❇ 1: R I C K ❇

72 4 1
                                    

×full of typographical error. Sorry. Haha.×

"Di pa ako babalik diyan. Next week na siguro." Dagdag ko.

"Wala akong kasama dito eh. Baka may pumasok na magnanakaw." Sagot niya. "Balik ka na kasi ah Rick. Ayoko pang mamatay uy!" Dagdag niya. Minsan talaga may pagka OA 'tong si Greg. Parang bakla!

Pero tuwid 'yan. Sa aming dalawa, ako ang lumiko. Palihim na lumiko.

"Gago hindi ka mamamatay. Baka si Jak ang mamatay diyan kasi di mo pinapakain." Pagpapaalala ko sa kanya. Si Jak ang alaga kong hamster sa boarding. Pinabantayan ko siya kay Greg kasi medyo malapit siya sa boarding namin. Ewan ko ba sa tanga na 'yun kung ba't siya nag boarding eh ang lapit lapit ng bahay nila.

"Oy, pinapakain ko siya. Araw araw. Magugulat ka nalang mataba na siya. Parang ikaw. HAHAHA" Malakas niyang tawa. "Hindi kaya ako mataba. Di ako katulad mo. Katawang aso." Sagot ko. "Pakyu. O siya. Mamaya nalang ulit. Magkikita daw kami ni Kate sa labas. Napakain ko na si Jak. Pm mo nalang ako kung kelan ka uuwi ah." Aniya. Hays. Si Kate nanaman. Lagi nalang si Kate. Jowa niya si Kate. Pero nililigawan palang. Hay. Basta. Ang gulo. Ka edaran namin. "Oo na. Oo na. Bye." Sagot ko at sumagot din siya.

"Mahal kita." Bulong ko sa sarili ko. Nakapatay naman na kaya di niya narinig. #hokagengbayola

| Sana ako nalang si Kate, para nasa akin lahat ng oras at effort mo. |

"Alam mo, apo, wag na wag mong tutularan 'yang kuya mo." Sabi ni Lola habang kumakain kami ng hapunan at pinag uusapan nanaman namin si kuya. "Oh. Ba't nanaman po si kuya? May nangyari po ba la?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Pero pag ikaw nag ka gelpren, naku. Dapat yung edukada. Di tulad ng gelpren ng kuya mo..."

"La, di po ako mag g'gf." Sabi ko. "Kasi hindi babae ang gusto ko." Bulong ko sa sarili ko. Pero, tuloy pa rin sa kakukuda ang lola niyo.

"... Paaaralin daw pero ano na? Nganga pa rin. Naku. Walang mararating 'yang babaeng 'yan." Dagdag niya at itinuloy ang pagkain.

Bigla akong napaisip, 4th year na ako sa kolehiyo pero wala pa akong naka relasyon. Sa totoo lang ha, hindi sa pagyayabang pero andaming mga babae ang nagkakagusto at naghahabol sa akin. Aaminin ko. Lahat sila magaganda at minsan ay na e'L pa ako sa kanila pero bakit wala akong niligawan sa kanila? Nagkakagusto ako sa babae pero bigla akong lumiko nung tumuntong ako ng kolehiyo. At nang magkakilala kami ni Greg. Eh malay ko bang matatamaan ako sa kanya. Greg, ano bang meron sayo at bakit ako nahulog? Alam kong mali but, i can't help falling. Ayoko 'to pero, wala na eh. Andito na tayo.

Miss na kita. Ayoko sanang umuwi dito sa amin. Gusto kitang makasama sa buong sembreak. Kaso di pwede. May lola akong naghihintay sa akin.

Babalik na ako Greg. Tabi na ulit tayo. Hart hart.

Pagka open ko ng Facebook ko, bumungad sa akin ang post ni Kate. Picture nilang dalawa ni Greg. Aba, masaya pa ang gago. Sino ba ako para masaktan at magreklamo lol. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa ibang bagay. Pumunta ako sa rooftop ng bahay, kahit gabi na, kahit malamig na. Makita ko lang muli ang kalangitan. Siya lang naman kasi ang nakakakita ng mga kamemahan ko sa buhay at tungkol kay Greg. Sa kanya lang ako may lakas ng loob na magsumbong kasi alam kong di naman sila sasagot. Magugulat nalang ako kung may sumagot.

At isa pa, minsan ko lang nakakausap ang kalangitang puno ng mga bituin na nagkikinangan kasi busy sa school. Tinataon ko din minsan kapag lumalabas si Greg kasama si Kate, ayun. Tumunghay ako sa bintana't kinakausap ang mga bituin.

"Mga bes, andito nanaman me." Panimula ko habang nakatingin sa taas, sa kawalan. O mga bituin, lamunin niyo ako ngayon din. Pashnea. "Di ko na kaya 'to eh." Dagdag ko. Habang nakatingin ako sa kawalan, unti unting bumabaon sa akin lahat ng bubog ng pag-ibig. Bubog na mula kay Kate, kay Greg, hay. Lahat. "Masakit na mga bes. Sobra. Tagos..." Nagsimula nang tumulo ang  aking mga luha habang dinuduro ko ang aking dibdib. "... Hanggang dito. Sa puso ko... Di ko na alam. Akala ko, kakayanin kong makita silang magkasama. Alam kong hindi pa sila. Alam kong nililigawan palang ni Greg si Kate pero bakit ganun? Ang sakit? Akala ko matatanggap kong hindi siya mapapasa'akin pero hindi pala!!" Sigaw ko sabay upo sa sahig. Ang sakit talaga eh. Nag expect akong kaya ko. Akala ko wala akong pake pero, hindi pala eh. Ang sakit. Sobra. Nang mailabas ko na ang lahat, napatingala ulit ako sa mga bituin na nagsimula nang rumami. "Mga bes..."

"...Ayoko nang maging bayola..."

"Pero lalaban muna ako. Hanggang kaya ko pa... Kahit masakit..."

"Oh. Akala ko ba next week ka pa babalik? Ba't parang napaaga ka?" Tanong sa akin ni Greg mula sa kabilang linya. "Wala. Miss na kasi kita eh. Ajujuju." Pantitrip ko sa kanya. Pero totoong miss ko na siya. "Ano ba 'yan bes nakakadiri ka. Bakla ka. Ew." Pabiro pero nandidiri niyang sabi.

"Lul baka mas malaki pa 'tong bayag ko kesa sayo. Baka ikaw ang bakla ah." Pabalik kong asar sa kanya. "Gago." "Daks mo'to!!" Sigaw ko sabay tawa. "Pero seryoso. Bakit?" Tanong niya. "Anong bakit? Bakit jutay ka?" Pabalik kong tanong sa kanya. "Pakyu hindi. Daks me bruh. Hays." Sabi nanaman niya. Halata sa boses niya na naasar siya sa sinabi ko. HAHAHAHAHA Greg pikunin. "I mean, ba't napaaga uwi mo?" Tanong muli niya.

"Wala. Naisip ko, madami pa pala akong gagawin at aayusin diyan sa dorm at sa school. At saka miss ko na si..." "Miss mo ba talaga ako Rick?!" Naputol ang pagsasalita ko dahil sa tanong niya na patang naiirita na sa akin. Sabihin ko na ba? O wag na? O wag muna?

"Tanga! Si Jak ah syempre. Di kita miss jutay." Sabi ko at natahimik siya. Mas pinili kong wag. Muna. Wag munang sabihin sa kanya. "O paano, tawagan nalang kita bukas. Susunduin pa kita?" Tanong niya. "Oo ah." Sagot ko. At nagpaalam na kami sa isa't isa at pinata na namin ang aming mga telepono.

| Pagdating ko, gusto kitang yakapin ng mahigpit. Kaso wag na. Wag nalang. |

•••••

Vote!!! Hart hart

ALAPAAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon