Part 2:
Condo"Lynea. Gusto ko lang ipapalala sa iyo na hindi ka anak ng tatay ko, ni Philip Fortunato. Ako ang nag-iisa niyang anak. Hindi ikaw." nakangisi kong saad. I didn't mean that. I just want to pissed her at nagtagumpay nga ako. Namumula na ang mukha niya sa galit.
"How dare you!" sigaw niya at susubukan niya na sana akong sampalin ngunit napigilan ko siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay ng mahigpit.
"Totoo naman diba? Kaya bakit ka nagagalit? Interesado ka ba sa pera ng tatay ko kaya gustong-gusto mong makuha ang kompanya? Huh?" magkakasunod kong tanong.
"And what if I answer yes?! Ha! Yes, I want that company! I want Philip's company! Ano, may magagawa ka ba para pigilan ako?!" galit na saad nito.
"Tsk. Naaawa ako sayo, Lynea." sabi ko. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya kaya binitawan ko na. Nakakaawa eh.
"At ako pa ang pathetic ngayon? Huwag mong patamaan ang sarili mo." aniya.
"At talagang nilalandi mo pa si Ali sa harap ng maraming tao! Ang kapal ng mukha mo! Akin lang siya!" dugtong niya pa.
"Walang sayo, Lynea. Ano? Lahat na aangkinin mo? And for your information, hindi ko nilalandi si Ali. Siya ang nagkukusang gawin yun." sabi ko.
"At hindi mo naman tinanggihan dahil malandi ka! You whore! Hindi ka bagay sa kanya, langit siya, lupa ka lang kaya't saan ka lulugar?" tanong niya.
Iiwan ko na sana siya ngunit pinigilan niya ako at sumigaw.
"You're really a whore! Slut! Malandi!" sigaw niya at di ko na napigilan nang hilain niya ang buhok ko at sinabutan.
Napasigaw ako sa sakit dahil sa higpit ng pagsabunot niya sa akin at ang tulis ng kuko niya na tumatama sa anit ko. Hinila ko ang buhok niya at sinabunutan din siya kaya naman mas lalo niyang idiniin ang mga kuko niya sa ulo ko. Binitawan ko ang buhok niya at saka ginawaran siya ng sampal sa magkabilang pisngi. Dahil dun ay napabitaw siya sa buhok ko. Tatakbo na sana ako palayo ngunit hinila niya na naman ang buhok ko. Naglakad siya patalikod habang hila pa rin ang buhok ko para sana ihulog ako sa pool pero dahil siya ay nakalikod, di niya napansin na siya na pala ang mahuhulog dito.
Huh! Serves her right!
Isang matinis na sigaw ang ginawa niya dahil sa inis.
"Aia!" tawag sa akin mula sa likuran. Nang lingunin ko ito ay tumambad sa akin si Ali na tumatakbo palapit sa akin. Nakasunod naman sina Kajik, Zamiel at Ivo.
"What happened?" tanong ni Ali bago hinawakan ako sa braso. Puno ng pag-aalala ang mata nito.
Bigla namang may dumating na mga staffs ng hotel at agad tinulungan si Lynea na makaalis sa pool. Tiningnan niya ako ng masama nang makaahon siya sa pool.
"Towel Madame." sabi ng isang staff at iniabot kay Lynea pero tinabig lang ito.
"Don't touch me!" sigaw nito pagkatapos ay bumaling sa akin.
"Magsama-sama kayong lahat! Mga walang kwenta!" sigaw niyang muli bago naglakad papasok sa loob ng hotel. Tila ba wala siyang pakialam kung basa siya. Sinundan naman ito ng mga staffs. Naiwan na kaming lima.
"Aia, are you okay? Sinaktan ka ba niya?" muling tanong ni Ali. Umiling na lang ako bilang sagot at di na sinabi ang totoo. Inayos niya ang magulo kong buhok bago ako hinila palabas. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod.
Nagising na lang ako na nasa bisig na at buhat-buhat ni Ali papasok ng condo unit.
"I-ibaba mo na ako." inaantok na sabi ko. Tiningnan niya lang ako at di na sumagot. Napasimangot na lang ako sa kasungitan niya at hiyaan na lang hanggang sa makarating na kami sa tapat ng condo unit niya. Pagkabukas ay bumungad sa akin ang gulat na mukha nila Penny at Ethan.
"Ate!" isang maliit na tinig ang narinig ko. Bigla ay sumulpot si Miggy, ang kapatid ko sa likod ng sofa at tumakbo papunta sa amin ni Ali. Agad akong ibinaba ni Ali at sinugod ko naman ng yakap ang kapatid ko at hinalikan sa ulo.
"Okay ka lang ba, Miggy?" tanong ko. Tumango naman siya nang nakangiti.
"Opo Ate." sagot niya. Napatingin siya kay Ali bago muli sa akin. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa amin.
"Ate, boyfriend mo ba siya?" inosenteng tanong nito. Pinamulahan ako ng mukha sa tanong niya. Hindi pa man ako nakakasagot ay naunahan na ako ni Penny.
"Oo, Miggy! Boyfriend niya yan!" kinikilig na sabi niya. Pinanlakihan ko siya ng mata bilang pagsenyales na itigil niya na ang kung ano mang sasabihin niya.
"Talaga po?" masayang tanong nito at tumingin kay Ali bago ay ningitian. Ningitian niya rin ito pabalik.
"Hi little boy! Nasa iyo pa rin ba yung binigay ko?" tanong ni Ali. Nagtataka kong tiningnan ang dalawa. Magkakilala na sila?
"Ha? Anong binigay?" nalilito kong tanong. Sumagot si Miggy ng oo tapos ay biglang lumapit si Miggy sa kanya at binuhat naman ito ni Ali at nag-fist bump pa sila. So, close na talaga sila?
"Ate, sabi ni ate Penny, dito na raw tayo titira. Totoo po ba yun? Gusto ko dito para kasama natin si kuya Ali!" masayang sabi nito. Sinamaan ko ng tingin si Penny na agad namang nag-peace sign sa akin.
"Hindi ta---" naputol ang sasabihin ko nang maunahan ako ni Ali.
"Oo. Dito na kayo titira ng Ate mo. Okay lang ba yun sayo?" tanong niya kay Miggy. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkumpirma niya.
"Ali..." pagtawag ko sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin.
"Yehey! Makakasama na kita kuya pogi na mabait pa!" narinig kong sabi ng kapatid ko. Niyakap niya si Ali sa leeg at tuwang-tuwa naman ang lalaking ito doon. They look so happy at ako?
"Don't worry. What I'm saying is you're going to live here in this same condominium with me but not with the same condo unit, Aia. Yours are just right beside mine." natatawa niyang sabi. Karga-karga niya pa rin si Miggy at nilalaro-laro.
Napaismid ako. At pinaglaruan pa talaga ako ng lalaking 'to!
Napalingon ako kina Penny nang pumeke ng ubo si Ethan. Si Penny naman ay mukhang natatawa na kinikilig sa nakikita niya. Tsk. Iniripan ko nga.
"Aia, Ali uuwi na kami ni Penny. Maiwan na namin kayo dito." pagpapaalam nito.
"Kayo? Uuwi? Saan kayo nakatira?" tanong ko.
"Hehe. Aia, sa c-condo na ni Ethan ako nakatira. Promise! Magkwe-kwento talaga ako sayo pag may time! Bye! Uwi na kami! Bye Miggy baby!" maglalakad na sana ito palabas habang hila-hila si Ethan ngunit hinarangan ko ito.
"Ah alam mo ba kami ni Ethan ang nagdala kay Miggy dito kasama yung iba mo pang damit? Di ka ba magpapasalamat man lang?" pag-iiba nito ng usapan. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Okay. Edi thank you." sarcastic kong sabi kay Penny. Lalapitan ko pa sana siya nang hilain na siya ni Ethan palabas ng condo. Naisahan nila ako dun ah! Lagot talaga itong si Penny sa akin!
Bumaling naman ako kina Ali ngayon. Karga niya pa rin si Miggy.
"Paano kayo nagkakilala?" agaran kong tanong.
"Ate! Siya yung nagbigay sa akin ng transformers na toy! Natatandaan mo po ba?" sabi nito.
"Yung mamahaling laruan? Yung maganda na dala-dala mo last week pa?" tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot bago ay nagkusot ng mata. Mukhang inaantok na.
"Tara na. Tulog na tayo." bago ko kinuha kay Ali si Miggy. Dadalhin ko na sana ito sa katabing condo unit na sinasabi ni Ali nang magsalita siya.
"Its not only because it's my job that I'm here with you right now, Aia."
"I like you..."
BINABASA MO ANG
The Light in the Darkness
Fiksi Penggemar[STATUS: COMPLETED] Living in the dark reality, as what she call it, Aia spent her life working as a dancer in a club to sustain their everyday needs. But the day finally came where her eagerness to find the light, which is the key to exit her dark...