Justin's POV
Napatingin ako sa likod ko kasi napansin kong tumigil sa pagsasalita si Lexis. Nakita ko si Kent at Cams papalapit sa amin. Pero malamang hindi pa nila kami nakikita dahil didiretso sila sa paglalakad.
Ano na nga yung sinabi ulit ni Kent?
Wala. Sabi niya tas ngumiti siya
Sa totoo lang Lexis- napatingin siya sa akin "May sakit kasi si Cams... Lung cancer"
Pero... Kelan pa?
Nung naging kami.... napansin kong may parang nag iba sa kanya.. nung una hindi ako makapaniwala dahil ang sigla-sigla naman niya. Tapos sinabi niya sa akin. Ayaw niyang may makakaalam na may sakit siya... ayaw niyang ipaalam kay Kent dahil close kasi sila sa isa't isa.
People do change.
Selfish kasi yun eh. Habang nung tumatagal nagiging selfish siya dahil alam niyang may sakit siya. Kahit anong gusto niya makukuha niya. Spoiled kasi masyado kasi only child siya.. Akala niya lahat mapapakanya. Hindi niya alam nakakasakit na siya ng damdamin ng iba.
Tumango lang si Lexis. "May gusto ka bang malaman?
Wala na. Masyadong marami na akong nalalaman ngayong araw. Talo na ako eh. Masyadong maganda niya eh- natatawang sabi niya
Wag mo nga isipin yan. Maganda ka kaya..
Kaya bang pinagpalit mo ko kay Camille. HAHAHA! Just kidding..
Ikaw talaga... Ay! Mag seseven na. Tara punta na tayo sa may park dun sa bayan.
Hinila ko siya patayo tapos nagmamadali kaming papunta sa bayan. Pagkarating namin dun medyo maraming tao, hindi ko napansin na may perya at bazaar pala.
Tiningnan ko si Lexis tapos ang laki ng ngiti niya. Hinila niya ako papunta sa may mama na nagbebenta ng cotton candy.
Gusto ko nito-sabi niya sa akin turo dun sa cotton candy
Oo na. Alam ko naman yung ibig mong sabihin eh.. Hindi ko nakalimutan na paborito mo to. Tas nilabas ko yung wallet ko at binili ko yung cotton candy
Nag ikot-ikot kami sa buong place. Nagpunta kami sa may bazaar na tapos tumingin ng mga damit. Habang inaaliw namin yung sarili namin bigla nalang kaming napahinto sa nakita naming dalawa.
Nakita namin si Kent na may kasamang babae.. Paalis na sana siya kaso hinila siya ng babae tas hinalikan siya sa lips niya. Nakita ko si Lexis na iniwasan niya yung tingin niya..
Tara Lexis- sabi ko tas hinila ko siya
Huh?
Tara dun tayo malapit sa peryahan.
May isang babae at lalaki na nagtatalo. Siguro magkasing edad lang kami, oh baka mas matanda sila sa amin ng konti. Pamilyar yung hitsura nung lalaki sa akin. Parang nakita ko na siya. Mukhang more than friends lang sila dahil seryoso yung mga mukha nila. Yung hitsura nung babae galit na galit yung lalaki naman mukhang guilt.
Jus,diba yung lalaki yung nakita natin malapit sa may simbahan? Siya yun diba? Pero iba kasama niya babae ngayon eh.

YOU ARE READING
Campus Crush Royalties
Подростковая литератураPrologue: Sa buhay natin may taong umaalis at may taong dumadating na di natin inaasahan. If you really love that person you will fight for him until the end. Walang forever pero may lifetime..