SWEET REVENGE》20

7.6K 168 10
                                    

KABANATA 20: Compite

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Galit, kaba at pagtataka. Nanatiling nakatayo si Matteo sa labas ng pintoan. What his motive? Why his here?

Sumulyap ako muli kay Rocky. He still not moving. Nagkatitigan sila ni Mattep at hindi ko alam kong anong klaseng titigan iyon, bukod ay wala akong makitang ekspresyon sa kanilang mata.

"Sir Matteo. Pumasok po kayo. Feel at home." kumunot ang noo ko sa anyaya ni Grace. Maging ang dalawa ay tinawanan sya.

"Hi Sir. Bakit kayo napa rito? Para sakin ba iyang bulaklak?" agad siniko ni Ivony si Jessica.

"Huwag ka nga. Para kay Mary yan. Malamang." pagtatama ni Ivony. Dahan-dahang lumapit si Matteo sakin na walang ekspresyon.

Naghihintay ako. Naghihintay na baka sakaling magsisimula ulit silang mag-away dito. Subukan lang nila.

"Why are you here?" may panunuya kong tanong. Bumagsak ang mata niya sa hawak niyang bulaklak. Di umano'y iminuwestra iyon sakin.

"I'm here to say sorry. I'm sorry for being like this." marahan niyang sagot. Kuyom ang kamao ko sa galit. Nanatiling tahimik si Rocky sa gilid ko.

"Nandito ba kayong dalawa para pag-awayan ako ulit? Kong mag-aaway lang kayo dito. Pwede na kayong umalis." palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Naging maamo ang mukha nila at tila natakot sa sainabi ko.

"I'm here to check on you. I'm here to see you. Hindi ako nandito para makipag-away," sagot agad ni Rocky. Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa at mukhang kalmado ang kanilang mga mata.

"And how about you?" taas kilay ko kay Matteo. Maging sya ay kalmado. Walang bahid na takot at inis ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

"I'm here because, I miss you." napalunok ako sa sinabi niya. Panay tili ng tatlo kong kaibigan sa likuran. Halos hindi ako makagalawa. Sinabi niya talaga iyon sa harap ng mga kaibigan ko? Nice acting huh? Best actor.

"Cut!" bulyaw ni Jessica at dali-dali itong lumapit sa dalawa. "Akin na yan. Hmhmhm yan din akin na. Don't worry guys ilalagay ko lang ito sa kwarto ni, Maey. Unless kong hindi niya ito tatanggapin? Edi akin nalang huh!?" tawang-tawa ang dalawa sa ginawa ni Jessica. Kinuha niya ang dalang bulaklak at stuff toys na hawak ng dalawa. Dali-dali itong pumasok sa kwarto ko.

"Mabuti pa at sumabay na kayo sa almusal namin," si Ivony. "Wait kukuha lang ako ng dalawang plato," dali-dali din syang tumulak sa kitchen. Naiwan kaming apat sa sala.

"Sir, Matteo. Sir, Rocky. Dito kayo umupo." ngisi ni Grace. Napasinghap ako. This time ay makakasama ko ang dalawa sa hapag.

Nanatili silang nakatayo at di umano'y ayaw pang umupo. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Ayaw ko naman maging bastos.

"Sige, maupo na kayo." tinalikuran ko ang dalawa. Naramdaman kong sumunod sila sakin.

Dumating si Ivony na may dalang plato. Lumabas nadin ng kwarto ko si Jessica.

"Ipagpapatuloy nanatin ang pagkain," masaya saad ni Ivony.

Umupo ako pwesto ko kanina. Nasa kaliw ko ay si Matteo at kanan naman ay si Rocky. Sinamaan ko ng tingin si Grace dahil sya ang umayos sa upoan namin. Sinasadya niya talaga ito noh?

Para akong nasa masikip na kulongan dahil sa pinagitnaan ako ng dalawang ito. Halos hindi ako makagalaw dahil nababangga ng siko ko ang siko ni Matteo. Maging si Rocky ay ganon din.

"Grace," tawag ko sa kanya. Sa puntong ito ay nag-uusap ang mga mata namin. Idea niya ito at talagang na e'enjoy syang mahihirapan ako dito sa gitna.

Mary's Sweet Revenge [Book2 of Virgin Mary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon