❇ 15: R I C K ✖ G R E G ❇

23 1 0
                                    

• R I C K •

Martes . 4:30

Uwian na at inaya ko si Jin na kumain muna sa Mcdo. Gutom kasi ako. Halos di ako nakakin kaninang tanghali kasi kahapon pa di mapakali si Kambing. Nag aalala na ako sa kanya. Ano kasi eh. Natatae talaga 'to. May diarrhea ata siya. Kaya di ko maiwasang mangamba at mag alala sa kanya.

"Uy. Ok ka lang ba? Parang may sakit ka ngay?" Tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lang ito at tumango. "Oo. Ok lang ako." Sagot nito. Hindi sita nag order ng pagkain niya. Busog daw siya. Pero di naman siya nakakain kanina. Mukhang di lang diarrhea ang problema nito. May mas malalim pa. Ramdam ko. Di kasi siya ganyan eh. At ayoko ng ganitong Jin. "Tol. Kumain ka kaya. Di ka nakakain kanina eh." Pag anyaya ko sa kanya pero tumanggi ito. "Sige na. Libre nalang kita." Pangungumbinsi ko sa kanya pero ayaw niya talaga. "Hindi na. Salamat nalang." Aniya na may kasamang isang matamis na ngiti. Kung may pause button nga lang dito, matagal ko nang pinindot para manatili ang ngiting iyan ni Jin. Ngiting walang problema. Nag alalala talaga ako sa kambing na 'to pota. "Sure ka?" At tumango ito na parang bata. "Kasi naman. Nag aalala ako sayo brad. Mukha kang balisa. May problema ka?" Tanong ko sa kanya. "Wala nga. Ang kulit ng biik na 'to." Sagot niya. Tinayo ko naman ang gitnang daliri ko, ang aking hinpapakyu para saluduhan siya sa kanyang joke. Badtrip.

Parehas kaming tumatawa nang mapansin kong may hawak itong papel na nakatupi ng mga dalawang beses. Tinanong ko siya kung ano yun pero tinago niya lang ito sa bulsa ng polo niya. Naiintriga ako dun ah.

"Ano nga kasi yung papel na yun Jin?" Makulit kong tanong sa kanya. "Wala. Eme lang yun. Wag mo nang pansinin." Sagot niya pero di ako kumbinsado. "Jin..." Pagtawag ko sa atensyon niya. Tinignan naman ako nito diretso sa mata. "Yung totoo. Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya na hindi tinatanggal ang titig ko sa kanyang mata. "Oo nga. Pektusan kita you want?" Sabi nitong may halong panggagago.

| Kaya ako makulit kasi nag aalala ako sayo. Di ako sanay na ganyan ka. Ew ang bading. Pwe. |

Nagyaya siyang maglakad lakad muna sa mall. Pumayag naman ako para samahan siya. I think that's his way to think about his problems. Which happened right now. We keep on walking silently. Kung saan-saan na kami nakarating. Nabigyan na namin ng aming mga bakas ang bawat sulok ng mall pero tahimik pa rin siya. Hanggng sa napagod siya. Ako hindi ako napagod kasi pagod na pagod ako. Pero ok lang. Para rin lang sa kanya 'to. Para umayos na siya.

Umalis muna ako sa tabi niya para bumili ng ice cream para mahimasmasan siya at kahit saglit manlang, makglimutan niya mga problema niya.Malapit lang naman sa kinauupuan namin yung pwesto ng stall kaya mahahabol ko pa si Jin kung maisipan niyang tumalon. Nasa third floor kasi kami ng mall. Shet ano ba 'tong naisip ko. Penge ng kahoy kakatukin ko lang bilis.

Parehas kami ng gustong flavor ng ice cream ni Jin. Double Dutch at Strawberry, kaya yun ang binili ko. Sinabi ko kay ate tindera na ang lagkit ng tingin sa akin na pagsamahin nalang sa isang baso ang dalawang flavor ng ice cream. Medyo natrigger lang ako kasi yung tindera. Pabebe amp. Sarap dukutin yung mata at matres niya gamit yung pang scoop ng ice cream. Boset. Isang ngiti naman ang isinukli sa akin ni Kambing nang ibigay ko ang ice cream niya.

"Kambing." "Oh." Sagot niya. "Andito lang ako. Ilabas mo lang yang problema mo." Sabi ko sa kanya. "Paano ba yan. Ikaw mismo ang problema ko." Aniya. "Aba gago. Seryoso?" Gulat kong tanong. Ala seryoso?! ako? "Biro lang. Haha. Salamat po." Pagbawi niya sa sinabi niya. Gago nga talaga 'to.

Nang maubos namin ang napakasarap na sorbetes ay nagpasya na kaming umuwi. Hinatid niya pa rin ako sa likod ng mga problema niya. At isa pa. Para masaya akong uuwi kasi alam kong wala nanamang tao sa boarding namin. Para andito palang ako ay maibsan na ang lungkot na aking madarama. Pero mali ako. Nagulat ako nang makakita ako ng aso na nagluluto sa kusina at may kausap sa telepono. Shook is meh maygad.

• G R E G •

Masaya akong nagluluto ng pagkain namin ni Rick mamayang gabi. Wala lang. Gusto ko lang bumawi sa mga araw na dapat para sa kanya pero napunta kay Kate. Hindi ko talaga na manage yung time ko kaya kailangan kong bumawi sa kanya.

Sasaluhin ko na yung hinagis kong manok nang tumunog ang phone ko. Syempre nasalo ko muna bago ko tinignan kung sino yung tumatawag. Putspa ang galing talagang tumayming ni tadhana.

Si Kate. Siya yung tumatawag.

"Hello my sunshine!!" Pagbati ko. "Hi!! Um, pwede mo ba akong samahan?" Tanong nito sa akin. Shit. "Saan?" "Sa mall lang. May bibilhin ako eh. Pwede?" Anu na? Ano nang plano mo?

"Uy! Yung niluluto mo sunog na!" Napatingin ako sa taong sumigaw sa may pinto. Si Rick pala. Pinatay niya yung kalan at tumingin sa akin na may halong kaba. Ala sinong pipiliin ko? Ang mahal ko o ang bes ko? Hay bahala na. "Ah, sorry. Nag promise ako kay Rick na sabay kaming kakain eh. Alam mo na, bro time. Hehe." Sabi ko kay Kate at tumingin ako kay Rick na nakatitig sa manok. Abnoy talaga kahit kailan hays. "Ah. Ganon ba. Sige sige. Ok lang. Enjoy ka diyan my moonlight. Love you." Sabi ni Kate at nagbabay at nagsorry sa kanya.

"Hoy tama na ang kakatitig diyan sa manok. Di niya maibabalik ang dati, hays." Trip kong sabi kay Rick. Napatingin naman sa akin si Rick tsaka ngumisi.

"Kahit magluto ka pa ng maraming pagkain, hindi mo na maibabalik ang dati." Bulong niya pero medyo narinig ko. Konte lang. "Ano? Anong sabi ng biik?" Pabiro kong tanong sa kanya at pinakyuhan lang ako. Namiss ko 'to.

Sabay naming inayos yung nasunog na manok na niluluto ko kanina. Ilang beses niya din akong sinabihan ng tanga. Na inuna ko pa daw ang tawag kesa sa niluluto ko.

"Ikaw lang naman ang kakain niyan." Pang asar ko sa kanya habang tinatanggal ko yung nasunog na balat.

"Haha palibhasa kasi pussy lang ang kinakain mo. Pakboii amp yak." Pangbalik niya sa akin.  Virgin pa ako ano ba.

| Araw-araw sana tayong ganito. Pero di pwede. May Kate pa ako. Kailangan kong hatiin ang oras ko para sa inyong dalawa. |

Kahit sa pagkain namin, di nawala yung bangayan, asaran, batuhan ng tinidor at ng upuan. Pero syempre nakafocus si Rick sa masarap na luto ko. Masarap din kasi yung nagluto kaya masarap din yung luto. Nagtatawanan kami nang may siningit siyang tanong sa pagitan ng paghalakhak namin.

"Bat di mo sinamahan si Kate?" Tanong niya. "Wala. Ikaw kasi ang gusto kong samahan ngayon." Sagot ko na may kasamang kindat. Natigilan naman siya sa pagnguya ng kanyang kinakain matapos makita ang ginawa ko.

"Tanungin mo muna ako kung gusto kitang kasama." Malamig niyang tugon. Medyo nagulat din ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Matapos ko siyang anuhin nung isang araw, baka di pa siya ok.

Akmang tatanungin ko na dapat siya nang tumawa siya ng malakas. Gago 'to ah.

"Nakita mo lang sana yung mukha mo kanina. Putspa parang kang binuhusan ng linta ahaha." Natatawa niyang sabi. Hays, lakas talaga ng trip nito.

"Aba gago. Akala ko masasayang yung effort ko para makabawi sayo." "Ano?" Natigilan siya sa pagtawa. "B-bumabawi ka sa akin? Akala ko tapos na yung..." "Hindi pa. Pero sa totoo lang, bumabawi ako sa mga araw na wala ako sa tabi at harap mo. Bumabawi ako ngayon bilang si Greg, si Greg na wala pang Kate noon. Si Greg na bespren mo." Sabi ko sa kanya. Napangiti naman ito sa mga sinabi ko at tumango naman ito. "Salamat." Sincere niyang sabi. At tinapik ko ang kanyang balikat tsaka tinuloy ang pagkain.

•••••

Vote!! Hart hart

ALAPAAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon