SA MUNDO NG MGA ENGKANTO- Paranormal

319 7 0
                                    

Matalik na magkaibigan ang magpinsang buo na si Cristinah at Crisanta, at iisa lang ang kanilang inuuwiang bahay sa kanilang baryo, sila ay pawang dalagita pa sa edad na 14 anyos, magkaklase ang dalawa sa 2nd year high school, dahil sa magkaedad a...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matalik na magkaibigan ang magpinsang buo na si Cristinah at Crisanta, at iisa lang ang kanilang inuuwiang bahay sa kanilang baryo, sila ay pawang dalagita pa sa edad na 14 anyos, magkaklase ang dalawa sa 2nd year high school, dahil sa magkaedad ay naging sobrang lapit nila sa isa't isa, pero malayo ang pagkakaiba ng kanilang ugali.

Lumaking mabait at masunurin si Crisanta, kaya naman maraming nakikipagkaibigan sa kaniya, nakikipag kaibigan naman siya pero ang best niya talaga ay ang pinsan niya.

Si Cristina naman ay dalagitang maldita, masungit at pala-away, gusto niya sa kaniya nakatuon ang atensyon ng lahat, tulad na lamang ni Crisanta, gusto niya siya lang ang best niya.

Silang dalawa ay naninirahan sa Probinsya, at ang kanilang bayan ay binabalutan din ng kababalaghan, at 'yun ay naranasan ng dalawa.

Sa tabi ng kalsada papunta sa kanilang Paaralan makikita ang Puno ng Balite, nakakatakot ang itsura nito, bukod sa sobrang laki ay makikita mo pa ang kalumaan o katandaan ng Puno, at balita sa buong bayan na pinamumugaran ito ng iba't-ibang lamang lupa, pero walang nagkaroon ng lakas na putulin ang puno, sa halip pinabayaan nila ito, at nererespeto ng mga taga roon. hindi naman nananakit ang mga engkanto, basta't 'wag mo lang silang pakikialaman.

Isang hapon ay papauwi na ang magpinsan galing school. sobrang galit na galit na naman si Cristina at sa pagkakataong ito ay sa pinsan niya siya galit. paano kasi 'yung crush niyang si Jonathan, nakita niyang lumapit at kinausap ang pinsang si Crisanta, kaya ganoon na lang ang inis niya sa pinsan.

"Hoy Cristina, ba't jan tayo dadaan pauwi? natatakot ako, baka may makita tayong engkanto jan.." tanong ni crisanta habang habol-habol si Cristina.

"ano ka ba naman! napakaduwag mo! naniniwala ka pa sa mga k'wento ng mga matatanda!" pagtataray ni Cristina.

at nagpatuloy sila, malalakas ang 'apak ng mga paa ni Cristina na bumubuo ng ingay, habang napapatapat na sila sa balite.

"Hoy Cristina, baka magising ang mga natutulog na mga engkanto," wika ng natatakot na si Crisanta.

"eh! ano kung magising! wala akong pakialam sa kanila!" habang patuloy sa ginagawa.

Maya-maya'y bigla siyang natapilok at nadulas, tumayo siya at tumingin sa kinabagsakan.

"wala namang bato rito na malaki, ano kaya 'yung nabangga ko!" tanong ng nagtatakang si Cristina.

"Nako Cristina baka may nabangga kang engkanto na nakaupo," ang takot na sambit ni Crisanta.

Nagkatitigan ang dalawa at natakot sila at agad na tumakbo palayo si Cristina, pero si Crisanta ay humingi muna ng paumanhin sa puno ng balite saka mabilis na tumakbo.

Kinabukasan, nagising na lang si Cristina sa kakaibang mundo, hindi ito madilim at hindi rin naman maliwanag, tila kulay kayumanggi ang paligid at inilibot ang paningin.

"huuuhhh! nasa loob ako ng Puno!" gulat niya sa sarili, naiyak siya at natakot.

may nakita siyang kakaibang anyo medyo malayo sa kaniya, pero may malalim na bangin sa pagitan ng kinaroroonan niya at nang kabilang dako, hanggang sa lumabas ang isang lalaki mula sa pintuan na katabi niya.

"haaaaaaa!!!... Engkanto!" sigaw niya habang napapaluha sa takot, gusto niyang
tumakbo pero may bangin at hindi niya kayang lundagin ang kabilang dako, pero kahit doo'y may naninirahan rin.

"H'wag ka nang sumubok lumundag sa kabila, baka mahulog ka sa bangin at ikamatay mo, 'yan ang kabilang baryo, sa kabilang sanga, at marami ring naninirahan jan na kalahi namin, kami lang ang may kakayahang lumundag ng malakas sa magkakabilang sanga, halika rito ipapakita ko sayo ang asawa't anak ko." pahayag ng Engkantong lalaki.

Naisip niya na parang mabait naman ito, kaya't sumama siyang pumasok sa isang silid, nang makapasok siya ay nakita niya ang nakahigang batang engkanto at nakaupo at nakaharap rito ang babaeng engkanto.

"Hoy! Maldita! tingnan mo ang ginawa mo sa anak ko! naapakan mo siya habang naglalaro sa labas!, nabali ang braso niya at nagkasakit, kapag may nangyari sa kaniya, buhay mo ang kapalit," segunda ng babaeng engkanto sa kaniya

Lumipas ang dalawang araw sa kaniyang pamamalagi roon, umiiyak na lang siya lagi, hanggang sa nakaramdam siya ng gutom at hinandaan naman nila ito ng pagkain.

"kakaiba ang kanilang pagkain, pero bahala na gutom ako," ang nasa isip niya, kakainin na sana niya ng marinig niya ang isang boses ng isang matandang babae.

"H'wag kang kakain ng pagkain nila, dahil hindi ka na makakabalik sa mundo ng mga tao" natakot siya at hindi itinuloy ang kakainin.

Samantala, kasalukuyan siyang binubulungan ng matandang Albularyo, nakahiga si Cristinah habang tulog at bali-balita na rin sa buong bayan ang nangyayari sa kaniya.

inabot ng tatlong araw na hindi pa din nagigising si Cristina, pinuntahan ni Crisanta ang puno, iniyakan at nagmaka-awa na ibalik ang pinsan niya, dininig naman siya ng mga engkanto.

Nagising na lang si Crisanta na nasa mundo ng mga engkanto.

"oh Crisanta, ito na ang pinsan mo at i-uwi mo na siya," wika ng lalaking engkanto.

magaling narin ang batang engkanto at nagising silang dalawa na magkatabi sa kanilang k'warto.

Mula noon naging mabait na din si Cristinah.

Wakas.

ALEX SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon