❇ 18: R I C K ❇

5 0 0
                                    

   Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Jin mula nang malaman ko lahat. Ni hindi ko nga alam kung anong aastahin ko sa harap niya eh. Knowing na ako, na kaparehas niyang may bayag ang natitipuhan niya. Kalat sa buong univ na may nililigawan siya. Mabilis talaga kumalat pag sikat. Pero hindi nila alam na ako yun. Sa totoo lang, kinakabahan ako ngayon pero etong kasama ko, parang wala lang. Hayup.

   "Huy, ayos lang ba si bebe boii?" Tanong sa akin ni Jin habang naglalakad kami papunta sa susunod naming subject. Tumango lang ako bilang sagot kasi tangina ang awkward talaga sa part ko.

   "Naalala mo ba yung sinabi ko noon sa Mcdo na sana walang magbabago sa pagitan natin?" Tanong niya. "O-oo naman. Bakit?" Tanong ko na hindi nawawala ang hiya.

   "Mabuti, edi alisin mo na 'yang awkwardness sa pagitan natin. Nasasama ako." Natatawa niyang saad. Buti nalang at magaan ang pakiramdam ko sa kanya, kasi si Jin yan kaya medyo nawala yung hiya ko sa kanya.

   "Wag kang mahihiya, nanliligaw palang ako sayo. Paano na kung tayo na?" Bulong niya sa akin saby kindat. Alam kong ang cringy kung kayo ang nasa kalagayan ko pero uy, si Jin yan. Kaya di ko naiwasang kiligin. Pero sabi niya alisin ko daw yung hiya ko eto sampolan ko na ang gago.

   "Paano kung hindi kita sagutin?" Malamig kong biro sa kanya. Pero syempre, hindi magpapatinag ang mighty kambing.

   "You can't tell baby boii. Wala pang nangba-busted sa akin." Pagbalik niya sa akin. "Pero iba ako sa mga naging babae mo, baby boii." Diniinan ko yung 'baby boii' kahit nagbubulungan lang kami at natawa naman ang gago.

   "Tama ka." Pagpayag niya. "Kasi lalaki ka." Dagdag niya.

   "Pero hindi mo pa naman alam ang sagot ko dun sa liham mo di ba?"

3:00 pm

   "Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Tanong ko sa taong humihila sa akin patungo sa kung saan man. Hayup naman, uwing uwi na ako uy.

   "Sa lugar na lagi nating pinupuntahan." Aniya. "Ano ba yan, sawang sawa na ako sa Mcdo." Pinipilit kong bawiin yung kamay ko pero tuloy pa rin akong sumasama sa kanya. Muntanga. "Hindi doon." "Edi saan?"

   "Dito." At tumigil kami dito sa lugar na kung saan mas nakilala ko siya. Na kung saan, nakilala ko ang isa sa mga katauhan ni kambing. Sa hardin sa likod.

   Kung ikukumpara mo yung itsura nito noong huli naming punta, medyo mas malago na ang tubo ng mga halaman rito pero, wala pa ring taong pumupunta dito. Ayaw nilang pumunta rito kasi baka ang creepy sa paningin nila.

   Tsaka ko lang napansin na nauna nang umupo ang kambing sa damuhan at naglalabas na ng mga pagkain mula sa bag niya. Kaya pala medyo mainit yung bag niya kanina nung nagkaklase kami. Kasi puro pagkain ang laman.

   | Ibang klase talaga 'to mag effort sa taong mahal niya. At swerte na siguro kung tatawagin kasi ako yun. Yung mahal niya. |

   "Hoy, ano na? Halika na dito! Gutom ka na alam ko." Pagtawag sa'kin ni Jin upang samahan siyang umupo doon. Hindi na ako tatanggi kasi gutom naman talaga ako. Kaya pumunta nalang ako at naki upo.

   "Ano nanamang pakulo 'to?" Tanong ko sa kanya na na nilalantakan na ang burger na mukhang binili niya pa kay Aling Neneng sa labas ng gate na matagal tagal ko na ding hindi nabibili kasi na trauma ako dun. Ikaw ba naman ang kumain ng burger na may langaw. Puta lasap na lasap mo pa yung lutong ng langaw. Nireklamo ko pero siya pa yung nagalit. Edi binato ko sa kanya yung burger niya. De joke.

   "Date. Ikaw, at ako, magkasama." Prenteng sabi niya. At tumango tango nalang ako at inuna ko nalang yung barbeque. Natatakot akong kainin yung burger baka hindi na langaw ang sahog niya. Ew.

ALAPAAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon