Kabanata 6
Present
"Hmmm?"
Kinapa-kapa ko ang gilid ko. Ang malambot na kama agad ang naramdaman ko pagkagising. Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga.
Nasaan ako!?
Ilang minuto pa bago ko maalala ang lahat ng nangyari kagabi.
Pagkatapos kong sumayaw kagabi ay biglang dumating si Lorie at sinabing parating na ang NBI. Hinila niya ko palabas pero nabitawan niya rin ako kalaunan. Nakita ko si Penny na hinahanap ako. Hanggang sa may pumulupot na braso sa bewang ko at tinakpan ang bibig ko. Bigla niya kong binuhat at isinakay sa kotse kung saan may dalawa pa siyang kasama na nasa loob nito. At tinawag nila akong Ms. Fortunato. Ang apelyidong nakasulat sa likod ng picture at ang sinabi ni Lynea.
Ibig sabihin ay may alam tungkol sa tunay na pagkatao ko ang mga lalaking kumuha sa akin ngayon...
Pero sino sila?
Kinapa-kapa ko ang sarili ko. Iba na ang suot kong damit! Naka-puting t-shirt na ako ngayon na hanggang tuhod ang haba. Halatang lalaki ang may-ari nitong damit. Sinilip ko ang loob ng suot kong damit. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang suot ko pa rin naman ang suot ko kagabi. Pinatong lamang ang puting t-shirt sa akin.
"Anong plano mo, Ali?" narinig kong tinig ng isang hindi pamilyar na lalaki.
"Of course I'll tell her about her father and her inheritance of the company as soon as it can be." sagot ng isa pang tinig.
Teka... iyong boses na yun... pamilyar.
P-pero yung sinabi niya... Ibig sabihin ay...
Lumabas ako ng kwarto at agad tumambad sa akin ang tatlong lalaki na kasama ko kagabi sa kotse. Yung lalaking nag-drive kagabi ay nakaupo sa may one-seater na sofa. Yung nasa passenger's seat ay nasa may kitchen counter, may hawak na baso ng tubig at yung lalaking kumuha sa akin, sa may mahabang sofa nakaupo. At lahat sila, topless.
Tila ba nagka-amnesia ako dahil sa nakita ko. Umagang-umaga ay nagkakasala na ang mata ko!
Nakakailang. Masyado nilang binabalandra ang kanilang katawan. Pero, aaminin ko, ang ganda ng katawan nila. Puro sila may biceps at may six-pack abs na nakaukit sa kanilang tiyan.
Ano ba naman, Aia! Na-kidnap ka na nga, katawan pa rin nila iniisip mo?!
Nang makita nila ako ay agad silang nagsuot ng kanya-kanya nilang t-shirt na nasa tabi lang nila. Bakit ba kasi hindi iyon sinuot kanina pa.
"Good Morning, Ms. Aia!" bati ng isa. May nakakalokong ngiti sa labi.
"Did you rest well?" masiglang tanong ng isa pang lalaki.
BINABASA MO ANG
The Light in the Darkness
Fanfiction[STATUS: COMPLETED] Living in the dark reality, as what she call it, Aia spent her life working as a dancer in a club to sustain their everyday needs. But the day finally came where her eagerness to find the light, which is the key to exit her dark...