Kabanata 10: Part 1

163 7 0
                                    

Part 1:
Pool

Ibinigay sa akin ni Ivo ang mikropono para magsalita.

"Uh, Ivo. Kailangan bang english?" nahihiyang tanong ko. Natawa naman ito at umiling. Napatingin ako kay Ali. Nakakunot na ang noo nito ngayon na tila ba nagtataka sa kung anong sinabi ko kay Ivo.

"Kung saan ka komportable. Bahala ka." sagot ni Ivo. Tumango ako bago muling ibinaling ang tingin sa harapan.

Marunong naman akong mag-english. Hindi sa nagmamayabang pero hindi man ako nakapag-tapos, simula elmentarya pa lang naman ay ako ang top 1 sa klase. Hindi nga lang ako nakatungtong ng college kahit isang beses. Kaso lang, kinakabahan ako dahil baka magkamali ako. Hindi naman nila sinabi na kailangan ko pa palang magsalita sa harapan! Hindi ako ready!

"G-good evening to all of you." panimula ko. Nanahimik ang mga tao at nakinig nang mabuti. Pagsamantala muna akong tumigil at inisip ang mga sasabihin ko. Okay lang naman siguro kahit maikli?

"As the only child of Mr. Philip Martin Fortunato, uh my father, I will do all I can to keep the company a successful one just like what he did before he passed away. I will not put all your hopes down. Thank you for all those people who believes on my strength as I accept the challenge to take over the place of my father in his company. I can't assure you that I'll be like my father but one thing is for sure that I can assure you, I will do all my best as I can. And for those people who doesn't believe on me, I will prove you wrong and I will show you the best out of me. Thank you for listening to me. Again, thank you and have a good night."

Pagkatapos kong magsalita ay malakas na palakpakan ang narinig ko. Ang ibang guest ay nagsitayuan pa. Hindi ko akalain na mairaraos ko ang speech ko. Buti na lang at hindi ako nautal o nagkamali. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga sinabi ko. Kusa na lang iyong lumabas sa bibig ko.

Bumaba ako ng stage at sinalubong ni Ali. Nakangiti na ulit siya ngayon di katulad kanina. Ginawaran ko siya ng matamis na ngiti.

"That's a short but wonderful speech Ms. Thraia. We're so happy to meet you." narinig kong saad ng emcee. Narito na ulit kami sa table namin.

"Ang galing-galing mo talaga Aia! Bestfriend talaga kita!" saad ni Penny. Kahit kailan talaga ang ingay niyang babae.

"Ano ka ba, Penny. Kanina ka pa." saway ko.

"Hoy! Totoo naman eh!" sabi niya. Natawa silang lahat sa sinabi niya. Natawa na lang din ako.

Pagkatapos ng oras para kumain ay marami agad ang lumapit sa akin para magpakilala. Ang iba'y business man at ang ilan ay mga mayayamang pamilya pero hindi kasama sa mundo ng business. Mga kakilala siguro ni papa.

Kakaalis lang ng isang matandang chinese tycoon na kaibigan ni papa ng may lumapit muli sa akin na pamilyar na babae. Nang tuluyang makalapit ay naalala ko na siya, si Lynea. Kung ngayon ko lamang siya nakita ay iisipin kong mabait siya dahil sa maamong mukha pero hindi dahil naipakita niya na sa akin noon ang totoo niyang ugali. Bumagay sa kanya ang suot niyang blue dress na hapit sa katawan niya. Kitang-kita tuloy ang kurba ng katawan niya. May kasama siyang sa tingin ko'y nasa middle 40's na babae. Kamukha niya ito kaya sa tingin ko'y siya ang nanay nung babae.

Nang makalapit ay bineso niya ako. Ganun rin ang ginawa ng nanay niya sa akin. Narinig ko ang pagtikhim ni Ali sa tabi ko. Napa-ismid naman si Ivo pati sila Kajik at Zamiel.

"Hi, Thraia. I'm glad to meet you. By the way, I'm Lynea Angeles." pagpapakilala niya at inilahad ang kanyang kamay. Mukhang wala ata siyang balak na sabihing nagkita na kami dati noong nag-aapply ako ng trabaho.

Hindi man sigurado sa gusto niyang mangyari ay inabot ko pa rin ito. Naramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi iyon nahahalata ng iba. At siya naman ay nakangiti pa rin at hindi pinapahalata sa iba na hinihigpitan niya ang pagkakawak sa kamay ko.

Minasahe ko ang kamay ko pagkatapos niya itong bitawan. Nakangiti pa rin ito nang malapad.

"And I am her mother, Eleanor Angeles. Nice to meet you." pagpapakilala naman ng nanay niya.

Tumango na lang ako. Napatingin muli ako kay Lynea na ngayon ay nakatingin na kay Ali.

"Hi Ali. I'm sorry, ngayon lang kita napansin." saad nito at hinalikan si Ali sa pisngi.

Napasimangot ako sa inis. Dahil ba kanina sa paraan ng paghawak niya sa kamay ko o dahil hinalikan niya si Ali? Ito namang si Ali hinayaan lang. Wala man lang siyang reaksyon.

Pagkatapos ay binalingan muli ako ni Lynea na nakangiti muli. Yung ngiting halatang plastik.

"Ah Tita, Lynea, I'm sorry but we have to go." saad ni Kajik.

"But I still want to talk to Thraia. Can you please give us a moment?" sabi ni Lynea. Nanghihingi ito ng pabor pero ang dating ng pagkakasabi niya ay nanguutos. Para bang pakiramdam niya ay siya ang boss naming lahat.

"Nope. We need to go." si Ali na ang sumagot. Kunwari ay nalungkot si Lynea at nilapitan si Ali. Hinaplos-haplos niya ang mukha nito at binigyan ng mapang-akit na ngiti.

"Please, Ali... " sabi pa nito. Sumama ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mabuti na lang at hinawi ni Ali ang kamay niya at bahagyang itinulak ng mahina. Nakasimangot niya itong binalingan.

"Stop it, Lynea." sabi ni Ali.

"Saan mo ba gustong mag-usap, Lynea?" sabi ko. Mula sa pagkakatitig kay Ali ay napatingin siya sa akin.

"Doon na lang tayo sa may pool side." sagot niya.

"Lynea." may himig ng pagbabanta sa tinig ni Ms. Eleanor ng sabihin niya iyon.

"Don't worry, Ma. I won't do anything to her." agad namang sagot ni Lynea. Pagkatapos ay nauna na siyang naglakad palabas. Maglalakad na sana ako palayo nang hawakan ako ni Ali sa braso.

"Okay lang." sabi ko at naglakad na palabas. Hindi naman ganoong kalayuan ang pool side kaya nahanap ko agad si Lynea. Nakatayo lang siya sa may gilid ng pool. Tumayo ako sa tabi niya.

"Leave the company." agaran niyang sinabi.

"And who are you to tell me that?" mataray kong sabi. Bukod sa pagsampla noya sa akin noon ay hindi ko rin gusto ang asta niya ngayon kaya kumukulo ang dugo ko sa kanya.

Bumaling siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Ang lakas din ng loob mo ano? Sabagay, galing ka sa squater's area kaya siguro ganyan ang ugali mo and don't feel so proud of yourself just because you can speak in english kahit galing ka sa squater's area." panunuya niya.

"Stop the nonsense thing, Lynea. Sabihin mo na ang gusto mo." sabi ko.

"I want you to leave the company! Umalis ka na! Kung pera naman ang pinoproblema mo, kayang-kaya naman kitang bigyan. Kahit magkano pa. Mawala ka lang sa buhay ko." aniya. Napaismid ako sa sinabi niya.

"Bakit ba gustong-gusto mo kong mawala? Ano bang meron ha? Mayaman ka naman kahit nawala ang kompanya niyo ay meron pa rin namang kompanya ang iba niyong kamag-anak na siyang pinagkukuhanan niyo ng pera, pero pinag-iinterasan mo pa rin ang kompanya ng tatay ko."

"Sa akin lang dapat ang kompanya ni Dad! Ako lang ang anak niya!" sigaw nito.

Napaismid ako at umiling.

"Can't you just be thankful of what you have? Bakit kailangan mo pang kuhanin ang lahat? Ako ang tunay na anak, Lynea."

Kita ko ang pagkuyom ng kamay niya na siyang nagpangiti sa akin.

The Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon