Sa ilang linggong lumipas, ramdam kong, oo. Ako lang. Ramdam kong madaming nagbago. Oo. Mas madami pa kesa sa tsansa ko kay Greg. Lul.
As in. Marami talaga. Gaya ng mga ito. Palagi kaming magkasama ni Jin. Si Ice naman, nawala. Baka kinuha na ng mga taga ibang mundo. Haha. Pero busy pala siya. Busy ang mga Bio students kasi may inaasikaso pala silang mg plates. At eto ang matindi mga bes. Medyo lumayo na yung loob ko kay Greg, madalang na kaming mag usap ni Greg. Eh pa'no, ginawa niya nang planeta niya si Kate. Dun na siya nabubuhay. Di niya alam, may namamatay na sa sobrang sakit dahil sa kamanhidan niya. Ako yun. Pero nandito pa rin. Ramdam na ramdam ko pa rin.
"Ilang beses ko na kasing sinabi sayo, kaya ko naman ang sarili ko. Ayan. Nagsayang ka pa ng pampamasahe mo." Sabi ko kay Jin habang naglalakad kami sa pasilyo patungo sa silid namin. "Pang sampung beses ko nang sasabihin sayo 'to ah. Ok lang nga sa akin. At isa pa, ayos lang sa akin na gumastos. Basta alam kong ligtas ka." Aniya at sinundan niya ito ng kindat at nakakalokong tingin. May halong diri at flatterness (pag ka flatter. Di ko mahanap yung right term lol) yung nararamdaman ko sa loob ko. Diri kasi ang landi ng pota. Balita ko kasi may bago daw siya. Di ko alam kung sino kasi narinig ko lang sa mga babae sa university. Flatterness kasi isa siya sa mga nagparamdam sa akin na mahalaga sila at at least, meron. Talo niya pa si Greg hays. "Haynako. Ikaw bahala." Sagot ko nalang. Wala na akong magagawa. Last week niya pa 'to ginagawa sa akin. Di naman ako makapalag kasi ang lakas niya. Lakas in a way na makulit. Kaya sige nalang.
"O siya..." Hinarap ko siya. Andito na kami sa tapat ng room namin. "...Umuwi ka na." Sabi ko sa kanya at ngumiti. "Di talaga akong magsasawa sa mga ngiting 'yan." Aniya. Medyo nawala yung ngiting nakapinta sa mukha ko dahil base sa bises niya, seryoso siya dun. Di kaya... Hay. Ayokong isipin na may gusto siya sa akin. Una, kasi malabo. Tuwid yan. Pangalawa, yung sinabi ko kanina na may ano siya. Pangatlo, ayoko mag assume at di talaga pwede. Ano bang pumasok sa kokote ko't naisip ko 'yun? Tae.
"Wuy." Pagkuha niya sa atensyon ko. "Ah.. Oh? May sinabi ka?" Kunwari nalang di ko narinig yung sinabi niya. "Wala ka nanaman sa katinuan." Pailing iling niyang sabi na may halong ngiti. Ano bang nakakatawa sa akin? ANO. "Siya, alis na ako. Bye!!" Pagpapaalam niya nang hindi naiaalis ang ngiti sa mukha niya. Kumaway naman ako bilang sagot.
"Si Jin nanaman yun?" Bungad na tanong sa akin pagbukas ko ng pinto mula kay Greg. Tumango ako bilang sagot at umiling naman siya na may halong inis at pagkadismaya sa mukha. Simula nung hinahatid ako ni Jin dito sa boarding, palagi nalang masama ang timpla ni Greg.
Konting katahimikan ang namagitan sa amin at maya-maya pa'y lumabas si Greg. Di ko na tinanong kung saan siya pupunta. Baka kila Kate rin lang yan pupunta.
Hindi naman sa assuming ako ah, pero parang nagseselos si Greg kay Jin. Nagseselos as beshykapkeyk. Hindi dahil may gusto siya sa akin. Kasi wala naman talaga siyang feelings sa akin eh. Ang point ko, nagseselos siya as bes ko kasi madalang nalang kami mag usap.
Inopen ko yung messenger ko at tinignan kung active siya. At oo, active siya.
"Busy ka?" Tanong ko kay Ice thru chat. Maya-maya pa, nagreply siya. "Di na. Tapos ko na yung mga plates de puta ko. Yey. Btw, anong atin jollibee?" Animal. Di ako si Jollibee. Hays.
Me: Parang may nangyayaring kakaiba eh. Di ko alam pero ramdam ko.
Siya: Saan? Kanino? Bakit?
Me: Sa amin ni Greg.
Siya: Bakit? Mahal ka na ba niya?
Medyo napaisip ako. Sa tamang tao ko ba sasabihin? Ay. Di pala 'to tao. Alien pala 'to.
Me: Ganito kasu yun. Hinahatid ako ni Jin dito sa boarding. Isa pa yun. Tapos pag pasok ko, laging masama timpla niya. Parang nireregla ngay? Di naman sa ano ha pero parang nagseselos siya bilang bespren ko.
Siya: OMG. YAN NA ATA YUNG SIGN BEB.
Napakunot noo muna ako bago ko siya nireply'an.
Me: Sign? Anong sign?
Siya: Sign na nafafall na siya. Kasi, nagseselos siya kasi sa iba na nakatuon ang atensyon mo. Ang gusto niya, sa kanya lang. Sign na na fafall na siya sayo. OMG BEB MAY TSANSA KA NA.
Tanga ba 'to o ano? Hays.
Me: Bobits. As bestfriend nga di ba?
Siya: Saan ba nagsisimula ang love stories? Di ba bilang magkaibigan? Duh
Me: Ayan. Speaking of kaibigan, si Jin. Nyeta.
Siya: Si oppa? Bakit? Omg wag naman Rick. Ang isa para sa isa lang. Hindi sa dalawa.
Me: Alam ko. Sayo lang siya. Pero ano eh. Nagpapakita siya ng pangitain pero nilabel'an ko na yung mga yun bilang friend na concern.
At medyo nabobo naman ako sa reply niya.
Siya: Sayo na siya. May nabalitaan ako eh. May bago daw. Fuccboi ang animal. HAHAHA.
Sinineen ko nalang. Di ko kinaya yung trip niya. Ang lakas. Biglang sumakit ulo ko dahil dun. Itulog ko nalang 'to. Pero gutom pa ako. Bahala na. Tulog na.
2:30 am
Nagising ako dahil sa ring na nagmumula sa cellphone ko. May tumatawag. Ano ba yan hatinggabi na at may nag lakas loob pang gambalahin ako sa pagulog ko. Nang tignan ko kung sino, biglang nagising ang diwa ko. Napatingin ako sa kabilang kama, wala pang nakahiga dun.
Si Greg nga yung tumatawag.
"Hello. Asan ka ba? Gabi na uy." "Kate..." Sagot niya mula sa kabilang linya. Nasa espirito na siya ng alak. Lasing amputs. Kate? Ako? Ha! Malayong malayo. Kahit pala lasing ka si Kate pa rin ang nasa isip mo. Hays.
"Asan ka? Ba't ka lasing?" Tanong ko. "Di ako lasing. Nakainom lang. Sunduin mo ako my sunshine." Lakas nung my sunshine ah. Yak. "Saan?" Tanong ko at sinabi niya kung saan. Nasa bar pala siya malapit sa amin. Oo. Susunduin ko siya. Di kaya ng konsensya kong pabayaan taong yun. Ang bespren ko. Ang taong mahal ko. Kahit halos wala na siyang pake sa akin.
Tangina ang lamig sa labas. Ang creepy. Ang lamig na, wala pang katao tao kasi gabi na, isama mo pa yung mga asong tumatahol pag nakikita ako. Takot sa mga asong ganyan pero di ako takot kay Greg aso. Kasi mahal ko siya.
At sa wakas, narating ko din. Sarado na ito. Tumambad sa akin ang tulog na si Greg sa harap ng nasabing establisymento. Lasing na nga talaga ang hayop.
Nilapitan ko ito at umupo sa tabi niya upang gisingin siya. Kaso kahit anong yugyog, sigaw, suntok at sampal sa kanya, di siya magising. Kung halikan ko nalang kaya 'to. Ay. Wag. Baka may makakita sa akin at akalaing minomolestya ko 'to. No. Never. Baka kasuhan ako ng animal abuse. Mahirap na.
Ang sarap niyang irealtalk ngayon. Sakti lasing siya. Di naman niya maririnig to. Maiintindihan either kaya go.
"Alam mo, may isa akong pangarap na gustong gusto kong matupad." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan. Ayan na. Nakukuha ko na yung momentum ko para magdrama. "At syempre, kasama ka doon." Sabi ko habang nakatingin na sa kanya na nakadapa sa sahig. "Lilibutin natin ang mundo ng magkasama, pupunta tayo sa mga lugar na wala ni isa ang nakakakilala sa atin. Habang naglalakad tayo, magkahawak ang mga kamay natin, habang nakatingin sa alapaap."
"At yung mahalin mo ako." Sabi ko at napansin king nakatingin na ako sa kawalan. Nahawa ako kay Kambing haha. "Kaso malabo..." Tinignan ko ulit siya at napatingin naman ako sa mga bituin. Tangina ang kulit ng mata ko."Bestfriend mo lang ako."
"Puta ang daming drama. Lika na. Bubuhatin na kita. Iuuwi na kita para mas komportable yung hinihigaan mo."
•••••
Vote!! Hart hart
BINABASA MO ANG
ALAPAAP
Romance"Alam mo, may isa akong pangarap na gustong gusto kong matupad." "At syempre, kasama ka doon." "Lilibutin natin ang mundo ng magkasama..." "Pupunta tayo sa mga lugar na wala ni isa ang nakakakilala sa atin..." "Habang naglalakad tayo, magkahawak ang...