Kabanata 3

761 11 0
                                    

Kabanata 3

Drugs


"I'll help you to get out of here. Just... wait for me, for us. And don't ever do this."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ng misteryosong lalaking iyon. Ni wala akong idea kung sino ba talaga siya at bakit niya sinabing tutulungan niya ako. Para bang kilalang-kilala niya ako. Ang natatanging sigurado ako ay siya ang lalaking nakita ko noon na mabilis na tumalikod noong sumilip ako sa pintuan noong isang araw na umuwi ako. Parehas na parehas ito sa suot ng lalaking nakausap ko sa kwarto pati na rin ang built ng katawan. 


Kasaluluyan kaming nagpa-practice ng sayaw ngayong araw sa club ngunit ang isipan ko ay naglalakbay sa kung saan. Nawala saglit sa isipan ko ang lalaki nang marinig ang nakabibinging sigaw ni Madam Sofia na kalalabas lang ng opisina niya. Nakabuntot dito si Sean, ang pinakamabenta sa customers ng club dahil daw sa taglay nitong galing sa kama. Kaya sa aming lahat, siya ang pinakamapera dahil hindi talaga ito maarte sa customer. 


Pilit hinawakan ni Sean si Madam Sofia pero tinatampal lamang nito ang kamay niya. 


"Hindi ba't sinabi mong ititigil mo na ang paggamit nito!?" kasabay ng pagsigaw ni Madam Sofia ay ipinakita niya ang dalawang supot ng plastic na may puting powder sa loob pero mukhang hindi ito basta isang simpeng powder lang, mukha itong... 


Lahat kaming narito sa club ay napasinghap nang marealize kung ano ang laman ng plastic. 


"Sabi na nga ba't nagda-drugs ang babaeng 'yan!" saad ng isa sa mga kasamahan ko.  


"Hindi ka tumupad sa usapan natin! Masisira ang pangalan ng club ko dahil sayo! Kaya hindi na kita pagbibigyan ngayon! Umalis ka na rito! Huwag ka nang babalik pa rito, kung ayaw mong masampal talaga kitang babae ka!" 


"Pero Madam! Gusto mo bang malugi ang club mo!? Ako ang pinakamabenta rito! Malaking kawalan ako sa club mo kapag tinanggal mo ako rito!"


"Wala akong pakialam! Wala akong alaga na adik!"


Hinawakan ni Madam Sofia sa braso si Sean at kinaladkad palabas ng club. Pilit pa rin itong nagmamakaawa at sinabing pinasubok lamang siya ng isa sa mga customer niya ngunit hindi iyon umubra kay Madam Sofia. Bago isara ang pinto ay itinapon pa ni Madam ang dalawang plastic sa mukha nito bago ibinalibag ang pinto. 


Hindi agad umalis si Sean at kinalabog pa ang pinto.


"Wala kang utang na loob sa akin! Ako ang dahilan kaya dumami nang dumami ang pera mo pero palalayasin mo lang ako ngayon!?" 


Hindi pa rin ito pinansin ni Madam Sofia at kumuha na lamang ng alak sa isang tabi.


"Magsisisi ka! Gagawa ako ng paraan para masira itong club mo! Wala kang kwenta! Impakta ka!"


Pagkatapos ng sigaw niyang iyon ay tumahimik na sa labas at mukhang umalis na siya. Katahimikan ang nanaig sa buong club at walang nangahas na magsalita. 

The Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon