Kabanata 4
Fortunato
Mangha kong tiningala ang mataas na bulding na nasa aking harapan. Ang buong building ay gawa sa salamin kung kaya't nakasisilaw itong tingnan ngayon dahil sa sinag ng araw na tumatama rito.
Suot ang isang simpleng white longsleeve blouse, pulang skirt na hiniram ko kay Penny at ang itim na stilettos na minsan kong sinuot sa club ay narito ako ngayon sa tapat ng isa sa pinakasikat na hotel sa buong bansa, ang Hotel de Fortuna.
Dala ang isang brown envelope na naglalaman ng resume ko ay tinahak ko ang daan papasok sa hotel. Pagpasok sa loob ay muli akong namangha sa pagka-engrande ng interior ng lobby. Angat na angat ang kulay ng ginto at mayroong black accents ang mga furnitures maging ang pader. At ang nagbibigay liwanag sa buong lobby ay ang malaking chandelier na kulay ginto rin. Kapag pumasok ka rito ay para bang nagsasalamin sa kahit saang parte ng lobby.
Dumiretso na ako sa reception area at tinanong kung saan dapat ipasa ag resume.
"Sakay ka lang po ng elevator at bumaba sa 5th floor. Paglabas po ay dumiretso po kayo sa right side ng floor na 'yon at makikita niyo na po ang office ng HR." saad ng receptionist.
Nagpasalamat ako at saka sumakay na ng elevator at pinindot ang 5th floor. Pagkarating doon ay agad ko namang nakita ang office ng HR. Kumatok ako at pinagbuksan ng isang babaeng nasa mid-40s na. Kinuha niya ang aking resume at sinabing maupo muna ako habang hinihintay ang kakausap sa amin para sa pag-aapply bilang janitress. Janitress lang ang maaari kong apply-an dahil high-school lang naman ang natapos ko at hindi na kailan pa nasubukang pumasok ng kolehiyo.
Sinabihan din kami ng babae na maari kaming kumuha ng maiinom sa vending machine kung gusto namin. At dahil bahagyang nanginginig na ang aking kamay dahil sa lamig sa loob ng kwarto ay tumayo ako at kumuha ng kape sa vending machine.
Nang makuha ang kape ko ay akma na akong babalik sa kinauupuan ko kanina nang saktong may babaeng biglang pumasok. At dahil hindi ko ito kaagad napansin ay tumapon ang mainit na kapeng hawak ko sa bandang dibdib na parte ng damit ng babae at kung minamalas nga naman ako ay puting sleeveless na v-neck pa ang suot ng babae kung kaya't maging sa mismong balat nito ay natapunan din ng mainit na kape. Para bang naistatwa ito sa kinatatayuan niya ngayon dahil sa nangyari.
"Sorry po! Sorry po, Ma'am!"
Nang dahil sa pagkataranta ko ay ginamit ko ang aking kamay para sana alisin ang kapeng naitapon ko sa kanya pero dahil mainit pa nga ito ay maging ako ay napaso at napabitaw sa kanya.
"Sorry po tala---
Isang nakabibinging malakas na sampal ang binigay niya sa akin. Nabitawan ko ang cup na may tira pang kape at natalsikan ang paa naming dalawa. Napahawak ako sa kanang pisngi ko na mahapdi na ngayon.
"Fuck you, stupid bitch!" at akmang sasampalin niya na naman ako nang awatin na siya ng mga staff na HR.
Pinapaupo nila ito ngunit nagmamatigas ito. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa harapan niya at dinadama pa rin ang sakit ng pisngi.
"Who is this bitch? Is this your employee? Then I want you to fire her right now!" utos nito sa HR.
Nanginginig ang kamay na lumapit ang babaeng kausap ko kanina.
"M-miss Lynea, she's not yet an employee here. Mag-apply pa lang siya bilang janitress."
"Then don't accept her! A stupid person like her who can't even look properly does not deserve to work here in my company!"
Sa sinabi niyang iyon ay agad akong lumuhod sa harapn niya kahit na pinipigilan ako ng HR.
"M-miss, huwag po! Kailangang-kailangan ko ang trabahong ito! A-alam ko pong may pagkakamali ako pero sana bigyan niyo pa ako ng isang chance. Mag-iingat na po ako."
Lumapit ang babae sa akin, o ang tinawag kaninang Miss Lynea sa akin at tinapunana ako ng nakamamatay na tingin.
"Ang mga tatanga-tangang katulad mo ay hindi na binibigyan ng chance pa." sabi niya at agad na nagpatawag ng guard para kaladkarin ako palabas ng hotel. Ngunit bago pa ako mahila ng mga guard ay nagsalita ako.
"Alam kong katangahan yung nagawa ko pero hindi ko ho iyon sinasadya. At hindi rin makatarungan na sampalin mo ako nang dahil natapunan kita ng kape nang hindi sinasadya."
Napatawa ito at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
"And here you are having the audacity to say that to me. If you still didn't realize, ako lang naman ang may ari ng hotel na ito. Anak ako ng isang Fortunato. Kaya ako ang masusunod dito at wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa mga katulad mo na umaasa lang sa amin para magkatrabaho. And ohh, before you say that to me, siguraduhin mong may ari ka rin ng hotel katulad ko at anak mayaman ka. Understood?"
Hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na magsalita dahil tuluyan na akong kinaladkad ng mga guard palabas ng hotel. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa akin napara bang ang dumi-dumi ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong masyadong mataas ang tingin sa sarili at tinatapakan ang mga taong mas mababa sa kanila.
Sana lang ay hindi bumalik ang karma sa kanila.
Pagkauwi ay agad akong nagpalit ng damit. Si Miggy ay nasa kapitbahay pa namin at ayaw pang umuuwi dahil nakikipaglaro pa. Para naman kahit papaano ay mawala sa isipan ko ang nangyari kanina ay napag-isipan kong linisin ang second floor ng bahay namin na kung tutuusin ay hindi pa matatawag na second floor dahil maliit na space lamang ito. Dito nakalatag ang kama namin ni Miggy at sa tabi lamang nito ay ang mga gamit namin.
Binuksan ko ang mga kahon at inisa-isa ang mga papel, notebook, at picture at tiningnan kung ano sa mga ito ang pwede nang itapon. Habang iniisa-isa at paminsan-minsan na binabasa ang ilan ay nahagip ng mata ko ang isang picture. Sa picture ay si mama, ako noong baby pa at isang hindi kilalang tao. Base sa suot nito ay lalaki iyon ngunit hindi na kita ang mukha dahil sunog ang hanggang baywang na parte ng picture. Nakapagtataka dahil mukhang sadya ang pagkasunog ng picture para hindi makita kung sino ang lalaki.
Pero ang pumukaw sa atensyon ko ay ang apelyidong nakadugtong sa apelyido ng mama ko na nakasulat sa likod ng picture.
Suarez- Fortunato
BINABASA MO ANG
The Light in the Darkness
Fanfiction[STATUS: COMPLETED] Living in the dark reality, as what she call it, Aia spent her life working as a dancer in a club to sustain their everyday needs. But the day finally came where her eagerness to find the light, which is the key to exit her dark...