Napagdesisyunan ko po na dito na lang din ilagay ang edited version at huwag na i-publish as another book. Pero yung Simula ay ganun pa rin, wala po akong binago doon. Sa mga susunod na kabanata na po ang edited. Mas marami na pong chapter ang gagawin ko at mas maayos na. Enjoy!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Warning: Might contains descriptions you might find uncomfortable and inappropriate.
Kabanata 1
Black
"Aia, ready ka na ba sa performance mo?" tanong ni Madam Sofia na nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Nakaupo ako sa tapat ng vanity table dito sa dressing room kasama ang iba ko pang kasamahan na nagsisilagay ng make-up sa kanilang mukha dahil sila ang susunod na sasayaw sa stage at ang iba naman ay naghahanda bago puntahan ang kliyente nila sa kwarto ng mga ito para magbigay aliw ngayong gabi.
"Opo, Madam."
Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Suot ko ang makintab na kulay pulang backless dress na hanggang kalahati ng hita lamang ang haba, ang mukha ko ay nilagyan ko ng makapal na make-up na babagay pa rin sa kutis porselana kong balat na laging kinaiinggitan ng iba kahit pa ang kaibigan kong si Lorie at Penny. Ang buhok ko naman ay malinis na nakapusod at nagtira lamang ako ng ilang hibla ng buhok sa harapan ng mukha.
Sa isang tingin ay mukhang sanay na ako sa ganitong trabaho ngunit kahit kailan ay hindi ako masasanay sa ganitong uri ng trabaho ngunit ito lang paraan upang mabuhay kami ng kapatid ko ngayon.
Lumabas na ako ng dressing room at pumunta sa backstage at sakto namang sinasabi na ng emcee na may susunod nang performance. Nagsipalak-pakan ang mga tao at yun ang signal ko na dapat na akong pumunta sa stage.
Kasabay ng mabagal ngunit mapang-akit kong paglalakad papunta sa gitna ng maliit na entablado ay ang pagsisimula ng mabagal na ritmo ng kanta na umaalingawngaw sa apat na sulok ng bar. Nang makarating sa gitna ay mabagal kong pinadusdos ang kamay sa pole at kasabay nito ang pag-ikot ko sa gitna nito. Hinayaan kong sumabay ang aking katawan sa mabagal na ritmo. Habang nakahawak pa rin sa pole ay iginalaw ko ang baywang ko mula sa magkabilang gilid at gumiling pababa. Bumitaw ako sa pole at dahan-dahang humiga sa sahig paharap sa mga nanunuod. Itinaas ko ang aking binti dahilan ng pag-anagat ng maikli kong damit at makita ang suot kong underwear sa loob. Dahil doon ay naghiyawan ang mga tao sa bar. Mas lalong naghiyawan ang mga ito nang iposisyon ko ang mga binti ng paletrang-V at iginalaw ang katawan pataas baba.
Katulad ng inaasahan ay mayroong mga naghagis ng pera sa stage pero mamaya ko pa iyon pwedeng kuhanin.
Dahan-dahan akong tumayo at muling gumiling sa pole. Sandali kong ipinikit ang aking mata at inisip na lamang na kaunting sakripisyo ko lamang ito para kay Miggy, ang kapatid ko.
Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ng mga lalaking nanunuod sa akin ngayon habang tinutungga ang mga alak na nasa mesa nila. Iginala ko ang aking paningin at sandaling napatigil sa pares ng matang seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko maaninag ng maayos ang kanyang mukha dahil nasa madilim na parte siya ng bar malapit na pintuan at may suot pa itong cap na mukhang kulay itim. Nakatayo lamang ito at hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya. Ngunit kahit madilim ay kitang-kita ko ang pagtitig niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit sa sandaling iyon na nagkatitigan kami ay tila ba nagkaroon ako kakaibang naramdaman. Parang napakamisteryoso niyang lalaki.
Hindi ko namalayan na tapos na pala ang oras ng performance ko. Hinanap ko ang pares ng matang nakita ko kanina ngunit hindi ko na nakita pa ito.
Inalis ko na lang ang lalaki sa isipan at pinulot na ang mga libo-libong pera na inihagis sa akin kanina at dumiretso na sa dressing room para makapagpalit na ng damit.
Ipinatong ko muna ang mga pera sa gilid ng table at sinimulang tanggalin ang make-up ko. Habang ginagawa iyon ay pumasok sina Lorrie at Penny na tumatawa-tawa pa.
Nabitawan ko ang hawak na bulak nang biglang dakutin ni Lorrie ang isa kong dibdib. Tinampal ko ang kamay niya ngunit tumawa lamang siya na sinabayan pa ni Penny.
"Grabe talaga ang alindog mo, Aia. Ang dami mo na namang nabinggwit na pera sa pagsasayaw. Kaya pala lumulusog." sabi niya sabay nguso sa dibdib ko. Halata kasi ang laki ng dibdib ko lalo na ngayon sa suot ko.
Napatawa na lang ako sa kalokohan niya. Ewan ko ba kung bakit siya naiinggit, malaki rin naman ang kanya.
"Oo nga. Ang lakas mo mang-akit! Putspa parang natitibo na ata ako sayo, bes." saad naman ni Penny na sinabayan pa ng malakas na hampas sa likod ko at humalakhak.
"Penny naman!" saway ko nang mapaubo dahil sa hampas niya. Ang bigat talaga ng kamay niya!
"Ay sorry naman!" sabi niya pero tumaatwa pa rin naman.
"Pero seryoso, ang galing mo kanina. Iyan ba ang hindi sanay? Ha?" sabi naman ni Lorie.
Pinagpatuloy ko muna ang pagtagnggal sa make-up ko bago sumagot.
"Kailangan kong magmukhang sanay dahil kung hindi, baka matagal na kaming namatay sa gutom ni Miggy."
"Hayaan mo, kapag nakapag-ipon na tayo ng mas malaking pera, aalis na tayo rito. Bagong-buhay na prends!" sabi ni Lorie at inakbayan kaming dalawa ni Penny.
Kahit ayaw ko sa trabahong ito ay masaya ako na nakilala ko sila Penny at Lorie dito sa bar. Dahil bukod kay Miggy ay sila na lang nagpapagaan ng buhay ko.
Nauna na akong umuwi dahil paniguradong hinahanp na ako ni Miggy. Sa tuwing may trabaho ako ay iniiwan ko muna siya sa kapitbahay namin.
Habang tinatahak ko ang madilim na eskinita papunta sa tirahan namin ay may naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon-lingon sa paligid at nagbabakasaling may makitang tao ngunit wala naman.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad dahil baka guni-guni ko lang iyon.
Nang makarating na sa eskinita namin ay kinuha ko muna si Miggy sa kapitbahay at saka kami umuwi. Inilapag ko muna si Miggy sa lumang sofa namin para maisara ng maayos ang pinto ngunit bago ko pa tuluyang maisara ang pinto ay nakita ko ang isang pigura ng lalaki na nakasuot ng itim na damit, cap at faded jeans na mabilis na tumalikod nang makitang sumilip ako sa labas ng pintuan.
Sino ang lalaking iyon? Sinunda niya ba ako? At bakit parang pamilyar ito?
BINABASA MO ANG
The Light in the Darkness
Fanfiction[STATUS: COMPLETED] Living in the dark reality, as what she call it, Aia spent her life working as a dancer in a club to sustain their everyday needs. But the day finally came where her eagerness to find the light, which is the key to exit her dark...