Kabanata 9

165 7 0
                                    

Kabanata 9
Speech

"Are you ready?"

Napalingon ako kay Ali na nasa likuran ko. Tiningnan ko siya sa repleksyon ng salamin. Napaka-gwapo niya ngayon. Di tulad noong una ko siyang nakita, ngayon ay nakasuot na siya ng isang itim na tuxedo at bagay na bagay iyon sa kanya. Mas lalong na-depina ang ganda ng katawan niya.

"Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magagawa ko ba talaga ito."

Ngayon na ang gabi na ipapakilala ako bilang Thraia Gabriella Fortunato sa harap ng maraming tao. At ngayon ko din makikilala ang mga taong naging parte ng buhay ng aking ama.

Nang matapos kong basahin ang diary ni mama ay halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko alam na ganun kahirap ang pinagdaanan niya para lang sa akin at dahil yun sa mga taong humadlang sa pag-iibigan nila ni Papa na para bang napakalaking kasalanan na magmahalan silang dalawa.

Sinabi ko iyon kay Ali at agad naman silang pagpakita ng mga ebidensya. Mga pictures ni mama at ni Mr. Fortunato noong mga dalaga't-binata pa sila. Kitang-kitang ang kislap sa kanilang mga mata kahit na sa picture lang. Halatang masaya sila sa tuwing magkasama silang dalawa. At ang sabi ni Kajik, malapit na raw matapos yung pagpapagawa sa bagong birth certificate ko kung saan Fortunato na ang apilyido ko.

Si Ivo Mercadejas daw ang nag-ayos nitong party na gaganapin ngayong gabi. Isa siya sa mga matalik na kaibigan ni Mr. Fortunato, ni papa at siya lang ang natatanging pinagkakatiwalaan nito kahit na hindi pa sila ganung katagal na magkakilala dahil nakikitaw daw ni Papa ang sarili niya sa kanya ayon sa kwento ni Ali.

Nabigla nga ako ng sabihin nilang ngayong gabi na agad ako ipapakilala samantalang noong isang araw lang naman ako natagpuan. Para sa akin ay masyadong mabilis ang mga pangyayari ngunit matagal na raw kasi itong pinaghahandaan kaya mabilis natapos ang preparasyon.

"Don't worry, we'll be always at your side. I'll be always here to help you." biglang sabi ni Ali sa likod ko.

At hindi ko alam kung bakit lagi akong namumula sa tuwing nandiyan siya. Siguro naiilang ako sa kanya. Medyo nakakaintimidate kasi ang presensiya niya di tulad ng dalawa niyang pinsan na mukhang maloko.

Pinili ko na lang na ibahin ang usapan.

"Ah wala ka bang trabaho ngayon? Kayo nila Kajik at Zamiel? Baka kailangan kayo sa quarter niyo ngayon?" tanong ko. Bigla kong naalala na sa NBI nga pala sila nagtratrabaho at baka um-absent pa ang mga ito para lang bantayan ako.

"Here being with you tonight is also part of our job, Aia. We're here to protect you."

"Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa inyo. Thank you, Ali." saad ko at binigyan siya ng ngiti.

Hindi agad ito nakasagot at nanatiling nakatitig sa akin. Ilang minuto pa bago ito nagsalita at saka nag-iwas ng tingin.

"Hindi mo na kailangan magpasalamat. Trabaho namin iyon."
sagot niya.

"Iintayin na lang kita sa labas." saad nito at akmang lalabas na ng kwarto. Hawak niya na ang doorknob ng muli siyang magsalita.

"And I forgot to tell you, you look stunning tonight." at agad na siyang lumabas ng kwarto.

Naramdaman ko na lang na bumilis ang tibok ng puso ko.





"Wala ka na bang naiwan, Ms. Aia?" tanong ni Kajik. Nasa loob na kami ng kotse at paalis na. Si Kajik ang mag-dradrive. Si Zamiel ang nasa passenger's seat at katabi ko ulit si Ali dito sa backseat. Nasa magkabilang dulo kami nakaupo.

The Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon