Mabilis ang takbo ng tatlong magkakaibigan sa loob ng kagubatan, hinahabol sila ng isang napaka bangis na halimaw.
Malalakas ang bawat lundag ng halimaw na ito na isinasabay niya sa kaniyang Pagtatakbo.
Hingal na hingal ang tatlo na nag-uunahan sa pagtakbo.Ngunit 'di sila maabotan ng halimaw na ito, hanggang sa tuluyang bumagsak sa isang bangin ang tatlo, nagpagulong gulong sila, hanggang sa marating sa hangganan nito.
Arvin: aray! Mga P're, an'sakit ng katawan ko, nabalian yata ako.
Ken: mabuti na lang at bumagsak tayo rito, ngayon hindi na niya magawang lumundag rito.
Glen: hali na kayo, at tayo'y magpatuloy, baka maabutan tayo rito.
Tatlo: may kuweba rito!
At tuloy-tuloy nilang pinasok iyon,
maya-maya'y nakaramdam sila ng kakaibang kaluskus na papalakas ng papalakas.Nang lingunin nila ang likuran ay habol-habol sila ng taong paniki, babae ito at nakakatakot.
Muli sila'y nagpatuloy sa pagtakbo, pero naabot ng paniking ito si Arvin, at kaniyang hinawakan sa magkabilang braso at inilipad papalayo.
Nanghina ang dalawang magkaibigan sa sinapit ng kanilang kaibigan.
Maya-maya'y muli nilang naramdaman ang isa na namang paparating, muli kanilang nilingon at isa itong manananggal.
kumaripas sila ng takbo, hanggang sa maabot nila ang labasan ng kuweba.
Glen: may malaking ilog.
Ken: tara p're! Talon tayo.
at magkasabay ang dalawa sa pagtalon, na muntikan nang maabot ng dalawang manananggal.
Hanggang sa nakalayo sila roon, at umahon mula sa ilog ang dalawa,
maya-maya'y natanaw nila ang isang magandang babaeng naliligo.Glen: wow p're! Ang ganda! Nakahubad pa.
Ken: Tara p're, puntahan na natin at yariin natin baka pa may ibang dumating at maunahan pa tayo.
nilapitan nila ito, pero biglang naging matandang Aswang, isang nakakatakot na itsura ang tumambad sa kanila na nakahubad pa.
Aswang: hali kayo at sabayan niyo ako rito.
Ken: Lola, ito na lang pong kasama ko! binata pa po ito.
Glen: siya na lang po lola, kasi pumapatol po sa kahit ano, basta't babae.
unti-unti silang umaatras upang lumayo,
Pagtalikod nila ay nabangga nila ang matangkad na lalaki at maitim na nakausli pa sa bibig ang malaking yosi.Kapre: ina-agaw niyo ba sa akin ang asawa ko?!
Dalawa: hindi po.
at mabilis na kumaripas ng takbo, pero hinabol sila ng kapre at nasalubong nila ang Aswang.
Ken: haa! diba nandoon kayo!
Glen: bakit kayo nanjan?
Aswang: s'yempre! Aswang ako eh! natural na nawawala wala ako.
at nagtuloy sa kakatakbo ang dalawa, hanggang sa maabotan nila ang tatlong lalaking kamukha nila.
Ken: sino kayo?
Glen: kayo kame?
At biglang naging bampira ang tatlo.
muli'y silang hinabol ng mga ito, hanggang sa pagod na pagod na sila.
maya-maya'y bigla na lang silang nahulog sa isang baloon, dahil 'di nila ito napansin mula sa kakatakbo, ngunit kakaiba ang baloon na ito. may malawak na lugar sa ilalim, tinungo nila iyon at naabutan ang isang angkan na nagsasaya.
Glen: sino ang mga 'to!
Ken: mga tao 'yan P're, tanungin natin.
dalawa: tao po sa inyo, sino po ba kayo?
Lumingon ang mga ito, at nagulat ang dalawa sa nakita, mga taong kanibal, tumutulo pa ang mga laway nito, at may mga batang tiyanak pa.
Muli'y sila'y kumaripas ng takbo sa isang iskinita at nagawa nilang makalabas roon.
hanggang sa marating nila ang sementeryo.
Ken: may sementeryo rito p're.
Glen: ibig sabihin may mga normal na tao rito?
At bigla na lang nagsibiyakan ang mga lupa, at tumayo ang mga taong
patay.Dalawa: huuhhh!!! Mga zombie!
At hinabol sila.
hanggang sa makarinig sila ng boses."hahahaha ako si Satanas at hindi niyo matatakasan ang aking mga alagad."
hanggang sa mapahinto sila dahil napapalibutan sila.
lahat ng kanilang naka-engkuwentro ay nakapalibot sa kanila.dalawa: haaahhh!! Patay na tayo rito.
at inihagis ng Kapre sa kanila ang nakataling kaibigan nila.
Arvin: p're, tanggalin niyo ang taling ito, at tumakas tayo!
tinanggal ito ni Glen, pero napapalapit na sa kanila ang iba't-ibang masamang nilalang na tila gutom na gutom na.
hanggang sa sakmalin silang tatlo at pag-agawan ng mga masasamang nilalang na hayok sa laman.
"haaahhh!!! Sabay-sabay nilang gising, habang naka-upo sa loob ng classroom, naka-uniporme sila at sila lamang ang naroroon, dahil launch time pala.
Ken: mga P're ang sama ng napanaginipan ko!
Arvin: ganoon din ako p're!!
Glen: ako nga p're an'dami raw nating naka enk'wentro na mga masasamang nilalang.
dalawa: 'yun ang napanaginipan din namin!
biglang bumukas ng malakas ang pintuan
ang kaibigan nilang si Alex.Tatlo: p're ang sama ng napanaginipan namin ngayon!
Alex: ano 'yun!
Tatlong: naka enkwentro raw namin ang iba't-ibang masasamang nilalang.
Alex: PAMBIHIRA kayo! Eh sabay-sabay niyong binabasa ang aklat kong iyan na k'wentong multo at kababalaghan eh!
Tatlo: oo nga noh! Habang sabay-sabay na tinitigan iyon.
Alex: nag-eimagine na naman kayo! Na kayo yung bida jan sa aklat na iyan! yan ang hirap sa mga taong wala pang experience sa multo.
Wakas.
BINABASA MO ANG
ALEX SHORT STORIES
Short StoryMY SHORT STORIES in KMAK pages. Bank Robbery Facebook love Vampires band Sa mundo ng mga engkanto Textmet Totoy Siga Pambihira Paghihigante Peking Maligno Mga batang namamasko Puno ng Mangga Pangarap lang kita Dati na po akong nagsusulat sa Kmak Pag...