Chapter 64

3K 77 8
                                    

Justin's POV

Hindi pa rin ako makatulog sa pinag usapan namin ni Steph. Napakaserysoso ng mukha niya. Mukhang desido talaga siyang sabihin sa lahat. Napatingin ako kay Lexis habang nakatulog siya sa may kama. Hindi ko alam kong papayagan ko si Steph sa gusto niyang gawin.

Akala niya bang gusto kong itago yung totoo sa kanila? Nahihirapan din naman ako eh. Hirap na hirap na rin ako..

Jus? Nakita ko siyang bumangon
Hmmp? -sagot ko sa kanya

Tumayo siya tapos umupo sa may tabi ko. Sumandal siya sa balikat ko tapos nabigla ako sa pagyakap niya sa magkabilang braso ko. Sa ginagawa niya mas lalo akong nahihirapan. Hindi naman talaga ako yung kailangan niya eh. Hindi naman talaga ako yung dapat nasa tabi niya. Hindi ako dapat yung nagpapasaya sa kanya...

Bakit nandito ka sa couch? Pwede ka namang tumabi sa akin eh..

Napatingin ako sa kanya pero nakasandal pa rin siya sa balikat ko "OK lang ako dito. Ano ka ba.. Wag mo na akong isipin pa"

Eh.. Pwede ka namang tumabi sa akin eh..

Hindi na. Okay lang ako..

Sige na... Hindi ako makatulog eh.

Sige na nga..

Ahh. Jus, pwede mo ba akong samahan muna sa baba nakalimutan kong uminom ng gamot eh.

Tumango ako sa kanya tas lumabas na kami ng kwarto at pumunta sa may kitchen. Kumuha kami ng dawalang baso ng tubig. Nauuhaw din ako eh, sa may living room muna kami tumambay dahil hindi pa siya makatulog. May gumugulo na naman sa isipan niya. Nung tiningnan ko yung relo ko mag 4:45am na. Ano ba tong babaeng to sanay na ata to sa puyatan.

Humiga si Lexis sa sofa na inuupuan namin habang hawak yung kamay ko.

Humiga ka rin. Nahiya pa to... Haha!

Tas humiga na din ako sa tabi niya.

Ikaw nalang kakampi ko Jus tas si Kuya Dred din. Wag mo kong iwan ulit ha?

Iiwan lang kita kapag sinabi mong iwanan kita. Promise hindi na kita iiwan kahit kailan.

Gawin mo.. Parang namang gusto kong iwan kita hindi noh.

Alam ko hindi ko dapat gawin to kasi hindi ako yung kailangan niya. Pero masisi niyo ba ako? Tao rin ako marunong magmahal at masaktan..

Bakit nandito to natulog? Diba umakyat sila kanina?

Ewan ko... Baka bumaba sila, tingnan mo oh may baso dito sa lamesa. Ibig sabihin bumaba sila para uminom sila ng tubig. Siguro nakatulog sila sa pagkwekwentuhan.

Gigisingin ba natin sila?

Bakit?

Baka makita sila ni Kent...

Ano naman? YAH! He's with that girl now and he left Lexis in pain. If Lexis happy with Justin, I don't see wrong about that. I don't care about Kent being hurt... He deserves it..

Parang panaginip yung boses nila Raign at Dred. Nung inidlat yung mga mata ko nakita ko pa ring nakatulog pa rin si Lexis.

Binuhat ko si Lexis para dalhin siya sa kwarto namin. Para hindi siya mahulog sa couch. Wala namang problema sa pagbuhat ko sa kanya dahil magaan lang din naman siya. Nakasalubong ko si Alexa tapos nagsmile siya sa akin tas nag thumps up siya.

Campus Crush RoyaltiesWhere stories live. Discover now