PEKING MALIGNO - Comedy

190 6 0
                                    

Pekeng Malignoby: Alex Solaiman Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pekeng Maligno
by: Alex Solaiman Asc

"Ate, natatakot akong dumaan diyan," wika ng isang batang babae.

"Aba'y, nagpapaniwala ka na naman sa kuwento ng tsismosa nating kapitbahay?!" bulyaw ng kanyang ate.

"Totoo naman kasi, eh. May maligno talaga diyan!" habang naglalakad ang dalawa nang gabing iyon.

"Arah, tumigil ka diyan, okay?! Kailangan natin magmadali upang mapuntahan ang hilot ni nanay bago pa makapanganak iyon!" habang nadadala na rin sa takot ang dalaga.

"Kasi naman, eh. Bakit pa kasi umuwi si Manang Loring sa kanilang bahay, eh, alam niya namang malapit nang manganak si nanay..."

Naglalakad ang magkapatid patungong kabilang bayan. Malayo iyon sa kanilang baranggay. Bukid ang lugar, at bawat dinadaanan nila ay napapaligiran ng mga punong kahoy at maisan.

Maya-maya'y, napatapat na sila sa isang malaking puno ng mangga. Narinig nila ang kakaibang boses mula sa itaas ng puno.

"Haaa...haa...haa..." Ang nakakatakot na boses na kanilang narinig.

Ayaw tumingala ng dalaga sa itaas dahil ayaw niyang masilayan ang masamang nilalang na iyon habang kinakabahan na at takot na takot.

Samantalang, ang batang babae ay tiningnan ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

"Aaaahhh, ate! maligno!!!" sabay nanginginig ang batang babae sa nasilayan at kasunod na tumakbo ng mabilis sa kanilang pinanggalingan.

"Arah, bumalik ka rito," tawag ng nakakatandang kapatid na si Mila, at 'di na rin napigilan ni Milah na tingnan ang taas ng punong iyon.

"Aaaah! Maligno nga!!!" sabay na tumakbo ang dalaga sa kanyang kapatid.

"Ha-ha-ha! Buti nga sa inyo!" At bumaba sa punong iyon ang isang maitim na binatilyo na nakahubad ng pang-itaas ng damit at kinulayan ang buong katawan ng uling.

---

Kinabukasan, naibalita ang panganganak ng isang ginang at namatay ito.

Nagsisisi ang magkapatid, dahil 'di nila napuntahan ang hilot sa kabilang bayan dahil sa malignong nakita.

Si Noel ay 16- anyos. Batang maitim at nakakatakot ang pagmumukha. Lagi siyang kinakantyawan sa kanilang bayan. Ipinaglihi raw ito sa maligno. Dahil doon ay walang nakikipagkaibigan sa kanya. Naging malungkutin ang buhay pagkabata niya.

Nang magbinata siya, patuloy siyang nililibak-libak at nilalait. Hanggang sa matuto siyang magka-crush sa isang kaklase. Pero hindi nila pinakikisamaan nang maayos si Noel. Lagi nila itong niloloko-loko.

Simula noon, nangako siya sa sariling paninindigan niya ang pagiging maligno kasi ganoon ang turing nila sa kanya. Hindi siya matatakutin, sa halip ay naging karamay pa niya ang nagsisilakihang punong-kahoy sa kanyang kalungkutan.

Dahil sa tuwing malungkot siya ay lagi siyang naghahanap ng lugar na puwedeng takbuhan. 'Yung mag-isa lang siya at walang nakakapansin. At sa mga punong iyon niya nakikita.

Sa pag-akyat sa mga punong-kahoy siya nananakot. Kapag may makita siyang paparating ay inaakyat ang puno at tinatakot ito.

Hanggang isang gabi, itinuloy niya ang isa na namang balak sa tatlong binatilyong paparating.

Inakyat niya ang isang malaking puno ng mansanas. Mahirap akyatin ang puno dahil masyadong mataas ito, at first time niyang akyatin iyon.

At inumpisahan na nga ni Noel ang pag-akyat.

Noong nasa taas na siya... 'di sinasadyang nabali ang inapakan niyang payat at maliit na sanga... at nagtuloy-tuloy ang kaniyang pagbagsak.

---

Natagpuan na lang siya kinabukasan ng kanyang ina sa baba ng punong iyon na wala nang buhay mula sa paghahanap sa kanya nito.

Mula noon, hindi na siya isang pekeng maligno na lamang, kundi isa nang totoong malignong multo, at patuloy pa rin siya sa pagpapakita sa mga taong napapadaan doon.

Author's Note

Natupad na rin ang pangarap niyang katakutan ng mga tao roon. Bleh! Buti nga, kasi nakakaperwiso siya, he-he!)

WAKAS

ALEX SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon