PANGARAP LANG KITA- Love

202 6 0
                                    

Panay ang takbo namin ni Eloisah, habang hinahabol kame ng taong bayan!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Panay ang takbo namin ni Eloisah, habang hinahabol kame ng taong bayan!

"Sunugin ang aswang na iyan!" paulit-ulit nilang sigaw!

At halos lumiwanag ang buong paligid, na animoy bukang liwayway na.
Nagdulot ng malaking liwanag ang dala-dalang Panggatong ng bawat isa, habang nagliliyab ang apoy nito sa dulo.

ibinuhos ng bawat kalalakihan sa kanila ang bilis ng kanilang pagtakbo.

Upang mahuli lamang si Eloisah, ang Pinakamamahal kong babae sa buong buhay ko.

At hinding-hindi ako papayag sa kanilang balak, kung mawawala lang din siya, mas gugustuhin kong sumama sa Impyernong nais nilang pagsadlakan sa kaniya.

Hinding-hindi ko kakayaning makitang unti-unti nilang pinapatay ang babaeng pinakamamahal ko.
Ni hindi ko kayang pagmasdan siyang lumuluha,
Siya lamang ang buhay ko, sa kaniya lamang ako naghuhugot ng lakas.

"Damian, natatakot ako!," naiiyak niyang wika sa akin, habang yakap-yakap ko siya ng mahigpit.

Magkadikit kaming nakaupo sa ilalim ng napakalaking Puno.

"Ang aswang na si Eloisah! Hanapin n'yo! 'Wag niyo siyang hayaang makatakas, ku'ndi makakapangbiktima na naman iyan!" sigaw ng matandang babaeng namumuno sa pag-aalsa.

Oo, isang Aswang si Eloisah, pero bated kong hindi siya nananakit ng tao, ang kasalanan ng ibang aswang na napatay na ng taong bayan ay isinisi nila sa mahal kong si Eloisah.

"Nakatakas po sila!" sigaw ng isang lalaki.

"Hindi maaari!, 'wag na 'wag niyo silang hahayaan, maglilibot tayo ng buong magdamag para lamang mahuli ang salot na halimaw na iyan!" sigaw ng namumunong babae.

"Anong gagawin natin Damian!" habang humahagulgul pa sa takot si Eloisah.

Hanggang sa maramdaman naming nasa malapitan na ang ilang kalalakihan, nilibot-libot nila ang Paligid.

Inilawan gamet ang mga kahoy na umaalab, bawat sulok ay 'di nilalampasan ng kanilang mga paningin.

Hanggang sa Bumulaga sa amin ang ilan sa kanila.

"Huli ka na Eloisang Aswang! Akala mo may matatakasan ka pa!," wika ng lalaki, at nakatayo na ang ilan sa kanila sa harapan namin.

Lumapit silang nag-aalab sa galit, at nagnanais nang sunugin si Eloisah. Hinarangan ko sila,
Bawat lumalapit ay tinutulak ko ng malakas.

"Pabayaan niyo na si Eloisah!, hayaan niyo kaming Lumayo!" sigaw ko sa kanila at patuloy kung tinutulak ang bawat lumalapit.

"Nababaliw ka na talaga Damian! kailanma'y 'di namin hahayaan ang babaeng iyan na mabuhay pang muli! magbabayad siya sa lahat ng kasalanang dinulot niya sa mga kababayan natin rito!."

dinumog nila ako upang kunin si Eloisah sa akin.

'di ko napigilan ang sarili ko, kaya't sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ko sa bawat isa sa kanila, na naging dahilan upang bugbugin nila ako, pinag-agawan nila ako, habang patuloy na lumuluha si Eloisah na hawak-hawak sa magkabilang kamay ng dalawang kalalakihan.

"Kaladkarin na 'yang dalawang iyan! at dalhin sa bayan! nais kong masaksihan ng buong nayon ang kamatayan ng aswang na iyan," galit na sigaw ng matandang babae.

Hinahatak nila si Eloisah, pero nagpupumiglas siya, at kasunod naman akong binuhat ng mga kalalakihang iyon, at dinala nga nila kame sa lugar na iyon.

Ga-bundok na panggatong ang nakahanda roon,
may mahabang posteng nakatyo sa gitna.
dito na nga!, dito na nila wawakasan ang buhay ng mahal kong si Eloisah.

at kanila itong itinali sa Kahoy na iyon.

"Damian! Tulungan mo ako!, paulit-ulit niyang wika habang umiiyak.

at bahagya na lang akong napapagapang dahil sa tindi ng sakit na natamo.

"Damian!, pagmasdan mo ang kamatayan ng iyong mahal na babae," sigaw ng isang lalaki.

"Bawat isang naririto ay batuhin ang Aswang na ito upang maipaghigante niyo ang mga naging biktima niya, bago pa natin sunugin s'ya!," wika naman ng isang babae.

Hirap ako sa paghakbang, pero walang isang sandali na sinayang ko, sinikap kong marating si Eloisah.

Tumayo't niyakap siya, tiniis kong tanggapin ang malalakas na batong hinagis sa kaniya ng taong bayan.

"Damian! Nais mo bang mamatay! Umalis ka jan!," sambit ng aking kaibigan.

"mas gugustuhin kong masunog kasama niya!," malakas kong sigaw.

"Eloisah!, makakasama mo ako sa iyong kamatayan! hindi ka mag-iisa!"

Kasunod nito na aking naramdaman ang isang malakas na tubig,

Si Eloisah! Hawak-hawak ang isang Timba na naglalaman ng Gassolina na binuhos sa akin.

Nananaginip ako!

kahit sa huling sandali ng aking buhay ay siya pa rin ang nakikita ko.

Kahit matindi na ang galit niya sa akin.

Masaya ako, dahil matatapos na ang paghihirap ko, masaya ako, dahil makakamit na ni Eloisah ang katarungan!, at masaya ako, dahil sa huling sandali ng aking buhay ay siya ang aking nakikita,

Kahit nababalutan ng poot at galit ang kaniyang damdamin, kahit isinisi niya ang masasamang bagay na nangyari na 'di ko naman ginawa, pinilit kong 'wag manakit ng tao, dahil kay Eloisah, Kinalaban ko ang kapwa ko upang maprotektahan siya. Sayang nga lang, dahil sa haba ng Panahong pinagsamahan namin, 'di niya ako natutunang mahalin, naging kabalikat niya ako sa lahat ng kaniyang problema.

Sinabayan ko ang bawat luhang ipinatak ng kaniyang mga mata.

Ngunit ni Kailan ay 'di niya naramdaman ang aking hinanakit.

Nasasaktan ako 'pag malungkot siya, at nasasaktan ako pag masaya siya sa piling ng iba.

Sa oras na ito, nakatakda nila akong Sunugin.

Oo!, Tama, isa akong Aswang, pero wala man lang ginawa si Eloisah para sa akin.

Bagkus, isa siya sa nangungunang mag-alsa upang sunugin ako.

"Sunugin na ang aswang na iyan!," sigaw ni Eloisah, habang mahigpit akong nakatali sa isang Poste.

sa kaibabaan ko'y naroroon ang malabundok na Panggatong.

At binuhusan nila ng Gasolina iyon at Sinindihan..

Wakas..

AUTHOR's NOTE:

Minsan nagkaroon ako ng dream one night, with my Love one na katulad niyan, kaya't isinulat ko na rin hehe.

Pasensya na kung pang-love ang title hahaha, wala lang kasi akong maisip eh!.

ALEX SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon