❇19: G R E G ❇

8 0 0
                                    

   "Ano 'yun?" Tanong ko sa sarili ko nang may nakita akong isang munting papel na nasa mesa ni Rick. Kukunin ko lang dapat yung mga basura niya kasi ngayon yung schedule ng garbage collector. Eh, iba pal ang mahahanap ko dito. May pagka chismoso ako, hindi ko na itatago. Wala eh, makulit lang talaga ang kamay ko.

   Binuksan ko ang nasabing papel at binasa ang laman nun. Medyo nagulat ako sa laman. Hindi lang sa laman, pati na rin sa may-ari nito at sa nagbigay nito. Teka, totoo ba 'to?

   Si Jin, liligawan si Rick? Huh? Teka teka. Edi, bakla si Jin? Tapos, bakla din si Rick? Uy, hindi ah. Kasama ko si Rick na mag hunting ng chix noon eh.

   Pero, sabi nga nila, people change.

   Pero hindi ko naman alam kung pumayag si Rick o hindi. Gago, naniniwala akong straight ang bespren ko kaya alam kong hindi yun papayag. Baka nga sugatan na ang pagmumukha ng Jin na yun eh.

   'Sure kang straight siya?' Munting bulong ng aking isip. Oo, straight nga siya. Bespren ko...  Bigla akong napatigil.

   Bespren ko nga siya. Pero hindi naman siya ang kasama ko palagi. Ni hindi ko na nga alam kung ano nang nangyayari sa kanya, kung kamusta na siya. Oo, nakabawi ako sa mga oras na hindi ko siya kasama. Pero yung loob niya? Hindi na. Ok naman kami sa totoo lang. Pero hindi na ganoong ka ok gaya noon. Mas lumayo na ang loob niya sa akin. Masakit. Pero wala eh, kasalanan ko. Kaya dapat lang sa akin 'to.

   Pero wala namang mawawala kung tatanong ko siya ngayon kung kamusta siya di ba? Makikibalita. Oh, edi susubukan kong bawiin yung loob niya. Na ibalik yung dating loob niya. Yung hindi awkward, yung hindi cold. Yung parang dati.

  Pero baka naman trip lang 'to ni Jin. Kasi etong si Jin, minsan ko nang nakasama yan at malakas talaga ang topak niyan. Iba ang takbo ng isip. Maraming nakabaong kalokohan.

   Pero may nasagap ako, ang alam namin, may bagong chix si Jin. Pero hindi namin alam kung chix ba talaga.

   Hindi kaya, si Rick iyon? Pukang ama naman oh. Iba talaga pag tsismoso. Maraming nasasagap. Haynako.

  "Huy, bitawan mo nga yan!" Biglang takbo ni Rick mula sa pinto ng kanyang silid sabay hablot sa papel na hawak ko lang kanina. "Bakit ka ba nandito? Ano bang ginagawa mo dito? Wala dito yung FHM mo uy." Aniya. Oo nga pala. Nawawala din yun. Saan ko ba huling nilagay?

   "Hindi..." Nagkakamot ng ulo kong sabi. "Kukunin ko dapat yung basura mo, pero mukhang iba yung nakita ko." Dagdag ko.

   "Ba't yan? Napagtripan ka nanaman ni Jin?" Nagloloko kong tanong kay Rick. "Ulul, hindi." "So totoo 'yan." Natigil siya sa pagbibihis ng bitawan ko ang mga katagang iyon. Napatingin naman siya sa akin na parang kinakabahan. Ilang segundong titigan pa lang ang naganap ay bigla siyang kumalas.

   "H-ha? Ano yun? Baka ikaw haha." Halata sa kanyang pananalita ang kaba at taranta.  Mukhang tama ang mga hula ko.

   "Pero ano bang laman niyang papel?" Tanong ko ulit sa kanya. Medyo matagal pa bago ako nakakuha ng sagot sa kanya. Pustahan tayo, magsisinungaling ang gago. "Ah, eto? Mga formula lang 'to sa math. D-di ba? May test tayo sa math next meeting." Sabi na eh.

   "Rick..." Napatingin siya sa akin na may nakapintang ngiting kabado. "Di mo bagay magsinungaling." At napayuko siya.

   "Alam ko naman na eh..." Bigla siyang tumingala at tumingin sa akin na ang mga kamay ay nasa baywang at naka arko ang mga braso. "Alam kong may nililigawan 'daw' si Jin. Ang di lang namin alam, kung sino. Kung lalaki o babae." "Oh, ngayon?" Sabi ni Rick na medyo nahihiya. "Ngayon, gusto kong malaman kung ikaw ba 'yun."

   Hindi agad ako nakakuha ng sagot mula sa kanya. Tahimik siya pero bakas sa mukha niya ang pag aalinlangan. Yung parang may gusto siyang sabihin pero may pumipigil sa kanya. Na parang may tinatago. Well, ayos lang naman sa akin kung ano ang sagot niya. Syempre, bilang lalaki, mabibigla ako. Pero di sa kanya, na baka gahasain niya ako. Ulul iba si Rick. Parehas lang kami ng laki ng putotoy, seryoso. At natatakot ako para sa kanya kasi Jin yun eh. Baka may ano.

   "Umoo ka?" Tanong ko ulit sa kanya, pero seryoso ako. At tumango siya ng dahan dahan. Kahit kailan, pabebe 'tong isang 'to. "Eh ba't ang tagal mong sumagot eh oo rin lang naman pala?" "Nahihiya ako." Nahihiya? Saan?

   "Ba't ka naman mahihiya?" Tanong ko sa kanya na nakaupo pa rin sa kama niya. "Lalaki ka. Malay ko ba, baka homophobic ka." Natawa naman ako sa sagot niya. Puta laptrip mga brad kasi hindi naman makitid ang utak ko. May mga kamag-anak akong miyembro ng LGBTQ community kaya wala nang kaso sa akin yung mga ganitong bagay.

   "Naalala mo si Tito Luy at tsaka si Ate Weng?" Tumango siya bilang sagot. "Ulol paano ako magiging homophobic kung meron sila sa buhay ko, shunga." Sinipa niya ako mula sa kinatatayuan ko. Tinatanggal ko yung tension sa pagitan namin para naman magaan.

   "Rick..." Umupo ako sa gilid niya't inakbayan siya. "Ayos lang naman sa akin na ganun ka eh. Pero sana, di mo nalang tinago. Matatanggap naman kita eh. Ako ang unang tatanggap sayo maging sino at ano ka man. Kung papaputol mo man yan, kung magpapalagay ka ng dibdib, ok lang..." "Tarantado di ganun yun. May gusto pa rin ako sa babae." Pagputol niya sa pangaral ko sa kanya. Tumawa muna kami saglit tsaka ko tinuloy ito. "Syempre, beshywap kita kaya tanggap na tanggap kita." Tuloy ko. Pansin ko ang pamumula niya. Baka siguro yun sa mga comfort words ko sa kanya. Or baka dahil sa kagwapuhan at kakisigan ng taong nakaakbay sa kanya.

   "Ang kinakatakot ko lang..." Tinanggal ko ang pagkakaakbay sa kanya at hinarap siya sa akin. Nakaukit na muli sa kanyang pisngi ang ngiti na nagsasabing 'komportable na ako.' Ayan, nababawi ko na siguro yung tiwala niya sa akin. Sino bang hindi? Sincere na ako sa mga pinagsasabi ko dito, mula sa puso 'to boii. Handa akong lumambot, para sa bespren ko.

   "Baka kung ano ang gawin sayo ni Jin. Knowing his past, syempre, hindi ko maiwasang mangamba..." "Kaya ko naman sarili ko eh. Ako nang bahala dun." Sabi niya. "Alam ko, pero eto ah, payo ko sayo. Kung alam mong may mali na, wag ka nang magdalawang isip na lumayo." Advice ko sa kanya. "I know right." Sagot naman niya. Medyo malambot yung pagkasabi niya. Ayos lang sa akin. Alam ko naman na may pusong maton pa rin 'to.

   "At syempre, kung sasaktan ka niya, andito lang ako, handa akong makipag basagan ng mukha at ng buto, maipagtanggol lang ang nag iisa kong beshywaps." At mas namula naman siya. Dahil sa kilig siguro. Tinitigan ko siya sa mata, at siya din, tinitigan ako pabalik. Oops. Ba't parang ang awkward.

   "May gumalaw." Sabi ni Rick. Sabay kaming napatingin sa baba, shet.

   Kumilos ng di kaaya aya si Jun.

   "Wag ako ulol. Lalaki pa rin ako. Kaya pa rin kitang sapakin at itapon sa bintana." Gago.

•••••

Vote!! Hart hart!!

ALAPAAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon