PUNO NG MANGGA - Drama/Horror

191 6 0
                                    

Puno ng Manggaby: Alex Solaiman Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Puno ng Mangga
by: Alex Solaiman Asc

Matatagpuan ang misteryosong puno ng manggang ito, sa isang bayan sa Surigao. Kakaiba ito. Sabi ng mga taga-roon, kahit wala pa silang nakikita ay maraming nang mga kabataan ang nagkakasakit sa 'di malamang dahilan.

'Yung iba, sinasapian ng masamang ispirito o ano pa mang klase ng maligno o engkanto sa lupa. Ngunit ang dahilan ng lahat ng ito ay sa tuwing naglalaro o inaakyat nila ang puno ng mangga. Wala namang bunga ito dahil na rin siguro sa katandaan.

Sinasabi ng ilan na may nakatira sa punong iyon na maligno. Eh, sa awa naman ng Maykapal, wala pa namang batang namatay dahil doon. Nasanay na rin ang mga taga-roon sa punong manggang iyon kaya't 'di na nila pinutol. Wala ring makapaglakas ng loob sa kanila.

---

Si Mang edward, butihing ama ng maraming anak nito ay nasa edad 50 na, isang karpentero lamang. Ang asawa nitong si Aling Juana ay wala ring trabaho at sila ay may anak na lima. Si Jojo ang panganay, nasa edad 20 anyos, hindi na nag-aaral dahil bukod sa kahirapan nila ay naligaw pa ang landas. Hindi naman siya magnanakaw o nanghohold-up. Sumasama lamang ito sa mga barkada para sa kanilang bisyo.

Oo, isang adik si Jojo at humihithit ng shabu, marijuana o 'di kaya'y rugby. Basta't kumita lang ng kaunti sa pagkokonduktor nito ng jeep ay dinidiretso nito sa bisyo. Walang direksyon ang buhay niya at ni kusing ay walang itinutulong sa mga magulang. Nakailang beses na silang nag-away na mag-ama ngunit si Mang Edward ang umiintindi dulot na rin ng pagmamahal nito sa mga anak.

"Paano kaya kung mawala na ako sa mundo? Sino na magtatrabaho para sa mga anak ko?" mga tanong ni Mang Edward sa sarili.

Katunayan, maliit pa ang mga anak nito, ang bunso ay nasa walong taong gulang. Si Nene naman na sumunod kay Jojo ay nasa 15 anyos pa lang at nag-aaral sa gradong 2nd year highschool o grade 8.

Mahirap ang buhay nila, salat sila sa pera at walang permanenteng hanap-buhay si Mang Edward. Minsan lang kung may magpatayo ng bahay sa magkakatabing baryo nila ay saka pa lang kumikita. Samahan pa ng palagi nitong pagkakasakit.

"Kumpare, sumama ka sa akin at tayo'y pupunta sa Surigao," alok ng kumpareng si Tomas.

"Bakit, Pareng Tomas?" patanong niya.

"May kaibigan ako na nakapag-abroad at nakaipon. Ngayon ay tumawag sa akin upang ipatayo ang kanyang bahay sa nabiling lote sa may Surigao," pakuwento ng kumpareng si Tomas.

Pumayag naman si Mang Edward.

Mula Butuan City ay tinungo nila ang lugar.

"Oh, Pareng Nilo, kumusta ka na?" pananabik na pabati ni Pareng Tomas.

"Mabuti naman, eh, ikaw, pare?" pabalik na tanong ni Pareng Nilo.

"Mabuti rin naman, sa awa ng Maykapal ay nakakaraos kahit papaano. O, ito pa lang kaibigan kong si Edward," at nagpakilala naman si Mang Edward.

Hinandaan sila ni Mang Nilo ng pameryenda.

Sa loteng iyon sila nag-usap-usap. Wala pang bahay, lamesa lamang at upuan kung saan sila nagkukuwentuhan. May mga bahay naman sa 'di kalayuan, pero ang lugar na ito ay sadyang bukid, kaunti lamang ang mga bahay. Karamihan ay taniman ng mais at niyog.

