❇ 11: R I C K ❇

26 1 0
                                    

Dati kaming mag bestfriend. Hanggang ngayon naman lol. Kami yung tipong hindi mapaghiwalay, laging magkasama, at parang magkapatid na. Kambal tuko nga ang tawag sa amin noon eh. Lagi kaming magkasama sa lahat. Maliban tuwing may klase. Sa mall, sa campus pag lunch, tuwing free time at pag uwian, sa outing, at kahit saan. Inseparable kami. Together forever. Di matibagtinag. And because of that, since lagi naman kaming magkasama, we decided to board a room. Kasi gusto naming magkasama sa iisang bubong. Para masubukan naming maging independent. Kahit malapit lang yung bahay niya, pinaglaban niya ako. Na gusto niya akong makasama. At out of nowhere, bigla nalang akong nahulog sa kanya.

Naging masaya naman kami. Siya yung taga luto, ako yung taga kain at taga hugas, kami ang naglilinis at naglalaba. Di ko alam kung bakit nga ako nahulog sa kanya. At patuloy na nahuhulog sa kanya. Kahit nga sa simpleng titig niya lang sa akin, sa pagkanta niya sa harapan ko na inaakala kong hinaharana niya ako, at sa pag bubusog sa akin dahil sa sarap ng luto niya. Nahuhulog na ako.

Nagulat nalang ako ng isang araw, bigla niya nalang akong niyakap at biglang umiyak sa balikat ko. Unang beses kong nakitang umiyak siya. At malapitan pa. Puta— mukha siyang asong di pinakain ng amo niya. Hahahaha. "Uy. Anong meron? Ba't ka umiiyak? Di ba maton tayo? Kaya wag kang umiyak nyeta. Ang pangit mo." Sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang likod para mapatahan siya. "Tangina neto. Ang gwapo ko kaya." Pagtanggi nito habang tumutulo ang kayang sipon at luha na napupunta na sa sando ko. Kahit kailan talaga dugyot ang gago. "Bat ka nga umiiyak." Inaalog alog ko ang kanyang balikat. Kumalma naman ang iyakin. "Ano kasi, nakaidlip ako kanina. Tapos napanaginipan kita. Shit Rick ang pangit ng nangyari sayo brad." At niyakap niya ako ulit. Pero mas mahigpit na kesa kanina. "Ayokong mawala ka sa akin. Hindi ko alam kung gaano ka kahalaga sa akin." Sabi niya. Kunwari wala lang sa akin pero deep inside, kinikilig ako. Ngayon alam ko na. Na mahalaga ako sa kanya. Na di ko na siya gusto. Na mahal ko na siya. Dito ko napagdesisyunan na ipaglalaban ko siya. Hanggang sa masabi ko na sa kanya at sa buong mundo na mahal ko siya. Pero biglang nag iba ang ihip ng hangin ng dumating siya.

Biglang pumasok sa eksena si Kate. Di ko nga alam kung saan siya nanggaling eh. Bigla nalang siyang nagpakita sa harap ko. Kasama siya. Doon ko nalang nalaman na nililigawan niya na pala si Kate. Syempre masakit. May ibang mahal ang mahal mo eh. Pero wala akong magagawa. Iba ang bestfriend sa mahal eh. Pero dapat ako yun.

Di naman ako nagselos o nagalit noon. Nung simula palang. Andun pa rin naman yung time niya para sa akin. Pero mas madami na ang oras noya kay Kate kesa sa akin. Nagseselos? Oo ah. Ako ang nauna sa kanya. Pero iba naman ang tinitibok ng puso niya. Minsan nga ipinagdadasal ko na sana hindi siya ang tinitibok ng puso ni Kate. Na sana ma busted siya. Pero mukhang di sang ayon sa akin ang nasa taas. Kasi kabaliktaran ang nangyari. Mas naging sweet sila sa isa't isa. Natatakot na ako na baka mawalan na siya ng oras sa akin. Na mapupunta kay Kate lahat ng oras niya.

Tama bang ipaglaban ko siya? Tama bang manatili ako sa nararamdaman ko? Kahit na unti-unti na akong nasasaktan? Do I have to endure the pain soon?

At ayun nga. Nangyari nga. Nangyari nga ang kinakatakutan ko. Nawalan na siya ng oras sa akin. Napunta na kay Kate lahat ng oras niya. Habang ako? Ayun. Naiwan nang mag isa. Nagbago agad siya real quick. Sabi niya sa akin na mahalaga ako sa kanya. Anong nangyari? Ayun. Si Kate na ang mahalaga sa kanya. Sabi niya noon na wag ko siyang iwan. Tama. Di ko siya iniwan. Pero siya naman ang nangiwan sa akin. Di ko siya iiwan kasi di pa tapos ang laban. Di ko pa sinimulan ang paglaban ko para sa kanya. Ang pagtiis ko sa pagbale wala niya sa akin. Lalaban ako. Kahit masakit na.

Nangyari ang mga yan two years ago. Pinagdesisyunan kong lumaban two years ago. Pero walang nangyari. Walang nagbago. Palagi siyang nagsosorry sa akin. Dahil iniiwan niya ako. Dahil wala na daw siyang oras sa akin. Pero ginagawa pa rin niya. Sanay naman na ako. Hanggang sa dumating si Jin. Siya ang pumuna sa mga pagkukulang ni Greg bilang bestfriend ko. To be honest, kakakilala lang namin sa isa't isa pero parang ilang taon na kamong magkasama. Na magkakilala. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Mas prefer ko nang makasama siya palagi kahit saan. Kahit famous amputs. Kahit badboy siya. Alam kong safe ako. Kasi handa daw siyang bantayan ako. Nakakadiri pero na appreciate ko. Pero sa unti-unting paglapit ng loob ko kay Jin, siya namang paglayo ko kay Greg. Hindi ko gusto 'to. In a way na masasayang yung apat na taon na pagsasama namin ng ganun kabilis. Kung usapang feelings, ayun. Keep holding on. We have to endure the pain. Yung pag uusap naman namin ang unti-unting nawawala. Hindi siya, hindi ako, hindi kami mismo.

Pero lahat naman ng bagay may hangganan di ba. Maliban sa pamamahalan ng dalawa. Nimal. Di matitibag. Always and forever na ata 'tong dalawa eh. Nyeta sarap batuhin ng ampalaya. Lahat naman ng tao napapagod. I think I should stop this joke and let it go.

Pagod na ako. Pagod na akong intindihin siya. Pagod na akong hanapin ang oras ko para sa kanya. Pagod na ako magpanggap na masaya ako para sa kanila. Pagod na akong magpakatanga. Pagod na akong mahalin siya ng palihim. Pagod na akong tumayo dito. Pagod na pagod na ako. Nasasaktan na ako. As in. Masakit na masakit na. Siguro eto yung advantage ng pagtago ko sa nararamdaman ko sa kanya. Yung wala akong masasali sa sakit na nararamdaman ko. Kung masali ko man siya
Sa dramang ito, like I care bitch. Binale wala niya ako. Binale wala niya yung kaibigan niyang nadito lang para sa kanya. Na naaalala niya lang kung mag isa siya o kung bored siya. Ang kaibigan niyang dalawang taong hinanap ang oras na dapat sa kanya. Ako na nagtiis, napagod na. Palihim ko siyang minahal pero gago ang insensitive niya. Ay. Di naman ako nagpakita ng sinyales sa kanya kaya pabayaan ko nalang. Kahit masakit.  Papabayaan ko na siya. Siya na ang bahala sa sarili niya. Siya naman ang maghanap ng oras at pake ko sa kanya. Dalawang taon akong natiis.

Oras na para itapon ang ininvest at tinago kong feelings sa kanya. Ako naman ang manggugol ng oras sa iba. At ikaw naman ang maghahanap ng oras ko. Pakyu ka bahala ka na diyan.

•••••
Vote!! Hart hart

ALAPAAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon