Cellphone mo, kun'di bubutasin ko ang tagiliran mo," matapang niyang bigkas sabay tutok nang patalim sa lalaki.
ngunit sa halip na ilabas ng lalaki ang Wallet ay agad niya itong siniko sa kanang braso na naging dahilan upang mapa-urong ang kanang kamay nito na nakatutuk, sabay harap sa kaniya ang lalaki.
isinunggab ni Totoy ang patalim pero naunahan siyang sipain ng malakas sa dibdib na naging dahilan ng malakas niyang pagtilapon at bumangga sa pader ang katawan ng malakas, nasugatan ang ulo niya at dumugo ng marami, bumagsak siya sa lupa na nanghina.
"Tarantado ka! ang mga katulad mo sa mundo ay 'di na dapat binubuhay!" At inilabas ng lalaki ang baril at itinutuk sa ulo ni Totoy.
"H'wag po.." pagmamakaawa niya at tuluyang pinakawalan ang isang putok na bumutas sa ulo ni Totoy, tumakas ang lalaking Pulis.
Nanatili pa din kay Totoy ang P'westong iyon magpasa hanggang ngayon, dahil patuloy pa rin siyang kinatatakutan roon, pero hindi na bilang isang holdaper, snatcher, kun'di isa nang multo.
hindi niya matanggap ang sinapit ng kaniyang buhay at ang sinapit ng kaniyang kamatayan. kaya patuloy pa din siyang gumagala roon.
Wakas.
BINABASA MO ANG
ALEX SHORT STORIES
Storie breviMY SHORT STORIES in KMAK pages. Bank Robbery Facebook love Vampires band Sa mundo ng mga engkanto Textmet Totoy Siga Pambihira Paghihigante Peking Maligno Mga batang namamasko Puno ng Mangga Pangarap lang kita Dati na po akong nagsusulat sa Kmak Pag...