Chapter 65

4K 105 40
                                    

Justin's POV

MY GOD! Bat kailangan ako pa ang gumanap bilang Juliet? Bakit hindi nalang yung iba.. Nako naman, dagdag pa to sa proproblemahin ko eh. Pati bakit si Kent pa kasi? Hindi naman siya dito nag aral ha? Pwede ba yun? Whoaaaah! Gosh.

Ito naman si Lexis. Simula nung araw na inassign siya bilang Juliet lagi na siya nagrereklamo. Kesyo daw bakit siya pwede naman yung iba,Bakit pa daw siya pumayag, Bakit si Kent pa daw yung ka partner nya pwede naman ako.. HAHAHA! nako.

Hindi ko nga alam kong maiirita pa ako sa kanya o matatawa kasi nakakarindi na yung boses niya paulit-ulit lang siya. Pero siyempre pinili ko nalang matawa sa kanya. Hindi ko naman siya masisi kung bakit sa akin siya madalas mag vent masyado na kasi kaming close. Umabot na kami sa point yung mga taong nadadaan namin palagi nalang nagtatanong sa real score namin "daw". Of course alam naman namin yung limitations namin. Baka hanggang dun nalang talaga..

Huy. JUSTIN? Are you still there? Hindi ka naman nakikinig sa akin eh. Hello?

Yep. Hay nako Lexis. Ewan ko ba sayo. Siguro tadtad ng wrinkles yang mukha mo ngayon noh? San ka ba ngayon?

YAH. I don't have wrinkles. Anyway nandito ako ngayon sa bahay. Bakit ba? Ngayon ako magpa schedule mag grand pic remember?

Oo Nga pala ngayon siya magpa grandpic. Dahil kami nalang ni Lexis yung last na magpa picture sasabay na ako sa kanya kasi lahat sila tapos na.

Naisipan kong paiksian yung buhok ko. As in maiksi. Hindi.. Teka semal nalang. Sayang din naman yung buhok ko eh. Wala lang gusto ko lang i-suprise sila Lexis. Para din naman maiba yung hitsura ko. Mahaba rin halos yung buhok ko nung grade school ako eh... Grade 7.... those were the days. Whohahaha! Grade 8 sila Kent nun silang apat.

YAH!! JUS,ARE YOU STILL THERE? Tinanggal ko sa tenga yung cellphone ko dahil sa lakas ng boses niya

Hayyy nako. Konting-konti nalang talaga mababaliw na ako sa kanya..

Bakit hindi ka nagsasalita?

Lexis.

Oh.. parang nairita yung boses niya. Inaano ko to?

Gusto mo bang.... sunduin na kita diyan?

Yah. You don't have to... biglang naging mahinhin naman yung boses niya

Fine. Oh nga pala teacher's day ngayon so G-HOHOL tayo after ng lunch break. Sa gym tayo nun? Sabi ko

Hihintayin mo nalang ako sa may cottage mamaya, is it okay with you?

Do I have a choice?

None. HAHA! I have a surprise for you. I'll see you later okay?

Suprise? Ano kaya yung isusuprise niya, baka pinagtritripan na naman niya ako tulad ng dati. Sinabi niyang may suprise pero inabutan lang niya ako ng pera para magpabili ng fishball at kwek-kwek sa baba. Eh kakaakyat ko lang nun from cottage hanggang 4th floor nun.

Justin, you're not replying again... Ayaw mo ba?

Hihintayin kita. Kahit anong mangyari hihintayin kita.

Whatever...

Inend call ko na yung call ko.. Ano na naman ba yung sinabi kong hihintayin kita kahit anong mangyari hihintayin kita?!

Campus Crush RoyaltiesWhere stories live. Discover now