SWEET REVENGE》27

5.1K 183 31
                                    


Ilang araw ng hindi nagpapakita sakin si Matteo simula nong nangyari sa parking lot.

Hindi ko alam kong bakit. Nakakahiya ang ginawa ko, nakakahiya ang ginawa namin. Hindi ko sukat akalain na sa isang bulong lang at haplos ni Matteo ay nadala ako.

Bakit ganon kadali? Bakit pagdating sa malamig niyang boses ay hindi ko kayang kontrolin ang aking sarili. Naiinis ako, naiinis sa sarili ko. I'm to weak when it comes to him. Hindi maari, hindi maaaring manghina ako pagdating sa kanya. He's the reason why I'm still feel this aching. He's the reason, why I am back to pull them into hell.

Napahilamos ako saking mukha habang nakatukod ang magkabilang siko sa counter. Napahilot ako saking noo. Mamayang gabi na ang party, kailangan kong maghanda sa muling pagharap namin ni Mr. Francisco. Naikuyom ko ang aking kamao. Gusto kong isampal sa kanya ang isang milyon na ibinigay niya sakin, kapalit ng pag-alis ko at pag-lisan sa buhay nila.

Bakit ganon ang ama ko? Bakit hindi niya ako magawang tanggapin? Anong mali sakin?

Napasinghap ako bago dahan-dahang napaupo sa highchair. Its so hard to pretend that I'm okay, but its not. Ang hirap, at ang sakit. Wala na nga si Nanay at Tatay, pati ba naman ang totoo kong Tatay ay ipinagtaboy ako?

Mahirap ba akong tangggapin? Mahirap ba akong mahalin?

I'm so stupid because I let all of these things happened. Im the one who hurt myself. Sorry, I'm very sorry. I never ment to ask everything I have now. Kusa itong dumating sakin na hindi ko hinihingi. Isang kumpleto lang naman na pamilya ang gusto ko. Gusto ko ng kumpletong pamilya at masaya. Isang pamilya na bubuo sakin ulit.

Nakagat ko ang ngipin ko dahil naalala ko si Mr. Francisco.

I'm so stupid fuck this stupid brain of mine. Bakit tinanggap kong magpakalayo sa pamilya nila Venus? Bakit tinanggap ko ang isang milyon na iyon? Kailangan ko ba talagang pagsisihan ang pag-alis ko sa Gregoria? Kailangan ko ba talagang pagsisihan kong bakit pumunta pa ako dito sa Manila? Kailangan ko ba talagang sisihin ang sarili ko? I dont know, I just want to believe that everything is happen for a reason. May rason kong bakit napadpad ako dito sa Manila. Kong hindi sila dumating sa buhay ko, hindi ko maabot kong anong meron ako ngayon. Acceptance is the best key to moving on. Kailangan kong tanggapin kong anong meron ako ngayon.

I know. I know I'm so stupid to be afraid but I'm certain nothing will change. Ito na ako ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay harapin ang sumusunod na araw. Kailangan kong ipagpatuloy ang plano ko.

Dali-dali akong bumaba sa highchair at nagtungo saking kwarto. I text Rocky for the welcome party this evening. Kailangan ko syang isama duon. Sana lang ay hindi sya busy ngayon.

Me: Rocky, busy ka ba? Remember that I told you. Yung welcome party para sakin sa St. Peters. Makakapunta ka ba?

Nakatitig ako sa screen ng aking phone. Naghihintay sa reply ni Rocky. 

Dumaan ang ilang minuto ay wala parin syang reply. Napagdesyonan kong kumain muna ng almusal. Binusog ko ang aking sarili sa masarap kong niluto. Kahit mag-isa akong kumakain ay iniisip ko nalang ang masasayang alaala namin ni Nanay at Tatay. Masakit man, subalit kailangan kong isipin ang masasayang bagay dahil duon lang ako nagiging malakas at masiglang muli.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako saking kwarto. Dali-dali kong inabot ang aking phone sa mesa. Tumambad sakin ang pangalan ni Rocky sa screen.

From Rocky:

Yes, sasamahan kita. Susunduin kita mamaya, Mary. I missed you already.

Lumapad ang ngiti ko sa nabasa. Napasinghap ako, bago nag-simulang mag tipa. Nireplyan ko muna si Rocky bago napagdesyonang maglinis ng condo. I already text the four girls. Gusto ko sana silang imbetahan sa party ngunit mukhang may trabaho sila mamaya. Ayaw ko namang maging unrespected sa paningin ni Clifford.

Mary's Sweet Revenge [Book2 of Virgin Mary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon