TEXTMET Part 2 ng chatmet ni Glen

253 4 0
                                    

Part 2 of chatmate ni Glen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 2 of chatmate ni Glen...
(Credit to him)

Pagkatapos ng nangyari kay Ben, ay natagpuan na lang ng mga tao ang itinapon ng Aswang na bangkay. nakita ang ibang bahagi ng katawan ni Ben, dahil hindi naman kinain ng Aswang ang ulo ni Ben.

nagulat ang lahat sa nangyari, at naibalita sa lahat ng kamag anak ni Ben ang sinapit, pati mga kaibigan niya ay 'di makapaniwala sa nangyari.

Si Jason at Ken ay matatalik noyang kaibigan, si Jason ay halos katulad din ni Ben, na laging nakababad sa Computer.

tulad din ni Ben ay nais rin niyang makahanap ng Perfect Girl niya sa iba't ibang Social Networking na p'wedi niyang maging Gf ng seryusohan, sempri type rin niya ay maganda.

marami na rin siyang naka-eyeball sa mga ka chatmate niya, pero ika nga ni Glen, maraming magaganda sa mga Profile Picture lang, pero pagdating sa personal, mukha pa lang, masamang nilalang na, ang nagagawa nga naman ng mga Picture Editing..(hahaha)

Nalungkot masyado si Jason at Ken, ngayon dalawa na lang sila sa Apartment nila sa makati.

"Oh ikaw Jason, dapat magbago ka na, baka mamaya, aswang na ang ka-chat mo, baka ikaw pa ang sumunod na mabiktima," wika ni Ken.

Napa-isip si Jason.

"kung sabagay tama nga si Ken, kailangan ko nang maging ma-ingat ngayun sa babae, siguro titigil na akong makipagchat," 'yun ang nasa-isip  ni Jason.

Pero hindi niya maiwasang magbukas ng Computer.

"di bale games lang naman eh," wika niya sa sarili.

binuksan ang computer at naglaro, paglipas ng maraming oras sa kakababad ay nagsawa siya.

"buksan ko kaya ang
YM ko, silip lang naman eh."

binuksan niya at may nag-message sa kaniya.
Midnight Princess ang name nito, nagulat siya at agad tinawag si Ken.

"Pare hindi ako nagkakamali! Ito ang Aswang na naka chat ni Ben!" at nilog-out niya ang YM niya.

"Akala mo maiisahan mo ako ah," wika niya sa sarili, at sa FB siya nag-open, at nakita niya ang Friend Request, ang name naman nito ay Daylight Princess.

"o, ito,hindi siguro ito ang Aswang, kasi ang liwanag ng name, ang layo kay midnight princess," bulong niya sa sarili niya.

kinomfirmed at viniew ang mga photo.

"wow ang ganda niya", black beauty ang babae, simple pero napakaganda, at sakto namang online pala ang babae, nag-message siya at nagpalitan sila ng mensahe.

Naging close sila sa isa't-isa at naging MU kahit hindi pa nagkikita in personal, pero lagi naman silang nag-vivideo call.

hanggang sa isang araw ay nagmessage sa kanoya si Midnight Princess.

"wala kang ligtas sa akin!hahaha!!" in-off niya ang Computer at tinawagan si Nica.

"Nica p'wede bang sa phone na lang tayo, kasi titigil na akong mag-computer, ibebenta ko na ang computer ko, dahil may nangugulo sa akin, sumang-ayon naman si Nica at ipinagbili nga.

Pero tuloy pa din ang Communication nila, (this time ay TEXTMET na ang title, para maiba naman sa part1) at naging masaya pa din naman silang dalawa sa texting at tawagan nila.

Hanggang magdesisyon silang magkita sa may Paranaque city (para malapit sa pasay sa part1 hehe) at nabighani nga siya.

ang ganda-ganda pala nito sa Personnal, an'lakas ng Sex appeal at natulala pa si Jason rito.

"Ang ganda mo pala" wika niya.

"ikaw din ang cute mo," sagot ng babae, at nag-shake hand sila, Nica Roby ang pangalan ng girl, (para malapit sa Veronica, sa part1 hehehe)

Niyaya siya nitong pumunta sa Mall of Asia, pagdating doon ay kumain sila sa Jollibee, at nanood ng sine, an'lambing ng babae, laging nakadikit sa kaniya, kaya 'di niya maitatago sa sarili na nag-aalab na rin siya. (hehehe)

"an'sarap kasama ng babaeng ito, mahal na mahal ko na 'ata s'ya," ang nasa isip niya.

Matapos silang manood ay lumabas sila ng sinehan at gabi na rin ng mga sandaling iyon.

"Jason, p'wedi mo ba akong ihatid" malambing na panunuyo ng babae.

"Ah eh taga saan ka ba?" tanong niya.

"Taga Caloocan," sagot ng babae.

"Patay, taga caloocan pala siya, baka kapatid niya si Veronica, hindi ako papayag, imbes na siya ang ihatid ko, dapat ako ang ihatid niya," anang isip niya.

"Ah eh pwedi bang ako na lang ang ihatid mo?," sabay ngisi nito.

"Sure," sagot naman ng girl.

"Ows Jackpot!, humanda ka sa akin sa appartment," pilyong nasa isip niya.

"kung kapatid ka man ng aswang, eh ligtas na ako, kasi hindi mo ako napasama sa kaniya, hahahaha," anang isip niya.

Maya-maya'y dumating na sila sa Appartment, inimbitahan niya ang babae sa loob at saktong wala si Ken, pumasok sila sa k'warto at naganap ang mga maiinit na eksena, naghalikan silang nakapikit, hanggang sa mag-ibang anyo si Nica na naging si Veronica, at naging Aswang naman, kasunod na kinain ang kawawang binata.

"Akala mo matatakasan mo ako ah! Ulol!! Sino naman kaya ang isusunod ko sa mga Pilyong boys sa Internet, hahahaa," halakhak ng Aswang.

Wakas.

ALEX SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon