• R I C K •
7:00 pm
Kaya pala maaga palang, niyaya niya na akong lumabas. Kaya pala noong mga nakaraang araw, mukha siyang kabado, balisa at natatae. Kaya pala tinanong niya sa akin kung anong bulaklak ang gusto ko. Kaya pala iniwan niya ako doon kanina. Kaya pala ginawa niya yun, dahil pala para sa akin iyon.
Di ko alam kung kikiligin ako o maiinis o maaawa sa ginawa niya. Kikiligin kasi ako ang napili niyang pag effortan at pagsilbihan. Maiinis kasi baka mamaya trip nanaman niya 'to. Maaawa kasi di ako sigurado kung mahuhulog ba ako sa kanya, kung papayag ba ako, kung masusuklian ko yung inalok niya sa aking pagmamahal.
Hindi ko alam. Mas gumulo yung isip ko. Mas gumulo ngayon ngayon lang.
Paulit-ulit ko nang binabasa yung liham na binigay ni kambing sa akin. May mga ibang katagang tumatak sa isip ko at nagpaniwalang totoo ang lahat. Totoo ang nararamdaman niya, yung mga sinabi niya, yung desisyon niya. Oo, anytime pwede na akong pumayag kasi gwapo naman siya, matalino (minsan hindi), mabait (madalas hindi). Pero knowing his past experiences. Na fvckboii siya noon, player, heartbreaker, bigla nalang aatras yung desisyon mo, yung modesty mo na magiging doubt kung totoo nga.
"To my humble, jolly and cute Rick,
Unang pagkakakilala ko sa sarili ko ay straight ako. Na sa babae lang ako papatol. Na di ano. Pero 2nd year ng college. Nung nakita kita, parang bigla mong pinasuka lahat ng sinabi ko sa sarili ko noon. Parang buglang umatras yung ego ko.
Akala ko sa sarili ko noon, kaya ganun ang nararamdaman ko sayo ay dahil gusto lang kitang tikman. Na gusto ko lang kakaiba na kalaro. But knowing you more, parang biglang nag iba ang nakita at naramdaman ko. No, i don't want to mess and fuck up with you. Di na pala kita gusto. Mahal na pala kita.
I really love your everything. Every little thing that made me fall in love to you. You made me realize sort of things. To my life to be general. You made me realize that what I did in the past was wrong. Lahat. Mali pala lahat. Ikaw mismo ang nag ilaw sa aking madilim na daan. You are my hero. My savior. And that's why I really love you.
Di ko alam kung paano ko sisimulan ang panliligaw ko sayo. Alam kong kakakilala lang natin this sem, at wala pa akong halos alam sayo. At alam kong isa akong malaking tanga dahil sinama kita sa paghanap ng mga bagau na gusto mo. Wala eh, sabi nga nila, kung mahal mo, gagawin mo ang lahat, mapasaya mo lang siya.
Alam kong loyal ka sa nararamdaman mo sa kanya. Alam kong baka di ko mapantayan ang pagmamahal mo sa kanya. Baka mas matimbang pa rin siya. Pero sana, sana payagan mo ako. I will not promise but I will do my best to love you. Papantayan ko, ay hindi. Hihigitan ko pa ang pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya. Ipapakita ko sayo na ibang iba talaga ang power ng taong nagmamahal sayo. Na may taong naghintay na mapalapit sayo noon, ay sa wakas. Andito na sa tabi mo.
Yes. I might be the most handsome, the hottest and deadly bachelor in our university. Pero nawala yan dahil sayo. Binago mo ako. You gave my anima some strength to love someone, na kaparehas ko ng kasarian.
Thank you Rick. Sana umoo ka. Ahihi. -Jin : ))
P.S. Gayshit gago ahahaha"
Putangina sino bang di kikiligin kung galing din naman sa puso ang mga pinagsasabi? Pero ang gago at the same time kasi si Jin yun eh. Taong may iba't ibang personality.
Teka, pa'no kung malaman 'to ni Greg? Paano kung magbago yung tingin niya sa akin? Puta ba't ko ba siya naisingit dito? Ang gulo naaaa
• J I N •
11:30 pm
Kinakabahan ako, at natutuwa at the same time dahil sa wakas, kumapal na ang mukha ko para magtapat kay Rick. Pero paano kung di siya pumayag? Paano kung umayaw siya?
Gusto ko siyang makasama hanggang mapunta ako sa life after death. Gusto kong gumawa ng maraming memories kasama siya. Gusto ko, siya lang ang mahalin ko araw araw. Pero paano kung di siya pumayag?
Paano kung mas nanaig ang pagmamahal niya kay Greg? Kay Greg na di manlang pinapahalagahan ang pagmamahal na pilit binabato ni Rick sa kanya?
Halos pang sampung beses ko nang iniisip ang mga bagay bagay na iyan. Nakakatawa lang na isipin dahil nagpaplano na ako sa future namin ni Rick, pero, di ko pa naman alam kung papayag ba siya o hindi. Ni hindi nga ako sigurado kung magagawa kong paalisin si Greg sa isip at puso niya. Na kung kaya kong ipalit ang sarili ko at piliting ipagkasya ang aking sarili sa puwang na iniwan nito.
Grabe, mas nakakakaba pa 'tong pinasok ko kesa sa defense. Di ko talaga alam kung anong magiging kalalabasan nito. Pero sabi nga nila di ba;
"Kung mahal mo, dapat handa ka sa lahat. Sa resulta, sa gastos, sa pag unawa, kung di ito maguhustuhan, sa mga consequences, sa lahat. Lahat mismo, at the same time."
Oo, handa naman ako kung sakaling humindi siya. Pero hindi ako handa sa mga kung ano mang mangyayari sa akin matapos iyon. Handa din naman ako kung umoo siya. Pero sabi nga sa kanta;
"We don't have to find a set up where someone wins and someone loses."
Hindi sa lahat ng bagay, nananalo ka. We just have to keep our feet on the ground. The best in here is that, we did our best. And we should be ashamed of that. We are very capable of doing this, to try everything. Kaya ok lang ang sumubok. Ayos lang ang sumugal. Pero tangina lang talaga. Nag cocontradict yung thoughts ko kasi yun nga, ayos lang sumugal pero tae naman. Pagod ka na pero ayos lang? Gaguhan naman ata 'to eh. Pero damn, kung kay Rick lang naman, ayos lang sumugal at lumaban kahit walang kasiguraduhan. Kaya kailangan mo lang maniwala.
Pero puta talaga mga brad. Paano ko lalamangan ang power of besties gamit ang aking power of a true and changed man. Wewzi pawerrr
•••••
Vote!! Hart hart!!
BINABASA MO ANG
ALAPAAP
Romans"Alam mo, may isa akong pangarap na gustong gusto kong matupad." "At syempre, kasama ka doon." "Lilibutin natin ang mundo ng magkasama..." "Pupunta tayo sa mga lugar na wala ni isa ang nakakakilala sa atin..." "Habang naglalakad tayo, magkahawak ang...