Samantha's POV
Sabi ni sister sa amin kanina kailangan daw magkakasama ang makapartner at kailangan umuwi bago hapunan.
Nandito kami ngayon sa isang mall naglibot-libot lang at kasama ko ngayon sina Kent, Athena at si Kenneth.
Wow-sabi nung dalawang bata
Binuhat ni Kent si Kenneth tas ako naman hinawakan ko kamay ni Athena.
Pagpasok pa lang nasa loob ang ganda grave at parang namangha talaga ang mga bata sa nakita nila kasi hinila kasi kami ni Kent papuntang mall pero sa loob nun parang museum o palaruan
Tara na-biglang sabi ni Kent
Huh? Saan?-tanong ko
Kakain muna tayo baka nagugutom na yung mga bata-sabi niya
Tas hinila niya kami papuntang restaurant. Kumakain ba siya dito? Hindi naman kasi halata sa kanya na kumakain siya ng pagkain na gaya nito.
Kumakain ka ba dito?-bulong ko sa kanya
Huh? Hindi eh. First time ko dito. Ikaw?-bulong din niya sa akin
Hindi naman.Sabi kasi parents ko before kumakain daw ako noon ng street foods din-bulong ko
Oh. Sino kasama mo?-tanong niya
Di ko alam. Itanong mo sa parents ko alam nila-biro na sabi ko
Tas hinila na kami nung dalawang bata para maupo na.
Tas pumunta na siya dun sa ale para bumili ng pagkain.
Ate Lexis boyprend mo ba si Kuya Kent?-tanong ni Kenneth
Tiningnan ko si Kent dun sa pwesto niya parang nahihirapan siyang mamimili ng pagkain.
Sabi ko na nga ba eh hindi to sanay kumain ng ganitong pagkain.
Ano nga yung tanong mo kanina Kenneth?
Sabi ko po boyprend mo ba si kuya Kenneth
Hin------ pinutol yung sasabihin ko kasi biglang sumigaw si Kent
LEXISSSS. Patulong naman oh di ko kasi alam ano kakainin natin, di kasi ako makipili eh. Ikaw nalang mamimili-sabi niya
Wait lang! Kenneth at Athena dito lang kayo huh. Wag kayong aalis dyan. Delikado!-sabi ko sa kanilang dalawa
Tumango lang silang dalawa tas pumunta na ako dun kay Kent
Hayst naman Kent! Sige! Ikaw nalang magbantay dun sa dalawa
Haha! Siguro dumadamoves na na yung bata na yon-bulong niya
May sinasabi ka ba diyan Kent? Sige na bantayan mo na yung dalawa dun-sabi ko
Di na siya nagsasalita pa tas umalis na.
Ale ito po apat na fried chicken tas carbonara, salad soup tas pancit at yung egg po bali apat po lahat yan-sabi ko dun sa ale
Sige iha, kami nalang magseserve niyan sa inyo-sabi niya
Ahhh, sige po-sabi ko
Nakita ko sila nagtatawanan
Lumapit na ako dun sa kanila
Anong pinagtatawanan niyo diyan?-tanong ko
Huh? Wala po ate-Kenneth
Tas tumabi na ako kay Athena.
Athena bat sila tumatawa kanina?-tanong ko
PO? Hindi ko din alam ate-sabi niya
YOU ARE READING
Campus Crush Royalties
Teen FictionPrologue: Sa buhay natin may taong umaalis at may taong dumadating na di natin inaasahan. If you really love that person you will fight for him until the end. Walang forever pero may lifetime..