Kabanata 8

177 7 0
                                    

Kabanata 8

Truth



                                                                                                                                                                  February 10, 1998


Kanina ay nagkita ulit kami ni Philip. Katulad nang nakagawian ay nag-book siya ng kwaro sa hotel kung saan ako nagtatrabaho bilang janitress at itetext niya sa akin ang room number niya. Sa ganoong paraan lang kami nagiging malaya kung kaya't minsan ay nadadala sa bugso ng damdamin. Alam kong maling gawin iyon lalo na't hindi pa naman kami kasal pero ganun namin kamahal ang isa't isa. Handa kong ibigay ang lahat sa kanya hadlangan man kami ng mga tao sa paligid namin at kahit ang magkaibang estado ng buhay namin ay hindi magiging hadlang. 


Pero laking gulat ko nang sabihin sa akin ni Philip kanina na nais siyang ipakasal ng kanyang mga magulang kay Eleanor Angeles. Ngunit nangako naman siya sa akin na hinding-hindi siya papayag sa kasunduang kasal na iyon dahil ako lang mahal niya at ako ang pakakasalan niya. At dahil malaki ang tiwala ko kay Philip ay hindi ko iyon inisip masyado dahil sigurado akong gagawa ng paraan si Philip para hindi matuloy ang kasal nila Eleanor. 





                                                                                                                                                                  February 20, 1998


Labis ang saya ko ngayong araw na ito dahil nalaman kong... buntis ako! Magkakaanak na kami ni Philip. Nang kompirmahin ng doktor sa amin ang balitang iyon ay muntik niya nang ipagsigawan sa labas na magiging ama na siya. Mabuti na lang ay napigilan ko kung hindi ay malalagot kaming dalawa. Hindi ko akalain na tatlong linggo na pala akong may dala sa sinapupunan ko. Kaninang umaga kasi ay agad akong naduwal at nakaramdam ng hilo. Tiwagan ko si Philip na puntahan ako sa apartment na tinitirhan ko at dahil agad niya akong dinala sa ospital ay nalaman nga namin na nagdadalang-tao na ako. Kanina ko lang din naisip na halos tatlong linggo na pala akong hindi dinadalawan kung hindi pa iyon tinanong sa akin ng doktor kanina.   


Sa sobrang saya niya pa kanina ay ngayon na raw ang tamang oras upang ipakilala ako sa mga magulang niya na agad kong hindi sinangayunan. Mas lalo kaming malalagot sa mga magulang niya kapag nalaman nilang may anak na kami ni Philip. Sa akin pa nga lang ay tutol na sila paano pa ngayon na magkakaanak na ako? Kaya't sinabi kong itago muna namin ang lahat at humanap na lamang ng tyempo kahit na sa tingin ko ay walang magandang tyempo para sabihing ang katotohanan sa mga magulang niya. Tutol man ay wala namang nagawa si Philip. Narito siya sa apartment ko buong araw dahil ayaw niya kaming maiwan ng anak ko. 





                                                                                                                                                                 February 21, 1998

The Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon