Kabanata 5

220 8 0
                                    

Kabanata 5

Back



Fortunato? 


"And here you are having the audacity to say that to me. if you still didn't realize, akolang naman ang may ari ng hotel na ito. Anak ako ng isang Forunato."


Tama nga ako. Sinabi kanina ng Lynea na yun na anak daw siya ng isang Fortunato. Kung ganun...


M-magkapatid ba kami!?


Pero... maaari namang ang kasamang lalaki ni mama sa picture habang karga ako ay kaibigan niya lang. Wala namang espesyal sa picture na iyon. Nakatayo si mama habang karga ako at nakapwesto sa likod ng cake na nasa mesa. Hindi naman na kita ang mukha hanggang baywang ng lalaki dahil nga sunog ang parte ng picture na iyon. 


Pero bakit ang nakalagay sa mga apelyido sa likod ng picture ay Suarez-Fortunato? Bakit naman idurugtong ni mama ang apelyido niya sa kaibigan niya kung wala lang diba? 


Malabo pa ang lahat para sa akin pero ang natatanging sigurado ako ay maaaring tatay o kamag-anak ni Lynea ang lalaking kasama namin ni mama sa picture. Kailangan kong alamin yun dahil may posibilidad na... ako ay Fortunato rin.


Pinagpatuloy ko ang pagtingin-tingin sa laman ng kahon hanggang sa ang matira na lang ay isang notebook. Plain lamang ito na kulay pula at may nakasulat na pangalan ni mama sa gilid sa baba. At dahil kinakain na ako ng kuryosidad ay binuksan ko ito. 


Base sa nakasulat sa unang page ay diary pala ito. Binuklat ko pa ang ibang pahina at nakitang katulad din ito sa naunang page na may date sa itaas at sa baba ay may mga saloobin siguro o kaya'y mga kwento ni mama. At dahil sa tingin ko'y masyado itong personal ay hindi ko na binasa ang mga sinulat ni mama sa notebook na iyon ngunit itatabi ko ito kasama ng picture na nakita ko kanina dahil sa tingin ko ay importanteng-importante ito kay mama. 


Ibinalik ko na sa box ang mga bagay na dapat pang itago at ang wala nang pakinabang ay isinupot ko at itatapon sa labas. Ang picture at diary naman ay itinago sa aking cabinet para madali na lamang makuha. 


Pagbaba ay nakita ko si Miggy na hinatid na ata pala kanina ng kapitbahay namin habang nasa itaas ako.


"Ate tingnan mo! May bago akong laruan! Transformer! Ang ganda-ganda, ate! Mukha pang mahal!" sabi ni Miggy. Ang mata ay halatang nagniningning sa tuwa.


Tumabi ako sa kanya sa sofa at ginulo ang kanyang buhok.


"Kanino galing yan ha? Bakit mukhang bagong-bago pa?"


Dala pa kasi ni Miggy ang box at mayroon pang nakadikit na price tag. Mayroon pang supot ng SM sa tabi niya kaya mukhang bagong bili pa nga talaga.


"Hmmm... hindi ko siya kilala ate. Basta nagulat na lang ako kanina habang naglalaro kami ni Totoy sa labas, binigay niya sa akin itong laruan! Pati sina Totoy binigyan niya pero yung sa akin ang pinakamaganda! Ha! Inggit sila!" sabi niya at nilabas pa ang dila para mang-asar kahit hindi naman namin kasama ang mga kalaro niya.

The Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon