Kabanata 2
Help
"Migs! Maligo ka na at mamalengke tayo ngayon." sabi ko kay Miggy na kasalukuyang nakasalampak sa sahig at nilalaro ang pinaglumaang gameboy na bigay ng isa sa kapitbahay namin. Kahit medyo may diperensya na ang laruan ay labis pa rin ang tuwa ni Miggy dito dahil ngayon lang siya nagkaroon ng ganyang laruan.
Nang makitang hindi pa rin ito kumikilos ay tinapos ko munang hugasan ang huling plato na hinunhugasan ko at saka nilapitan ang makulit kong kapatid.
"Miggy, maligo ka na. Hindi ka ba makikinig sa ate mo?" sabi ko at pumaewang sa harapan niya.
"Ate, ayoko sumama sa palengke. Ang baho doon! Maglalaro na lang ako dito." sagot niya habang wala pa ring tigil ang kamay niya sa kapipindot sa gameboy. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Ang tigas din talaga ng ulo ng kapatid kong ito. Hindi ko alam kung kanino nagmana.
Kinuha ko ang maliit kong bag at isinukbit sa balikat bago binuksan ang pinto.
"Ah o sige, maiwan ka na lang dyan. Pupunta pa naman ako sa park mamaya."
Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang marinig ko ang sigaw ni Miggy.
"Sabi ko nga maliligo na ako, Ate. Hintayin mo ako!" at agad na siyang pumasok sa banyo.
Sabi na nga ba ay kakagat iyon sa patibong ko. Alam kong kahinaan niya ang park dahil gusto-gusto niyang makipaglaro sa mga bata doon. Balak ko naman talaga siyang dalhin doon mamaya dahil mamayang ala-sais pa naman ang pasok ko sa club.
Kanina pa ako nakaligo at nakapag-ayos. Itong si Miggy lang talaga ang hindi dahil pagkatapos naming kumain ng agahan ay naglaro na kaagad ng gameboy.
Habang hinihintay si Miggy ay inayos ko muna ang mga unan na wala sa tamang pwesto ng sofa naming butas na ang kaliwang parte. Inilapag ko rin ang gameboy sa mesa dahil basta na lang itong binitawan ni Miggy nang tumakbo siya sa banyo.
"Ate, wala pala akong twalya!" sigaw ni Miggy mula sa loob ng banyo.
Napailing na lang ako sa kakulitan ng kapatid ko at saka tumayo para kunin ang twalya niya sa taas.
"Hi, bes!" ang pambungad sa akin ni Penny. Bumeso ito sa akin at ganun din ang ginawa ni Lorie.
Inilipag ko ang bag ko sa vanity table bago kinuha sa cabinet dito sa dressing room ang susuotin naming uniporme ngayong gabi. Para sa araw na ito, ang aming uniporme ay suited up sexy bunny outfit na may kasamang bunny ears, ribbon necktie, at see through thigh high stockings. Kulay pula naman ang uniporme ni Penny at kay Lorie naman ay puti.
Agad na akong nagbihis habang sina Penny at Lorie naman ay abala sa paglalagay ng make-up. Kaming tatlo lang naman ang narito sa loob ng dressing room ngayon pero kahit marami pang tao rito sa loob basta ay kasamahan naman namin ay ayos lang na magbihis sa harap ng isa't isa.
Nang matapos magbihis ay sinimulan ko nang maglagay ng make-up. Inuna kong ayusin ang eyeshadow, sunod ang kilay, pilikmata, at panghuli ang lipstick. Katulad ng nakasanayan ay makapal ang in-apply kong make-up para hindi ako gaanong makilala ng mga customer ng bar.
Habang ikinukulot ko ang aking buhok ay hindi ko namalayang pumasok si Madam Sofia sa dressing room at nilapitan ako.
"Aia, mamaya, sa room 03 ka."
Napatayo ako at agad na nilusob ng kaba ang dibdib ko. Maging sina Penny at Lorie ay napatigil sa pag-aayos dahil isa lang naman ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.
"Madam, akala ko ba napag-usapan na natin ito? Ayokong makipag... talik. Hanggang sayaw lang usapan natin diba noon, Madam Sofia?"
Agad na umiling si Madam Sofia at tinaasan ako ng kilay.
"Pinagbigyan lang kita noon dahil kailangang-kailangan ng bagong recruit kaya kahit dancer lang muna ang gusto mo ay pinagbigyan kita! Mag-iisang taon at mahigit ka na rito, Aia kaya hindi pwedeng mag-inarte ka ngayon! Hindi na kita bibigyan ng special treatment! Sadyang inuto lang talaga kita noon para maipasok kita rito. Sayang ang ganda mo kung hindi mapapakinabangan!"
Para bang naririnig ko ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa katahimikan sa dressing room. Lahat ay takot kay Madam Sofia. Kahit ako natatakot sa kanya ngayon.
Alam kong may ganitong klaseng serbisyo sa trabaho namin pero hindi ko talaga kayang isuko ang katawan ko sa mga estrangherong tao para sa pera. Pagsasayaw lang ang kaya kong ibigay at minsan nga ay tinitiis na lang ang minsa'y pasimpleng paghawak ng iba sa katawna ko.
Nanlalabo na ang paningin ko habang nakatingin kay Madam Sofia, umaasa na kahit papaano ay maawa pa siya sa akin at pagbigyan ako pero matigas na umiling lang si Madam Sofia.
"Kung ayaw mong mawalan ng trabaho at kung ayaw mong magutom kayo ng kapatid mo, gawin mo ang dapat mong gawin. Naiintindihan mo ba?!"
Pagkalabas ni Madam Sofia ay nilapitan agad ako ni Penny at Lorie.
"Papakiusapan ko si Madam Sofia. Huwag kang mag-alala." sabi ni Penny at hinawakan ang kamay ko.
"Kung gusto mo, palit na lang tayo, Aia. Ikaw na lang ulit ang sumayaw kapag ako na ang dapat isasalang tapos ako na lang ang pupunta sa customer mo sa room 03. Sanay naman na ako, bes!"
Nang marinig iyon kay Lorie ay agad akong umiling.
"Lorie! H-huwag na. Nakakahiya sayo. Ako na lang. Susubukan ko. At anong klaseng kaibigan ako kung hahayaan kitang gawin mo yun para sa akin."
"Pero, Aia..."
"O-okay lang. Tama si Madam Sofia. Hindi na dapat ako nag-iinarte pa." saad ko bago tumayo. Pinigilan ko ang panginginig ng aking tuhod at lumabas ng dressing room. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Lorie at akmang hahabulin ako pero pinigilan na siya ni Penny.
Alam ni Penny na kapag sinabi kong gagawin ko o hindi ang isang bagay ay wala nang makapipigil sa akin.
Mababagal ang lakad na umakyat ako sa second floor ng bar. Isang pasilyo lamang ito na may walong kwarto. Apat sa kanan at ganun di kaliwa. Narito ang mga kwarto para sa customer na nagbayad para sa isang gabing serbisyo namin at naghahanap ng panandaliang aliw.
Nang marating ang room 03 ay isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto.
Pagpasok ay bubungad ang kulay abong kulay ng dingding. Laman ng kwarto ang isang double size bed na nasa gitna na may pulang bed sheet at ang bukas na dim lights. Kahit na naka-aircon ang kwarto ay ramdam ko ang pagtulo ng butil ng pawis sa aking noo.
At sa kama, ay isang lalaking na nakaupo sa kanang bahagi ng kama. Ngunit laking pagtataka ko dahil nakaupo lang ito at hindi umiimik. Kulay itim ang suot nitong jacket, cap at naka-faded jeans. Dahil sa madilim sa loob ng kwarto at nakasuot pa ito ng cap ay hindi ko maaninag ang mukha niya.
Ganitong-ganito rin yung lalaking nakita ko noon!
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaliwang bahagi ng kama. Itatanong ko na sana kung sino siya ngunit napatigil ako nang marinig ang baritono at malamig niyang boses.
"I'll help you to get out of here. Just... wait for me, for us. And don't ever do this."
At wala nang paligoy-ligoy pang lumabas ito ng kwarto nang hindi nagpapakilala.
BINABASA MO ANG
The Light in the Darkness
Fanfiction[STATUS: COMPLETED] Living in the dark reality, as what she call it, Aia spent her life working as a dancer in a club to sustain their everyday needs. But the day finally came where her eagerness to find the light, which is the key to exit her dark...