Pasko na naman oh kaytulin ng Araw..
Paskong Nagdaan tila ba kong kailan lang..
Ngayon ay Pasko tayo ay Mag-awitan..
Pasko! Pasko.. Pasko na naman ang tanging araw nating pinakamimithi..
--Ibat ibang kantahan ng mga namamasko sa bawat bahay bahay,
Kalat na kalat ang Parol at Christmas Tree sa Paligid,
Malamig na simoy ng hangin,
at mga taong nagsasaya sa kanilang pinakamamahal na Araw,
Ibat ibang nagkakantahan,
Iba ibang grupong namamasko, na nagdadagdag saya ng Pasko,
at naghahated ingay sa kalye,
Ngunit may Labing dalawang bata ang kakaiba,
Marurumi ang kanilang mga damit, Lumat gutay gutay,
Maiitim na kulay, na hated ng init ng Araw,
payat na payat na animoy ilang araw nalipasan ng gutom,
Madudungis ang mga mukhat buong katawan,
mababahot magugulo ang mga buhok,
Sila ang mga batang lansangan..
Ngunit ang labis na nakakapagtaka ay..
Nakakakilabot ang kanilang mga tinig,
Malulungkot ang mga mata,
at hindi sila nagsasalita maliban lamang sa pag awit,
Hindi rin sila gumagalaw pag nakatayo sa harapan ng Pintuan..
Tuloy lang sila sa pagkanta..
Habang pinamumunuan sila ng dalawang magkasunod sa edad..
Isang Kinse at katorse anyos,
ang ilan ay pawang maliliit na bababa lamang sa sampung taon,
Nakakaawa sila pagmasdan sa unang tingin,
ngunit habang pinagmamasdan mo sila,
ay unti unti kang matatakot sa kanila,
Sino nga ba sila?,
--Tok tok tok..
Tao po... Mamamasko po...
Wika ng isang binatilyo na may kasamahang labing isang bata..
Nang itoy pagbuksan ni Aling Nita,
Nagulat pa sya sa madudungis nitong itsura,
At sa kasuotan nito na animoy isang taon nang di nakakabihis,
"Hoy! Ang babaho niyo! Mga batang bwesit! Magsilayas kayo sa harapan ko!"-sita nya sa mga to, habang nandidiri sa kanila,
Ngunit di siya pinakinggan ng mga to, nakatitig lang sila sa direction ng mga mata nila, at ni hindi sila gumagalaw, ni pagkurap ng mga mata ay di nila ginagawa,
BINABASA MO ANG
ALEX SHORT STORIES
Cerita PendekMY SHORT STORIES in KMAK pages. Bank Robbery Facebook love Vampires band Sa mundo ng mga engkanto Textmet Totoy Siga Pambihira Paghihigante Peking Maligno Mga batang namamasko Puno ng Mangga Pangarap lang kita Dati na po akong nagsusulat sa Kmak Pag...