Umuwi akong may klaro, malinis at matinong sarili at pag iisip dahil sa wakas. Tapos na ang problema. Application nalang mga bes. Pero mag oobserve muna ako incase na may mga biglaang mangyayari, handa ako. Ngayon lang magiging boy scout. Di ako pinayagan ng lola ko at nanay ko. Ang OA nila noon sa akin nyeta.
Medyo masaya din ako kasi may ganon palang katangian yung kambing. Di ko inexpect na ganun pala ka talino yun. Kung ganon sana siya pag sa klase, nyeta magna cum laude na yun. At dahil dun, mas gumaan ang loob ko sa kanya. Pinakita niya sa akin na safe ako sa kanya. Na may tatlong Jin na magbabantay sa akin.
Binuksan ko ang pinto at sunod-sunod nang nangyari ang mga inaasahan ko.
"O ano? San ka dinala nun? Sa bar? Uminom ka?" Tanong ni Greg nang hindi tinatanggal ang tingin sa cellphone niya. Bwisit. "Dun lang kami. Sa university." Malamig kong sagot. "Weh. Baka naman tinakot ka niy..." "Hindi niya yun gagawin sa akin." Putol ko sa sinabi niya. Kabwisit talaga. Diretsahin mo na ako kung nagseselos ka o hindi. Hindi yung ang dami mong dada. Bismode na ako sayo ha. "Pero bat ka sumama sa kanya? Bat di mo binitawan yung kamay niya?" May halong asar na tanong niya. "Alangan naman na sayo eh may Kate ka na." Malamig ko pa ring sagot. "Rick. Di mo na ba ako susundin?" Tanong niya ulit sa akin. Bakit? Sinunod mo ba ako nung pinapatigil kita noon? Hindi di ba? "Rick naman..." Dagdag niya. "Di ba sabi ko wag kang lalapit kay Jin? Masamang tao yun. Pakboy siya. Di natin alam baka may pla..."" Hindi mo ba siya tatantanan Greg? " Inis kong tugon sa kanya. Kanina pa siya eh. Tapos na akong magbihis lahat lahat, siya pa rin ang ikinakukulo ng dugo niya. Wala namang kami. At di na ako hihiling na mangyari yun. Pero kung makaasta siya. Hay. Nyeta talaga. Punyeta. "Ni hindi mo nga alam kung sino talaga siya eh." Dagdag ko. "Eh yun na nga. Di natin alam kung sino talaga siya." Sumbat niya. "Natin? Ikaw lang. Kasama ko siya araw-araw. Lunes hanggang biyernes. Kaya alam ko kung sino siya, kung ano siya at kung ano ang tumatakbo sa utak niya. At base sa mga sinabi mo sa kanya Greg, mali lahat. Kasi di siya ganung tulad ng tao. Ibang iba siya." Sumbat ko "At isa pa, bakit? Siniraan ko ba si Kate sayo? Hindi di ba? Kasi di ko siya kilala. Kilala mo ba si Jin? Hindi. Kaya wag na wag mo siyang sisiraan." Dagdag ko at nagtalukbong na ng kumot para matulog at para di na ako kausapin pa ni Greg. Badtrip ako sa kanya. Ano yun? Sinisiraan niya si Jin para mapalayo ako sa kanya? Sorry siya. Kilalang kilala ko na si Jin. Mas kilala ko siya kesa sa pagkakakilala ko kay Greg na may mga iba pa akong di nalalaman sa kanya and vice versa. Pagod ako tapos ganito ang bubungad sa akin dito? Haynako. Matutulog nalang ako at hindi kakalimutan ang araw na ito. Bat niya ba 'to ginagawa sa akin? Siniraan niya ang taong nakakikilala kung sino talaga ako maliban kay Ice. Ang taong nandiyan para tulungan ako. Hindi ko nga siniraan si Kate eh. Naging mabait pa ako sa kanya. Hindi naman sa tularan ako ni aso. Respeto lang sana.
| Sinira mo ang tiwala ko sayo. Nagbago ka na. Sobra. Mas mabuti pa ngang lumayo na ako sayo bago mo pa masaktan ang mga kaibigan ko. Ako? Nasaktan mo na. Matagal na. |
Kinabukasan . Sabado . 7:00 am
Nagising ako dahil sa bango at sarap ng naaamoy ko. Shet abot dito yung amoy ng niluluto sa kabilang room. Di pala ako nag hapunan. Gutom na ako.