Maya-maya pa'y dumating na ang isang truck kung saan lulan doon ang lahat ng kinakailangan sa pagpapatayo ng bahay. Maliit lang ang itatayong bahay pero gawa sa semento. Nagtayo muna sila ng maliit na 'temporary' na matutuluyan, gawa sa flywood at ilang stick ng kahoy. Kasabay din noon na nag-iwan ng kaunting pera si Mang Nilo para sa gastusin nila.

Nag-umpisa na sila. Araw-araw nilang ginagawa ang trabaho nila pero si Pareng Tomas ang problema. Gabi-gabi itong bumibili ng alak ng beer at inaanyayaan si Mang Edward na makipag-inuman. Sinasabayan na lang lagi ni Mang Edward dahil kaibigan niya ito at libre naman, pero ang problema, sa tuwing nalalasing si Mang Edward ay pinupuntahan lagi ang puno ng mangga sa may 'di kalayuan. Sinisipa, sinusuntok, at pinagti-tripan.

Ganito si Mang Edward kapag nalalasing. Nagwawala siya, ibinubuhos niya ang kanyang problema sa pagwawala.

Sa kasamaang palad at sa pagkamalas-malas naman ang napagdedeskitahan lagi ay ang puno ng mangga.

Hanggang sa mangyari ang isang gabi habang papalapit siya sa punong iyon na dala-dala ang isang pamalo. Pambihira't lasing kasi kaya't sa baba siya nakatingin hanggang sa makaharap na niya ang punong iyon.

Isang maitim na lalaki, matangkad at nakakatakot na mukha na nakasandal sa puno ng mangga ang bumulagta sa kanya!

Halos manginig ang buong katawan niya sa nakita at 'di makagalaw. Ngunit pilit niyang iginalaw ang kanang kamay upang paluin iyon. Nasangga at inagaw ng maitim na lalaki ang kanyang pampalo at pinagpapalo siya... at siya ay kumaripas ng takbo sa 'di matukoy na daan.

---

Papalabas na ng bahay si Jojo sa oras na alas-singko ng hapon nang makasalubong nito sa harap ng pintuan ang ama na si Mang Edward.

"Anak, pwede ba tayong mag-usap?" panunuyo ng malungkuting mukha ni Mang Edward.

"'Tay, nagmamadali po ako kasi 'inaantay ako ng mga katropa ko, mag-iinoman kami ngayon," pasagot ng bastos na si Jojo.

Nagtuloy si Jojo sa paglakad at hindi pa siya nakakalayo masyado ay nagsalita ulit si Mang Edward.

"Anak, ikaw na ang bahala sa kanila..." ang tila napakalungkot na boses ni Mang Edward.

Natigil si Jojo nang tumunog ang cellphone niya. "Oh, Mang Tomas, bakit ka napatawag?" tanong niya.

"'Yung tatay mo, natagpuan naming lumulutang-lutang sa may batis. Wala na ang ama mo, tatlong araw din siyang pinaghahanap," pahayag ni Mang Tomas.

"Nagbibiro ka ba?! Eh, nandito siya ngayon, gusto pa akong sermonan!" sagot nang naiinip na si Jojo.

"Maniwala ka! Patay na ang ama mo!" ang malakas na wika ni Mang Tomas.

Pinatay ni Jojo ang cellphone at tinawag ang ama sa loob ng bahay. Ngunit, walang tugon ang kanyang ama.

"Hoy! Nene, nasaan si Tatay?"

"Hindi ko po alam, kuya..."

"Eh, 'di ba, nakaupo ka dito sa harap ng pintuan kanina nang magkasalubong kami ni Tatay?"

"Opo... pero hindi ko po nakita si Tatay. Nagsasalita ka nga diyan mag-isa kanina, ehhh."

"Ahhh..." kasabay ng biglang pagpatak ng mga luha ni Jojo.

AUTHOR MESSAGE:

Oh mga, kaibigan, may napulot ba tayong aral? Thanks, more power...

ALEX SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon