× Etong part na 'to eh yung nasa garden si Rick at Jin. Hart. ×
"Hindi natin alam kung kailan at kanino natin makikita ang sinasabi nilang love." Tama. Hindi natin alam, bukas, sa susunod na linggo, sa susunod na buwan, o sa susunod na taon natin mararamdam. Malay natin, nasa tabi mo na pala ang taong mamahalin mo.
Alas tres na ng hapon at andito kami ni Rick sa garden. Buti pa siya nakaidlip. Ba't ako naiinggit? Eh kanina pa ako sa klase natutulog lol. Bobits brad hays. Habang nakatingin ulit ako sa kawalan, oo. Mahilig akong tumitig sa kawalan. Di ko din alam. Habang nakatingin ulit sa kawalan, may mga babaeng lumalapit sa amin. Kinakausap kami pero tinitipid ko ng sagot na nagiging dahilan upang umalis sila agad. Ayoko kasing may gumagambala sa pagtulog ni Rick at sa date namin. Teka teka lang ha? Date? Kami ni Rick? Ano? Wrong mga bes. Hindi yung mga sinabi ko kanina yung mali. Kundi yung nararamdaman ko. Tangina naman o.
Alam kong mali 'to. Straight kaming dalawa. Ay. Siya lang pala. Straight siya. At may mahal siyang iba. Kaso ang mahal niya, may mahal na iba. Haynako Jin. Alam mo na ngang mali pero imbes na layuan mo na siya eh eto. Gumawa ka pa ng paraan para mas mapalapit ka sa kanya.
Wala eh. Minahal ko na siya ng dalawang taon. Mahiral nang kalimutan ang isang Rick Veneracion.
Tama. Gumawa ako ng paraan para mapalapit pa sa kanya. Kinontsaba ko si Madam para parehas kami ni Rick ng sched. At tama ulit. Dalawang taon na akong may lihim na pagmamahal kay Rick. Alam kong mali. Gumagawa na ako ng paraan para lumayo ang loob ko sa kanya. Naging malapit ako sa babae, madami na akong nakarelasyon, tinagurian na akong fucboii ng ibang mag aaral dito pero wag ka, virgin pa 'to. Lul. pero di ko pa rin siya maalis sa isip ko. Punyeta.
Habang mahimbing na natutulog si Rick, lumabas muna ako para bumili sa Mcdo. Tatawid ka lang naman, mcdo na. Habang naglalakad patungo sa gate ng university, napag desisyunan kong mas mag effort pa para kay Rick at hihintayin ang tamang panahon para magtapat sa kanya. Im ready to take the risk. Joke. 80-20. 80 na sure, 20 na hindi. Bahala na. Bibili ako ng paborito niyang Coke Float, Fries at Mc Flurry para pag gising niya, may kakainin siya. Di lang naman siya ang bibilhan ko, ako din. Yung sarili ko din.
Pagbalik ko sa garden bitbit ang mga binili with love, naks. Gising na ang aking mahal na prinsipe. Ang cute niya lang kasi parang siyang bata na may hinahanap at parang nawawala. Hahaha kita mo na, kahit sa pinakasimplenvmg ginagawa ng taong 'to, mas nahuhulog ako sa kanya. Hay. Ano bang meron sayo Rick at hindi ako nakapumiglas?
"Gising ka na pala." Napalingon siya nbg marinig niya ang aking tinig. Ilang segundong titigan ang namagitan sa amin kasi parang may iniisip siya.
"Para sayo pala." Inabot ko sa kanya yung binili ko para sa kanya. Obviously, nagustuhan niya. Parang nag twinkle yung mata niya nung makita niya yun eh. Ang cute lang parang bata. Haha "Salamat. Ikaw ngay?" Tanong niya. "Syempre. Meron. Paborito ko 'to eh." Sagot ko sabay pakita sa kanya yung isang plastic. "Eh. Gaya gaya ng paborito." Aniya na parang nagtatampo. Tangina pangatlo, ang cute niya.
"Weh." Tanong ko sa kanya at inumpisahan ko nang inumin yung float. "Oo nga. Duh." Sagot niya. "Akalain mo yun." Umiiling iling kong sabi sa kanya. "Baka nakatadhana tayo sa isa't isa." Banggit ko sa kanya. Para sa kanya, joke lang yun pero para sa akin, i swear, I mean it. "Ulul. Walang ganyan." Kontra niya. Medyo nawala yung tuwa ko. Bitter amputs hays "Nagmahal ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo. On the process." Confident niyang sabi. At alam kong si Kate yun. Hindi ako. Kasi mukhang malabong mahalin niya din ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. "Minahal ka na ba?" Sasagot na sana siya pero napatigil siya kasi parang may navtatalo sa isip niya. "Sagot." "H-hindi pa." Sagot niya Napailing nalang ako sa sagot niya. Rick, andito naman ako. Naghahanap ka pa sa tabi tabi eh katabi mo na ang tang kaya lang mdhalin ng buong buo. "Haynako. Rick, marami pang babae diyan. Hindi lang naman si Kate ang babae dito uy." Sabi ko sa kanya. Kunwari straight muna tayo sa minutong iyon mga brad para di siya makahalata. May binulong pa siya pero di ko lubos na naintindihan kung ano yun kaya pabayaan nalang natin.
Konteng katahimikan muna ang pumalit sa ingay na nailikha namin kanina.
"Bakit kaya tayo nagmamahal sa taong di natin sigurado?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin muli sa kawalan. "Para sumaya." Tipid niyang sagot. Busyng kumakain eh. Haha takaw. Kaya ang taba taba niya. "Kahit masakit?" Napatigil siya sa pagkain nang marinig niya ang sinabi ko. Tagos ba? Sa akin din. Ramdam ko hbggang sa buto ko.
"Kahit masakit? Oo. Kahit sobrang sakit na. Kahit halos isubsob na ang mukha mo sa lupa. Mas pipiliin kong mag stay. Kahit may mahal siyang iba. We have to endure the pain para malasap natin ang inaasam nating kasarapan." Sabi niya at medyo napatigil siya na parang kinakausap niya ang sarili niya. Eto ba ang epekto ng kursong Psychology sa kanya? Bat sa akin wala? Ay. Baka yung pagtitig ko sa kawalan. Hahaha. Fact about him. Mahilig siyang kausapin ang sarili niya.
"Pero sigurado ka bang may kaakibat na kasiyahan yun? Pa'no kung mas masasaktan ka lang pala?" Tanong ko sa kanya. Bakas sa mukha niya na ntataranta na siya sa sobrang dami ng tanong ko sa kanya. Haha
"Hindi ko din alam. All we have to do is stay. Hanggang kaya mo pa. Hintayin natin ang sagot. Kung sarap ba o pait." Sagot niya at sinabayan iyon ng ngiting napakapait. Tagos nga mga brad. Sorry Rick. Eto lang ang naiiisip kong paraan para matauhan ka na.
"Tangina naiiyak ako. Kaso lalaki ako. Maton ata 'to kaya walang iiyak." Sabi niya. Naiiyak na siya. Hala. Sorry. "Tanga. Mas masakit kung ikikimkim mo lang yan. Iiyak mo. Ilabas mo." Kumento ko at inakbayan siya. "Kanino? Sayo?" Tanong niya sa kanya at tumango naman ako bilang sagot. "Pwede. Basta. Kahit anong mangyari..." Lumipat ako ng pwesto. Mula sa tabi niya, lumpiat ako sa harap niya't hinawakan ang balikat niya. "...Andito lang ako. Kasama mo." Dagdag ko. Ngumiti nalang muli ito at muking nilantakan ang mga binigay kong mga pagkain.
Alas sais na pala ng hapon. Hindi na kami pumasok sa pang alas singko naming klase. Ok lang sa akin. Kasama ko kasi siya. At sana, hindi sana, at alam kong mauulit 'to.
|Itigil mo na yan. Hindi mo siya maaabot. May mahal na siyang iba. Andito naman ako. Mamahalin kita at ituturing kitang isang prinsesa kahit alam kong isa kang prinsipe.|
•••••
Vote!! Hart Hart
BINABASA MO ANG
ALAPAAP
Romance"Alam mo, may isa akong pangarap na gustong gusto kong matupad." "At syempre, kasama ka doon." "Lilibutin natin ang mundo ng magkasama..." "Pupunta tayo sa mga lugar na wala ni isa ang nakakakilala sa atin..." "Habang naglalakad tayo, magkahawak ang...