Pero mali ako. Hindi pala sa kabilang room yung naaamoy ko. Galing pala dito mismo sa amin. Nagluluto siya. Narinig ko pa ngang napasigaw siya ng konte. Natalsikan ata ng mantika. Shunga at its finest din 'to eh. Nyeta. At mukhang masarap yung niluluto niya. Gising na ako at gutom pero tinatamad pa akong bumangon lalo na kung bubungad sayo ang taong nang beastmode sayo kagabi. Kabwisit talaga.
"Gising ka na pala." Napatingin ako sa taong nasa may pinto ng kwarto namin. Wewzi. Gandang bungad sa umaga. Bollshet. Naka boxer at apron lang siya. Walang pang itaas. Kung siya nagka sakit, tatawanan at hahampasin ko siya. Hype eh. Inuna pang mag pa impress. At mukhang gusto ko naman. Tanga. Ayaw mo niyan di ba? Ulul.
"Di pa. Tulog pa siguro ako no?" Pagbabara ko sa kanya. Napangiti nalang 'to at saka ako nilapitan sa kama ko. "Lika na. Sabay na tayong kumain." Pag anyaya niya. Hinawakan niya ang kamay ko ata napatingin naman ako doon. Siya din. Mukhang parehas kami ng iniisip ngayon. Mali 'to. Maling mali. At bigla kaming nagkatinginan. Mata sa mata. Tila nanghahalina ito. Mapang akit. Pilit akong hinihigop. Pero tangina mga bes. Mali 'to.
Walang anu-ano'y binawi ko agad ang kamay ko't napatingin sa ibang direksyon. Siya din. Sa iba nakatingin. Ano ba.
"Ah... Una na ako dun sa kusina. Su-sunod ka nalang." Sabi niya na may kasamang pag kamot ng ulo niya sa baba. Joke. Ulo niya taas at naglakad na patungo sa kusina.
Pagdating ko kusina, (parang ang lawak naman ng boarding namin. Eh ilang hakbang lang kusina na lol) nakahanda na ang pagkain. Anong meron at nag eeffort 'to? Pambawi? Pang sorry? Lol ang drama naman ng asong 'to. Shet ang daming chibog bes. Kaya di na ako nagsayang ng oras. Lafang na! Woot woot.
Habang kumakain, di ko maiwasang mapatingin kay Greg na nakatingin din sa akin na bakas ang tuwa sa kanyang mukha. Nyeta oo mukha akong baboy pag kumain pero bawing bawi naman ako sa workout. Duh. "Namiss ko yang mukha mo pag kumakain." Sabi niya out of nowhere. Ano daw? Shet. Hypothalamus. Don't play with me right now. Please. Oketnana hard. Ayan kasi. Alis pa ha? Wag mo akong alalahanin ha? Tanga ka din kasi. Tanga. "Ulul wag mo akong microhin. Wala kang mapapala sa akin." Walang gana kong sagot sa kanya. Nasa pagkain ang focus ko kaya shatap bruh. I'm busy. Natawa nalang siya sa sinabi ko at itinuloy ang pagkain niya.
"Ah Rick. Sorry pala sa nasabi ko kagabi. Nadala lang ako." Sabi niya ilang minuto ang lumipas. "Tama ka. Di ko nga kilala si Jin kaya wala akong karapatang husgahan siya." Dagdag niya. Waw. Ang bilis niyang narealize na mali siya. Sana ganyan kabilis mo ding narealize na nandito lang ako. Nagmamahal sayo. Noon. Oo. Noon. Kasi wala, binale wala mo na ako. Ulul ka kasi. Hype. "Wala yun. Ok na ako dun." Sabi ko coldly kahit kanina ko pa siya gustong batukan at saksakin ng gamit kong tinidor.
| Sorry. Game over. You can't mess up with me starting today. I don't give a fuck. Bye. |
Lunes . 2:30 pm
Di ko talaga alam kung anong trip ni aso nung sabado at kahapon. Alam niyo yung parang batang may nagawang kasalanan kaya nagpapakabait? Ganon yung nakikita ko sa kanya. Ang bait niya eh. Gaya kahapon. Umalis siya. Sabi niya saglit lang siya. Akala ko di nanaman siya tutupad sa pangako niya pero tumupad ang ungas, may dala pang pasalubong. Fries at Mc Flurry. Kilig ako pero sabi ni brain wag daw kaya wag nalang. Tinanong ko siya kung anong meron at ganun siya. Ngumiti lang siya. Di ko gets. Nakakabobo ngay. Haynako. Sarap manghila ng intestine ng tao nung time na yun hays.
Ngayon naman, etong si Jin the Mighty Kambing naman ang prinoproblema ko. Kanina pa ano eh. Parang kinakabahan na parang may naglalabang something sa loob niya. Kasi kanina, nakikita ko siyang umiiling iling eh di ko naman siya kinakausap. Tapos maya't maya ang pagsapo niya sa ulo niya. Jusq malayo pa naman kami sa Mental. Kinakabahan ako sa kanya mga bes. Baka ngay nababaliw na 'tong kambing na 'to.
At dahil wala naman kaming klase, andito kami sa garden. Naka upo sa bench. Ganun pa rin si Jin. Pero ngayon di ko nalang pinapansin para magmukha siyang tanga. Ala ang mean ko talaga. Ahwahwahwahwa. Nyeta.
Nagbabasa ako ng libro nang mapansin kong nakatitig siya sa akin. Lt kasi mukha talaga siyang natatae ngay. Kinakabahan siya na ewan. Muntanga talaga lol.
"La. Mahulog ka sa akin." Biro ko sa kanya para naman mabawasbawasan yung kaba niya. Pero baka maka tae siya pag pinatawa ko siya. Shet kadiri amp hahaha.
"Sabihin mo lang kung natatae ka. Samahan kita sa cr. Ako ang look out mo." Biro ko kunwari sa kanya pero seryoso ako dun. Baka nahihiya lang siyang magyaya kaya kanina pa siya ganyan. "Ulul. Pakyu. Di ako natatae." Sabi niya. "Eh. Edi anong nangyayari sayo? Mukha kang tanga sa totoo lang." "Wala. Wala 'to. Kausap ko sarili ko." Tumango tango na parang naniniwala ako sa kanya. Sa isip ko talaga, natatae 'to. Nahihiya lang.
Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Nag mununi muni siguro siya at iniisip kung tatae na ba siya o pipigilan niya nalang at sa bahay na nila magbobomba.
"Ah Rick." Napatingin ako sa kanya nang tawagin niya ang aking ngalan. "Sana sa mga susunod na araw, walang magbabago sa friendship natin ha. Kung meron man, sana positive ito. Hindi negative." Aniya. "Oo naman. Ikaw pa." Sagot ko at ngumiti naman siya.
Tama ata ako. Tatae ata talaga siya.
•••••
Vote!! Hart hart
BINABASA MO ANG
ALAPAAP
Romance"Alam mo, may isa akong pangarap na gustong gusto kong matupad." "At syempre, kasama ka doon." "Lilibutin natin ang mundo ng magkasama..." "Pupunta tayo sa mga lugar na wala ni isa ang nakakakilala sa atin..." "Habang naglalakad tayo, magkahawak ang...