❇ 5: R I C K ❇

21 3 0
                                    

Isang linggo ang lumipas, naging normal naman ang takbo ng buhay namin ni Greg. Minsan, magkasama kami, minsan umaalis ako sa boarding, minsan siya naman. Kasama si Kate.

Hanggang sa bumalik na ang pinaka ayaw ko.

Ang pasukan. Pucha. Bukas na. Panibagong hell. Panibagong aasikasuhin. Hindi nalang si Greg ang poproblemahin ko. Ulit. Kundi mga tests, thesis at marami pa. Pero konting kembot nalang. Gagraduate na is me.

At tulad nanaman ng nakasanayan, ako nanaman mag-isang naiwan dito sa boarding. Umalis nanaman si aso. Kasama ang kanyang pinakamamahal na Kate. Pwe. Sanay naman akong mag-isa kaya immune na ako. Kaso masakit kasi yung taong mahal mo pa ang nang iiwan sayo. Sheda.

Nag tingin ako sa loob ng pwedeng pagka-abalahan at para matigil na din 'tong ka dramahan ko. Putangina ang drama ko naman na. Ganito pala kapag nagmamahal ka at sumusugal ka nang walang kasiguraduhan.

Nakita kong naka hanger yung uniform namin sa cabinet. Paplantsahin ko yung uniform ko. Pasukan na bukas kaya dapat mag handa na ako. Napatingin ako sa uniform ng aso. Mukhang wala  pa siyang planong plantsahin 'to. Happy go lucky talaga ang animal. Napangisi ako habang tinitignan iyon. Kinuha ko na din para ako na ang mag plantsa at para swag. Kaso may problema tayo mga bes.

Di ako masyadong magaling mag plantsa. Siya ang pinag paplantsa ko. Kahit ngayon man lang sana eh ako ang mag plantsa. Hays bahala na. Kinuha ko yung kabayo at ang plantsa para simulan ang ritwal.

| Di ako marunong mag plantsa pero gusto ko 'tong gawin para sayo. Gusto kitang pagsilbihan. Gano'n kita kamahal.|

Kinabukasan . 6:30 am

"Hoy. Aso. Gising na. Ano nang plano mo?" Nakaligo na ako't nakabihis na, tulog pa rin siya. Wala ba talaga 'tong planong bumangon? "Ang aga mo naman ata Rick." "Wow. Ang maaga pa ang 6:30 para sayo? Nimal may pasok na tayo." Nanlaki ang mata niya nang marinig nito ang mga sinabi ko. "SHIT OO NGA NO?" Sigaw niya at kinuha nito ang twalya niya sabay dumiretso sa banyo para maligo.

"Hoy mauuna na ako." Sigaw ko. Narinig naman niya siguro yun kaya sinigurado ko munang gwapo na ako at lumabas na ako ng aming silid.

Buti nalang maaga akong nakapag enroll dahil kung ngayon palang ako ma eenroll, siguro nakikipila palang ako dun.  Si Greg kaya? Nakapg enroll na kaya yun? Tanga kasi. Lumabas labas pa eh alam naman niyang may pasok kinabukasan. Ayun
Hinabol ang oras.

Bigla kong naalala yung mga meme na nabasa ko sa Filipino Tweets that Matter. HAHAHAHA si Greg mismo ang naiisip ko pag nakakabasa ako ng mga katangahan dun. Eh pa'no, parang siya mismo, a living meme. Lol.

Pero seryoso. Nakapag enroll na ba yung taeng yun? Buti nalang plinantsa ko yung uniporme niya dahil kung hindi, baka mas ma late pa siya.

Teka nga, ba't ba ako nag aalala sa kanya? Eh beshykapkeyk niya lang naman ako. Hays.

Naglalakad ako sa may hallway papunta sa unang silid na papasukin ko ng may umakbay sa akin.

"Wow. Nakahabol ka ah. Naka enroll ka na..." "Ops ops. Anong pinagsasabi mo?" Napatigil ako nang marinig ko ang nagsalita. Ang lamig ng boses. Kaso may halong fucboii. Ala shet. Hindi ito si Greg.

"Jin?" "Yes. The one and only. " sagot niya. Sabi na eh. "Sino bang akala mo? Si Greg?" Tanong niya sa akin. Di naman niya ako masisisi. Concern lang naman ako a hayop na yun kasi animal lover ako. Kaya nga minahal ko si Greg Aso di ba? Lol. "Haynako. Ba't kasi siya ang hinahanap mo eh andito naman ako?" Aniya. Tinulak ko siya ng bahagya para magkaroon kami ng konting espasyo sa gitna. Si Jin ang isa sa mga dahilan kung bakit naiihi ng di oras ang ibang babae dito sa campus. Looks, charm, wealth, lahat nasa kanya. Though isa din naman ako sa mga nag papaihi sa mga babae, at pati si Greg, oo. Heartthrob amputa. Iba pa rin yung kay Jin. Pero kahit may bahid ng pagka fucboii ang lalaking ito, nagiging plus points naman iyon sa kagwapuhan niya. In other terms, maginoo pero medyo bastos.

"Wag ka nga. Ang landi mo. Hindi lang pala babae ang nilalandi mo. Ew." Biro ko sa kanya. "Gago biro lang. Syempre dapat mag bes na tayo kasi magkasama tayo sa buong second sem..." Pinakita niya ang sched niya sa akin at oo nga. Magkasama kami sa lahat ng subjects. Hays. Si Greg kaya? Makakasama ko din kaya siya? "... Kaya we have to know each other well." Dagdag niya sabay ngiti at inakbayan ako. Mukhang tama siya. Para new friend nanaman.

12:30 pm

"Ang gago talaga ni Ma'am kanina. Di ko alam kung paano yun pero ako yung tinawag? Haynako." Reklamo niya habang kumakain kami sa may canteen. "Eh paano, natutulog ka sa klase niya." "Erds. Nakakaantok naman kasi." Aniya. Napailing nalang ako. Ganito pala 'tong taong 'to. Oo kilala ko siya. By name. At inexpect kong ganun siya kaya di na ako na shock. "Pero maiba ako. Nung kanina, nung simula palang ng klase, paano nalaman na magkasama tayo sa lahat ng subjects?" Tanong ko sa kanya. Saka ko lang din na realize. "Ah... Eh..." "Taba!" Rinig kong sigaw mula sa kalayuan. Kilala ko na kung sino yun. Siya lang naman ang nagtatawag sa akin ng 'taba' at siya lang ang 'aso' ko. Ang pinakamamahal kong 'aso.' Kaso, hindi ako ang pinakamamahal niya. Nakakatawa naman si aquoe. Hindi lang nakakatawa. Nakakaawa din. Iyak na si aquoe.

Umupo siya sa tabi ko at nagulat ako sa sumunod na eksena.

Niyakap niya ako. Ng napakahigpit.

Bumilis ang tibok ng puso ko...

Bumigat ang pakiramdaman at pag hinga ko...

Namumula at nag iinit ang mukha ko...

Pukang anak...

"U make layo bro. U baho. Ew." Nagpupumiglas ako sa pag yakap niya kasi parang napansin ni Jin yung pamumula ko. Kahit ayoko pang kumalas, kailangan. Kailangang itago. "Beshykapkeyk. Magkasama..." "Tayo?! Weh?! Patingin nga!" Nabigla ako ng sabihin niya ang katagang 'magkasama' pero wala namang kasiguraduhan. "Ano ka?! Magkasama kami ni Kate sa buong klase!" Parang akong sinaksak ng isang libong kutsilyo, direkta sa puso. Ang tanga ko din kasi. Nag expect ako eh may kaagaw pala ako. Hays.

Napangiti nalang ako ng may halong pait. Masaya ako para sa kanila. Pero sa loob loob ko, gusto kong magwala. Gusto kong manakal ng tao sa sobrang sakit.

"Ehem." Napatigin ako kay Jin na na OP sa amin. Ay oo nga pala. May kasama pala ako dito lol.

"Ay Greg, si Jin pala. Jin, si Greg. Kaklase ko sa lahat ng subjects ko." At nag-abot kamay silang dalawa. Wala namang kakaiba sa dalawa pero 'tong si Jin, parang beastmode. Pero kanina naman hindi.

"Patingin nga yung sched mo aso." At binigay naman niya sa akin. May isang subject siya na magkasama kami. Ako, si Greg, si Jin, at syempre. Di mawawala si Kate. Panira amputs.

"Ah Rick. Tara na. May next class pa tayo." Anyaya ni Jin. "Sama ko na 'tong si Greg." Sabi ko at binigyan nila akong dalawa ng 'bakit' look. "Ah kasi, kasama natin 'tong aso na 'to sa subject na yun kaya halika na." Hinila ko siya pero di pumayag ang asong ulol. Pa'no daw si Kate. Sabi ko itext niya nalang. At wala na siyang nagawa.

| Sana kung sinabi kong mahalin mo nalang ako, wag ka nang mag alinlangang gawin sa akin iyon. Kasi aalagaan kita. Habangbuhay. |

•••••

Vote!! Hart hart

ALAPAAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon