VAMPIRES BAND - Fantasy/Comedy

262 12 0
                                    

THE VAMPIRE'S BANDNi Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE VAMPIRE'S BAND
Ni Alex Asc.

Genre: Fantasy/Comedy.

(Simpli lamang ito, ngunit ito yata ang pinaka-unang short story ko since 2012.. nais ko lang din ibahagi)

Noong nakaraang isang libong taon.

Sa Mundo ng kadiliman, doon matatagpuan ang lahat ng nakakatakot na nilalang na hindi pa nakakarating sa mundo ng mga tao.

Doon rin matatagpuan ang isang banda ng Bampira.

Si Bampira Glen ang Vocalist at lead Guitar. Si Bampira Ken ang Bass Guitarist.
Si Bampira Red ang Keyboard.
at Si Bampira Jv ang drummer. sila ay pinanghahawakan ng Talent Manager nilang si Diablo Alexander.

Sila ang nag-iisang banda sa mundong ito. inaawit nila rito ay 'yung mga kantang pang multo at pang kababalaghan.

T'wing may Concert sila ay dagsaan ang kanilang mga fans na nakikitili sa kaguwapuhan ng mga bandang bampirang ito.

iba-iba ang kanilang mga fans, May mga
Tikbalang, Kapri, Aswang, Mangkukulam, Maligno, Duwende, Halimaw, at ang mga nag-gagandahang Manananggal.

Ngunit sa totoo lang, ayaw na nila sa Mundong ito, hindi na sila masaya rito, gusto nila sa ibang mundo na naman sila sumikat.

"Mga Pareng Bampira, ayaw ko ng kumanta rito, lagi na lang malulungkot ang mga kinakanta ko," wika ni Bampira Glen.

"Nagsisipangitan pa ang mga Fans natin," reklamo naman ni Bampira Red.

"At tayo lang yata ang may naiibang angking kaguwapuhan," sambit naman ni Bampirang Ken.

"Puro pa madilim ang kapaligiran," ika naman ni bampirang Jv.

"Nakakasawa na!!" sabay-sabay nilang bigkas.

"Ako mga Pareng Bampera, ayaw ko na sa siyota kong Manananggal, eh lageng putol ang balakang." Reklamo ulit ni Bampira Glen.

"Ako naman mga Pareng Bampira, sawa na ako sa s'yota kong Engkanto, parang pinaglalaruan lang ako eh," dugtong naman ni Bampera Red.

"Lalo na ako mga Pareng Bampera sa siyota kong Aswang, eh ako yata ang kakainin niya," Bulalas ni Bampera Ken.

"Eh buti pa kayo kesa siyota kong Paniki na ang liit," saad naman ni Bampirang Jv.

"nakakasawa na!" Sabay sabay nilang wika.

"Ooyy! oy mga bampera, ayaw niyo na ba talaga rito?," tanong ng Manager nilang si Alexander.

"Ano sa tingin mo!," magkakasabay nilang sagot.

"Aba'y kung ganoon tara na tayo sa mundo ng mga tao, dahil pati ako sawa na mundong ito, at wala man lang akong kinikita rito, puro na lang libre ang pagpapa-concert sa inyo." pagrereklamo rin ng talent manager nilang si Alexander.

"Hali na kayo kay tandang bata, pagkat siya lamang ang nakaka-alam kung paano tayo makakaalis sa mundong ito."

at pinuntahan nga nila si Tandang bata na may kakaibang kapangyarihan, pagkat siya ay 'di tumatanda.

si Manong Rich ang tandang bata na ito, at kanila ngang kinausap tungo
sa pakay nila.

''Kayo ay makakapunta sa mundo ng mga tao, sa isang pagkakataon lamang, kapag nagka-asawa kayo doon ng tunay na tao, kayo ay magiging tao na rin, pero kung may lahing kababalaghan ang babae ay makakabalik kayo rito at hindi na kayo makakabalik roon ulit, at ang inyong magiging anak ay maiiwan sa mundong iyon," pahayag ni Tandang Bata.

"Ano po ang daan sa Mundo ng mga tao?." sabay-sabay nilang tanong habang nasasabik.

"Sasakay kayo sa munting Kalderong ito at ilalagay sa inidoro at tatakpan ko kayo jan ng 24 na oras, kapag nalagpasan niyo 'yan, ay makakapasok kayo sa karagatan at lalabas sa Mundo ng mga tao.." pahayag ni Tandang bata.

At nag-handa ang Vampire Band kasama ang Talent Manager nila.

Naglayag sila at bumagsak sa Mundo ng mga tao, sa Pilipinas ang Location.

naging tao na rin ang kanilang kaanyuan.

"Ba't ang dilim pa din dito," tanong ni Red.

"Ang ingay pa sa taas ah," dugtong ni Jv.

"Ba't masangsang at mabaho rito?," tanong ni Ken.

"at ba't may maruming tubig rito," tanong din ni Glen.

"Nandito tayo sa ilalim ng lupa, halina't pumaroon tayo sa taas," wika ni Alex.

binuksan nila ang bilog na pintuan at isa-isang tumungo sa taas, nasa gitna pala sila ng kalsada at tinititigan ng mga tao.

"Wooww!! Ang ganda rito!!" Magkakasabay nilang sigaw.

At lumipas ang panahon na nagsikap silang maabot ang Pangarap nila rito.

PAGKALIPAS NG SAMPONG TAON.

Isa na silang sikat na banda sa Pilipinas at binago na rin ang kanilang pangalan.

Si Bampera Glen bilang Jerry, si Bampera Red bilang Vic, Si bampera Ken bilang Ken pa rin, at si Bampera Jv bilang si Vanness.

Sikat na sikat na sila at pinagkakaguluhan bilang hottest band in the asia.

Ang Manager naman nilang si Diablo Alexander ay Mr.Tan na rin ang Pangalan at sikat na sikat nang Talent Manager.

Nakatagpo na rin ang Apat ng kanilang Prensesa na mamahalin habang buhay. sila ang nangunguna sa kasikatan bilang mga actress ng masa.

Si Jv para kay Farena Alonzo.
Si Ken para kay Cristina barreto.
Si Red Para kay Ching Santos.
at Si Glen para kay Brooklyn Hermosa.

labis na nagmahalan ang bawat isa, at tumagal ng Sampung taon ang pag-iibigan, hanggang sa magpakasal na sila.

at ikinasal sila ni Pareng Dimongazz.

'di kalaona'y nabuntis ang Apat na Misis at sabay-sabay na nanganak.

pagluwal ng Apat na Sanggol ay nagulat ang Apat sa nakita.

"Bakit ganito ang naging anak namin"sabay sabay nilang wika.

at ipinagtapat naman ng Apat na babae ang katotohanan.

Sila pala ang mga siyota nila sa mundo ng kadiliman at sinundan sila rito, nagbago din ang kanilang anyo, at nagsikap para may mapatunayan sa apat nilang minamahal.

Pagkuwa'y narinig nila ang halakhak ni Tandang bata.

"hahahaha.. mahihilig kasi kayo sa magaganda! At mga artistahin pa talaga ang pinili niyong maging s'yota at pinakasalan, ngayun babalik kayo sa mundo ng kadiliman kasama ng mga Asawa niyo, at 'di na kayo jan makakabalik, at ang mga anak niyo ang magiging umpisa ng kababalaghan sa mundo."

kasunod nito ay sabay-sabay silang walo na hinigop ng isang malakas na hangin at ibinagsak sa kanilang mundo.

Naiwang ang mga sanggol na Aswang, Manananggal, Engkanto at Paniki, na naghasik ng lagim sa mundo, at magpasa hanggang ngayon ay namumuhay pa din ang kanilang lahi rito.

Samantala, ang Diablong si Mr. Tan o Alexander ay nakahanap ng babaeng tunay na tao, dahil simply lang ang hinanap niya sa isang babae
at doon nag-umpisa ang kaniyang pagiging tunay na tao.

Wakas.

(Ang mga tauhan ay ang mga tambayers noon sa pages namin).

ALEX SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon